Press Release
September 5, 2022

Gatchalian calls for Senate probe on proliferation of spam, phishing messages

Senator Win Gatchalian filed a resolution calling for an investigation on the proliferation of spam and phishing text messages, citing the need to protect consumers' right to privacy and security.

"It is alarming that while major telecommunications providers claim to have already blocked a significant number of spam and phishing text messages, the problem continues to hound many telco subscribers," the senator said, noting that latest spam and phishing messages have evolved to include the receiver's name compared to previous random transmission of messages.

The inclusion of the receiver's name indicates a breach of consumers' right to privacy and this breach stirs fear that their personal details may have already been compromised, he added.

The government, according to Gatchalian, through relevant agencies needs to devise an effective intervention to stop the proliferation of spam messages which contain information that appears to come from reputable or reliable source and attempts to obtain a user's sensitive information such as username, passwords, and credit card details.

In November 2021, an interagency group was created led by the Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) to address the problem. Part of the interagency group are the Department of Information and Communications Technology (DICT), National Privacy Commission (NPC), National Telecommunications Commission (NTC), Department of Justice (DOJ), National Security Council, and Anti-Money Laundering Council (AMLC), among others.

Gatchalian pointed out though that despite the existence of the inter-agency group and the NPC's initiatives to investigate the proliferation of spam and phishing messages, latest data reveals that the issue continues to be a concern for many users.

He noted that in June this year, PLDT Inc. claimed to have blocked more than 23 million text messages in four days for attempting to get consumers' personal data. Another major telecommunications company, Globe Telecom, said it blocked over 138 million spam and scam text messages over a six-month period from January to June this year.

"Malinaw na hindi sapat ang mga hakbang na ginawa ng inter-agency group upang matugunan ang problemang ito dahil ang mga subscribers ay patuloy na nakakatanggap ng mga spam at phishing messages. Higit pang mga interbensyon ang kailangan gawin ng gobyerno para epektibong matuldukan ang mga ganitong mga gawain," he ended.


Gatchalian: Imbestigahan ang paglaganap ng spam, phishing messages

Naghain si Senador Win Gatchalian ng resolusyon na nananawagan ng imbestigasyon sa paglaganap ng spam at phishing text messages upang protektahan ang seguridad at privacy ng mga konsyumer.

"Nakakabahala na sa kabila ng sinasabi ng telecommunications companies na na-block na nila ang malaking bilang ng mga spam at phishing text messages, patuloy pa rin ang problema ng mga subscribers tungkol dito," sabi ng senador. Aniya, ang mga spam at phishing messages ngayon ay may kasama nang pangalan ng mga binibiktimang subscribers kumpara sa random messages na karaniwang pinapadala.

Sabi pa ng senador, maliwanag na paglabag ito sa privacy ng mga telco subscribers na nagdudulot ng takot na ang kanilang mga personal na detalye ay maaaring makompromiso.

Ayon pa sa mambabatas, ang mga kinauukulang ahensya ay kailangang magsagawa ng mas epektibong interbensyon para pigilan ang paglaganap ng mga spam messages na naglalaman ng impormasyon na lumalabas na galing sa mapagkakatiwalaang source na nagtatangkang nakawin ang mga sensitibong impormasyon ng konsyumer tulad ng username, password, at mga detalye ng credit card.

Noong Nobyembre 2021, isang interagency group ang nilikha sa pangunguna ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) upang tugunan ang problema. Kabilang sa interagency group ang Department of Information and Communications Technology (DICT), National Privacy Commission (NPC), National Telecommunications Commission (NTC), Department of Justice (DOJ), National Security Council, at Anti-Money Laundering Council (AMLC). Pero lumalabas na kulang pa ang inisyatibong ito dahil nagpapatuloy pa rin hanggang ngayon ang isyu sa spam at phishing messages.

Binanggit ng senador na noong Hunyo ng taong ito, higit sa 23 milyong text messages sa loob ng apat na araw ang na-block na raw ng PLDT Inc. ng mga nagtangkang magnakaw ng personal na data ng konsyumers. Sinabi naman ng Globe Telecom na hinarang din nito ang mahigit 138 milyong spam at scam text messages sa loob ng anim na buwan mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon.

"Malinaw na hindi sapat ang mga hakbang na ginawa ng inter-agency group upang matugunan ang problema dahil ang mga telco subscribers ay patuloy na nakakatanggap ng mga spam at phishing messages. Higit pang mga interbensyon ang kailangang gawin ng gobyerno para matuldukan ang mga ganitong gawain," pagtatapos ni Gatchalian.

News Latest News Feed