Press Release
April 1, 2022

TRANSCRIPT OF DZMM's INTERVIEW with SENATOR IMEE R. MARCOS

Anchor: on the issue of estate tax?

SIRM: bago ang lahat, hindi ako ang otoridad nyan, kasi ang mga abogado ang humahawak dyan, 36 years na ang dami-daming nangyari, medyo hilo na kami sa tax tax na yan. Pero ang masasabi ko. Kung may utang sa gobyerno, kailangan bayaran, kami sa pamilya namin, lahat ng kaso namin, hinarap namin. Hinaharap pa rin dahil marami pa. At ang isyu ng estate tax matagal na ito,e. nagkaroon ng assessment noong 1997 kaya lang mula noon ang dami-daming nangyari, hindi namin maintindihan, yung iba na inaassess na tinatax binigay na sa tinatawag na cronies, hindi pala amin in the first place itong mga properties na ito naibalik na sa mga nagma-may-ari. Tapos ang iba naman binenta na rin ng PCGG, binenta na rin ng BIR. So, nagtatanong kam. Magkano ba talaga ang nabenta, that will go against the tax payment. Kayat kami, nagtatanong sa PCGG at BIR matagal na, ilang dekada na, tinatanong namin, matagal na. Magkano ba talaga yan, kami ito nga nalilito, ang iba't-ibang ahensya iba naman yung suma.

Anchor: so dapat ireport muna ng PGG, magkano na ang kinita nila sa mga ibenentang lugar, ari-arian, pagkatapos iawas na ito doon sa 203B pesos, tama po ba?

SIRM: Oo, yung benenta at saka iyong mga isinoli sa tunay na nagma-may-ari. Ganun yun pagka-intindi ko ha. Pero hindi ako expert dyan, pagkat hindi nga ako humawak ng kaso. Pero, ang akin lang, ang dami dami ng taon, bakit bigla ngayong lumabas, talagang parang paninira naman yata ito ng bulok na politika. Inuungkat ito, at saka sa totoo lang 'wa epek' na e dahil masyadong sawang-sawa na yung tao sa paulit-ulit na paninira sa amin. Parang hindi naman tumatalab na. Ang akin, yung kaso tuloy-tuloy yan kahit sino pa man ang manalo. Yung mga kaso tuloy tuloy sa korte, walang problema yan. Hindi naman yan haharangin ng pamilya namin, kailanman.

Anchor: Si PRRD naman ay walang pinapangalanan no. May binabanggit po si PRRD na itong hindi nabayarang estate tax dapat ay singilin na ng BIR parang may utos po sya sa BIR. Meron po bang pakikipag-ugnayan or nag-isyu na po ba sila ng demand letter ano po ba ang aksyon ninyo dito?

SIRM: Ito puro hearsay lang ha. Kasi I'm not on top of the case, ang pagkaalam ko, sumagot naman yata ang abogado ni Bongbong. Sumagot din ang abogado ng nanay ko kasi sila ang co-executors ng estate at tinatanong nasaan ang sulat kasi nakita lang namin sa media, wala kasing kopya na buo ang nanay ko at hinihingi nga ang buong dokumento para upuan na once and for all, kasi nakakailang beses na rin kami na nakikisuyo sa kanila na upuan na natin at sumahin na ng total.

News Latest News Feed