Press Release
April 17, 2022

EASTER MESSAGE OF SENATOR RISA HONTIVEROS

VIDEO LINK:

https://drive.google.com/file/d/1EIiW69G2qodOBJ7UdECXbiJlZZIqdc1q/view

Maligayang Pasko ng Pagkabuhay!

Habang patuloy tayong bumabangon mula sa pandemya, maging inspirasyon nawa natin ang muling pagkabuhay ni Hesus.

Matapos nating pagnilayan ang mga pagsubok ni Hesus, ngayon naman ay pinasisigla tayo ng pangako ng pagbabalik ng kanyang liwanag at pag-asa.

Sa gitna ng paghihirap at pagsasakripisyong kinahaharap natin, manalig tayong hindi niya tayo pababayaan. Lalong lalo na ang mga kababayan nating biktima ng bagyo't kalamidad nitong mga nagdaang araw.

Kaya kasabay ng ating matatag na paniniwala at pananampalataya, ipanalangin natin na tuluyan tayong makalaya mula sa mga paghihirap at pagdurusa, at para sa mas malusog at maginhawang bukas para sa ating lahat at sa bansa.

Gabayan nawa tayo ng Panginoon sa ating pagtahak sa kinabukasang puno ng liwanag at pag-asa.

#####

A joyous Easter to everyone!

May the resurrection of Jesus inspire us as we continue to recover from the pandemic.

After contemplating on the trials of Christ, let us draw strength from the light and hope that he brings.

Amidst the suffering and sacrifice, let us trust that our Savior will not forsake us. Most especially our fellow Filipinos who have also been hit by typhoons and other calamities in recent days.

So with our firm belief and faith, let us pray that we will be finally free from hardships and sufferings. Let us also pray for a healthier and more prosperous country.

May the Lord guide us as we move toward a future full of light and hope.

#####

News Latest News Feed