Press Release
June 6, 2022

Poe sa TNVS priority booking fee:

Hindi dapat namimili ng pasahero ang ating mga pampublikong transportasyon.

Mula sa kanilang pinagkakasyang kita, pilit na naglalaan ang marami nating kababayan ng pambayad sa mas maginhawang masasakyan para makarating ng matiwasay sa kanilang hanapbuhay.

Obligasyon ng mga transport network vehicle service na ilatag ng malinaw ang bawat sinisingil nila sa mga pasahero at ipatupad ito nang makatarungan.

Walang lugar ang anumang hindi makatuwirang singil sa ating mga kababayang patuloy na nagigipit sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Kailangang manindigan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board laban sa anumang iligal na priority booking fee, kung saan maaaring pumili ng pasaherong makapagbibigay ng mas malaking bayad--kaysa ibang hindi na kaya pang magdagdag ng anumang halaga.

Inaasahan rin nating mabilis na kikilos ang ahensya para matiyak na hindi na mabibiktima ang ating mga kababayan ng anumang mapang-abusong mekanismo.

Kailanman, ang interes ng ating mga komyuter ay hindi dapat maisantabi sa operasyon ng pampublikong transportasyon.


Poe on TNVS priority booking fee:

Our people deserve equal access to public transportation services without discrimination.

Many shell out additional money painstakingly carved out of the family's budget to avail of ride-hailing services in order to lessen the agony of the daily commute.

Transport network vehicles services must show its pricing upfront and implement such without injustice.

We must not allow any unreasonable charges to commuters who are all affected by rising costs and economic hardship.

The Land Transportation Franchising and Regulatory Board must stand its ground against any illegal priority booking fee that can unduly select a passenger who can pay extra over another.

We expect the agency to expeditiously address all challenges to ensure that no such mechanism can victimize our hapless commuters.

Public interest is paramount in the operations of public transportation.

News Latest News Feed