Press Release
April 11, 2022

Two landmark legislations authored by Gatchalian expected to be signed into law soon

Two landmark legislations, the bill providing for a national energy policy and regulatory framework for the use of electric vehicles (EVs) and the establishment of electric charging stations and the proposed SIM Card Registration Act, are expected to be signed into law soon.

The enrolled copies of the bills on the Electric Vehicle Industry Development Act and the mandatory registration of all subscriber identity module (SIM) cards were transmitted to Malacañang last March 15 and 17 respectively for the President's signing.

"Malaking tulong para sa mga awtoridad na mapabilis ang paglutas ng mga krimen o magkaroon ng pagkakakilanlan ang mga kriminal kapag batas na ang pagpaparehistro ng mga SIM card," said Gatchalian, co-author in the Senate and proponent of the measure since the time he was still a congressman.

The re-electionist senator noted the continuing prevalence of text scams, unsolicited text messages or those offering non-existent or dubious jobs, smishing, and similar activities.

"Initially, when I first filed the SIM card registration bill in the House of Representatives in 2013, it was aimed at addressing terrorism and criminal acts of syndicates. But over a period of time, the anonymity in the use of SIM cards has allowed those engaged in nefarious activities untraceable by law enforcers," Gatchalian said.

Aside from addressing criminal activities, the legislation of SIM card registration will establish a system for a more secure digital transaction, reduce fraud, provide greater consumer access to e-government services, and create opportunities for mobile e-commerce, he explained.

Meanwhile, the lawmaker's proposed Electric Vehicle Industry Development Act will require the establishment of designated parking slots and charging points for EVs to help kickstart the promotion and adoption of EVs in the country.

If implemented correctly, Gatchalian said the law can help reduce oil consumption in the country by as much as 146.56 million barrels per year and create a $9.8 billion or almost P510 billion in savings per year based on the current exchange rate. Gatchalian is the principal author and sponsor in the Senate of the EV bill.

"Itaguyod natin ang EVs. Kung dumating ang panahon na maging pangkaraniwan nang uri ng sasakyan ang EVs, hindi lang ito makakatulong na mabawasan ang polusyon mula sa mga transportasyon, mababawasan din ang kinakailangan nating suplay ng imported na petrolyo," Gatchalian concluded.

# # #

__________________________________________

Ilang landmark legislation ni Gatchalian inaasahang magiging batas na

Dalawang landmark bills ni Senador Win Gatchalian ang inaasahang lalagdaan na ng Pangulo - ang "National Energy Policy and Regulatory Framework for the Use of Electric Vehicles (EVs) and the Establishment of Electric Charging Stations" at ang "SIM Card Registration Act."

"Malaking tulong para sa mga awtoridad na mapabilis ang paglutas ng mga krimen o magkaroon ng pagkakakilanlan ang mga kriminal kapag batas na ang pagpaparehistro ng mga SIM card," ani Gatchalian, isa sa may-akda sa Senado ng naturang panukala at punong tagapagtaguyod nito mula pa noong siya ay kongresista.

Sa pagbibigay ng kahalagahan sa pagsasabatas nito, pinuna ng re-electionist na senador na patuloy ang paglaganap ng mga text scam, unsolicited text messages o mga nag-aalok ng peke o kahina-hinalang trabaho, smishing at iba pang mapanlinlang na mga gawain.

"Noong una kong inihain ang SIM card registration bill sa House of Representatives noong 2013, ang layon nitong tugunan ay pabilisin ang pagresolba sa mga insidente ng terorismo at kriminal na gawain ng mga sindikato na may kinalaman sa SIM card. Ngunit sa paglipas ng panahon, ang paggamit ng mga SIM card na walang pagkakakilanlan ay naging kapaki-pakinabang sa mga gumagawa ng mga ilegal na gawain at naging hadlang sa pagtunton sa kanila ng mga awtoridad," sabi ni Gatchalian.

Bukod sa pagsugpo sa kriminalidad, ang pagsasabatas ng pagpaparehistro ng SIM card ay magtatatag ng isang sistema na magpapaigting sa seguridad ng mga digital transaction at makakaiwas sa mga pandaraya o mapanlinlang na text messages. Mapapalawak din nito ang access ng mga konsyumer sa mga serbisyong e-government at mapapalago ang mga mobile e-commerce, paliwanag pa ng senador.

Samantala, ang iminungkahi namang Electric Vehicle Industry Development Act ni Gatchalian ay magbibigay daan sa pagtatatag ng mga itatalagang parking slots at charging points para sa mga EVs upang palaganapin ang pagtangkilik sa mga ganitong uri ng transportasyon sa bansa.

Kung maayos itong maipapatupad, sinabi ni Gatchalian na makakatulong ang batas na mabawasan ang konsumo ng langis sa bansa ng hanggang 146.56 milyong bariles kada taon o magkaroon ng katipiran o savings na aabot sa $9.8 bilyon o halos P510 billion kada taon batay sa kasalukuyang exchange rate. Si Gatchalian ang punong may-akda at sponsor sa Senado ng EV bill.

"Itaguyod natin ang EVs. Kung dumating ang panahon na maging pangkaraniwan nang uri ng sasakyan ang EVs, hindi lang ito makakatulong na mabawasan ang polusyon mula sa mga transportasyon, mababawasan din ang kinakailangan nating suplay ng imported na petrolyo," pagtatapos ni Gatchalian.

# # #

News Latest News Feed