Press Release
May 5, 2022

Diverse groups give nod to Gatchalian's re-election bid

Senator Win Gatchalian's candidacy received more backing from diverse religious and political groups with the latest endorsements coming from the influential Iglesia ni Cristo (INC), El Shaddai, and the Moro Islamic Liberation Front-affiliated United Bangsamoro Justice Party (UBJP).

"Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa ating mga kapatid sa INC at El Shaddai sa kanilang pag endorso sa aking kandidatura. Napakalaking bagay ng endorsement nila at patunay lamang na 'yung ating mga ginawa sa nakaraang anim na taon ay binibigyan nila ng pagpapahalaga," the re-electionist senator said.

The INC, whose endorsement is heavily sought by political candidates every election in the country, announced Tuesday night the 12 senatorial bets they're supporting in the coming May 9 poll exercise with the inclusion of Gatchalian while the country's largest Catholic charismatic movement El Shaddai endorsed the senator last Saturday, April 30.

Gatchalian is also among the 12 candidates endorsed by the UBJP, the political party of the MILF.

"The United Bangsamoro Justice Party is committed to protect the Bangsamoro people and safeguard the gains of the Bangsamoro Peace Process. After careful assessment of the track record, conviction, and contribution to the Bangsamoro of candidates for senators in the 2022 national elections, the UBJP has decided to officially endorse our hand-picked candidates for senators," it said in a press statement dated May 2, 2022.

"As a genuinely-principled political party, the UBJP respects the electoral exercise and urges the voting public to exercise their constitutional right of suffrage on May 9, 2022. We join everyone in praying for a safe, clean, peaceful and honest elections," the statement added.

Gatchalian was among those who participated in the Senate deliberations in 2018 of Republic Act No. 11054, the "Act Providing for the Organic Law for the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao."

"Mahalaga at personal sa akin ang suportang ibinibigay ng grupo dahil pagpapatunay ito ng tiwala nila sa aking kakayahan at sinseridad bilang lingkod bayan. Makakaasa sila na susuklian ko ang tiwala at kumpiyansang ito sa pamamagitan ng pagsusulong ng mga batas na mapapakinabangan ng lahat anuman ang relihiyong kinabibilangan ng bawat Pilipino," Gatchalian said.


Kandidatura ni Gatchalian umani ng karagdagang suporta sa iba't ibang grupo

Umani ng karagdagang suporta mula sa hanay ng mga religious at political groups ang muling pagtakbo sa Senado ni Senador Win Gatchalian matapos ipahayag ng Iglesia ni Cristo (INC), El Shaddai, at United Bangsamoro Justice Party (UBJP) ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang pag-endorso sa kanyang kandidatura.

"Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa ating mga kapatid sa INC at El Shaddai sa kanilang pag endorso sa aking kandidatura. Napakalaking bagay ng endorsement nila at patunay lamang na 'yung ating mga ginawa sa nakaraang anim na taon ay binibigyan nila ng pagpapahalaga," ayon sa re-electionist na senador.

Ang INC na itinuturing na maimpluwensyang grupo ay nag-anunsyo noong Martes ng gabi ng kanilang 12 na senatorial bets para sa halalan sa Mayo 9 at kabilang dito si Gatchalian. Samantalang ang El Shaddai na pinakamalaking charismatic movement sa bansa ay inindorso din ang senador noong Sabado, Abril 30.

Si Gatchalian ay kabilang din sa 12 kandidato na inendorso ng UBJP, ang political party ng MILF.

"Pinapangalagaan ng United Bangsamoro Justice Party ang kapakanan ng mga Bangsamoro pati na ang mga natamo ng Bangsamoro Peace Process. Matapos ang maingat na pagsasaalang-alang ng track record at kontribusyon sa Bangsamoro ng mga kandidato sa pagka-senador, napagpasyahan ng UBJP na opisyal na i-endorso ang aming mga piniling kandidato," sabi ng UBJP sa kanilang inilabas na pahayag noong Mayo 2, 2022.

"Bilang isang partidong pulitikal na may pinanghahawakang prinsipyo, iginagalang ng UBJP ang pagsasagawa ng halalan at hinihimok ang publiko na gamitin sa Mayo 9, 2022 ang kanilang karapatan sa pagboto na ipinagkaloob sa ilalim ng konstitusyon. Nakikiisa kami sa lahat sa pagdarasal para sa isang ligtas, malinis, mapayapa, at tapat na halalan," dagdag pa nilang pahayag.

Si Gatchalian ay kabilang sa mga lumahok sa mga deliberasyon sa Senado noong 2018 ng Republic Act No. 11054 o ang "Act Providing for the Organic Law for the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao."

"Mahalaga at personal sa akin ang suportang ibinibigay ng grupo dahil pagpapatunay ito ng tiwala nila sa aking kakayahan at sinseridad bilang lingkod bayan. Makakaasa sila na susuklian ko ang tiwala at kumpiyansang ito sa pamamagitan ng pagsusulong ng mga batas na mapapakinabangan ng lahat anuman ang relihiyong kinabibilangan ng bawat Pilipino," sabi ni Gatchalian.

News Latest News Feed