Press Release
September 3, 2022

Gatchalian seeks probe on rising adolescent pregnancies, HIV infections among youth

Senator Win Gatchalian has filed a resolution seeking a Senate inquiry on the rising cases of teenage pregnancies and Human Immunodeficiency Virus (HIV) infections among the Filipino youth.

The United Nations Population Fund (UNFPA) noted that teenage pregnancy is a consequence of having little to no access to school information, or sexual and reproductive health care. The UNFPA also said that adolescents in the Philippines who have begun childbearing before reaching the age of 18 are less likely to complete secondary education.

In filing Proposed Senate Resolution No. 13, Gatchalian took note of the importance of reviewing the current policy on Comprehensive Sexuality Education (CSE) to assess the comprehensiveness of its scope and the effectiveness of its implementation. Aside from preventing teenage pregnancies and HIV infections, Gatchalian also stressed the importance of educating learners to become independent and productive members of society.

Gatchalian pointed out that since 2010, the average share of teenage pregnancy in total births in the country has substantially increased to about 28%. From 2000-2009, this figure was at 21.5%.

The increasing number of HIV cases is also attributed to the lack of education about safe sex as many engage in sexual contact without contraceptives. From 1984 to March 2019, 65,463 cumulative cases of HIV have been recorded, 31% of which are males aged 15 to 24 who are still in learning institutions.

While the Department of Education issued Department Order (D.O.) No. 31 s. 2018 to guide the implementation of CSE, the UNFPA declared that there is a long delay in its integration in the K to 12 Curriculum. The UN agency added that this is a significant missed opportunity to provide young people with needed life skills to make informed decisions related to risk behaviors with consequences to their health.

"Kinakailangang pagtibayin ang kasalukuyang Comprehensive Sexuality Education upang maturuan ang mga kabataan ng mga epektibong paraan upang maiwasan ang maagang pagbubuntis at maiwasang makakuha ng sakit na siyang hadlang sa pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral. Dapat itaguyod natin ang kapakanan at kaligtasan ng mga kabataan upang maabot nila ang kanilang potensyal," said Gatchalian, Chairman of the Senate Committee on Basic Education.


Pagdami ng teenage pregnancies, kaso ng HIV pinaiimbestigahan ni Gatchalian

Naghain si Senador Win Gatchalian ng isang resolusyon upang masuri ng Senado ang paglobo ng mga kaso ng maagang pagbubuntis at mga Human Immunodeficiency Virus (HIV) infections sa mga kabataan.

Ayon sa United Nations Population Fund (UNFPA), ang maagang pagbubuntis ay dulot ng kawalan o kakulangan ng access sa impormasyon at reproductive health care. Ayon pa sa UNFPA, madalas hindi nakakatapos ng high school ang mga kabataang nabuntis bago ang edad na labing-walo.

Sa paghain ng Proposed Senate Resolution No. 13, binigyang diin ni Gatchalian ang kahalagahan ng pagrepaso sa polisiya ng Comprehensive Sexuality Education (CSE) at malaman kung epektibo ang pagpapatupad nito. Maliban sa pagpigil sa pagdami ng mga kaso ng teenage pregnancy at HIV infections, binigyang diin ni Gatchalian ang kahalagahan ng paggabay sa mga mag-aaral tungo sa kasarinlan at pagiging produktibong mga kasapi ng lipunan.

Pinuna ni Gatchalian na simula 2010, ang average share o bahagi ng mga teenage pregnancy sa kabuuang bilang ng mga pagbubuntis ay umakyat sa 28 porsyento. Mula 2000-2009, ang naitalang bilang ay nasa 21.5 porsyento.

Resulta din ng kawalan ng kaalaman ang paglobo ng mga kaso ng HIV, lalo na't nagiging dulot ito ng pakikipagtalik ng walang contraceptives. Mula 1984 hanggang Marso 2019, nasa 65,463 na ang mga kaso ng HIV, 31 porsyento rito ay mga kalalakihang may edad 15 hanggang 24 na nag-aaral pa.

Bagama't nagpalabas na ang Department of Education ng Department Order (D.O.) No. 31 s. 2018 upang gabayan ang pagpapatupad ng CSE, pinuna ng UNFPA ang natagalang integration nito sa K to 12 curriculum. Dagdag ng naturang ahensya, nasayang ang oportunidad na mabigyan ang mga kabataan ng life skills na gumawa ng wastong mga desisyon na may kinalaman sa kanilang kalusugan.

"Sa kabila ng pag-akyat ng bilang ng mga kaso ng maagang pagbubuntis at HIV infections sa bansa, nais nating tiyakin na magiging epektibo ang edukasyon upang mapigilan ang patuloy na pagdami ng mga ito. Dapat itaguyod natin ang kapakanan at kaligtasan ng ating mga kabataan upang maabot nila ang kanilang potensyal bilang mga kasapi ng ating lipunan," ani Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Basic Education.

News Latest News Feed