Press Release
September 5, 2022

Robin: Joint Exploration ng Pilipinas at Tsina sa WPS, Simulan Na!

"Kung hindi pa po natin sisimulan, saan pa? Kung hindi po ngayon, kailan pa po tayo aaksyon?"

Sa pamamagitan ng tanong na ito, muling nanawagan si Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla na bigyang pansin ang kanyang Senate Resolution No. 9 na humihikayat kay Pangulong Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. upang buhayin ang ating bilateral na usapan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina patungkol sa kooperasyon pagdating sa oil and gas development sa West Philippine Sea.

Ibinunyag ni Padilla na wala nang panahon para magpatumpik-tumpik pa dahil pinamamahayan ng malaking barko ng Tsina na nagkukubling fishing vessels sa West Philippine Sea - habang apektado ang ating kababayan sa pagtaas ng presyo ng langis dahil sa pandaigdigang pangyayari tulad ng giyera ng Russia at Ukraine.

"Ang sa ganang akin naman po ay isang mapagkumbabang panawagan na maging bukas tayo sa abot ng ating makakaya sa mga pamamaraang nakikita natin na maaaring makatulong upang ibsan ang nararamdamang sakit ng ating bayan, lalo ang naghihikahos nating mga kababayan," ani Padilla sa kanyang privilege speech.

"Simple lang ang ating punto base na rin sa kasaysayan at mga pag-aaral: ang joint development ay isang paraan at pagkakaunawaan kung saan maaaring maiwasan ng mga bansa ang isyu ng soberanya sa pamamagitan ng magkasamang paggalugad at pagpapaunlad ng likas na yaman sa isang napagkasunduang lugar," dagdag nito.

"Habang patuloy ang debate at bangayan dito sa Maynila, ang West Philippine Sea po ay pinamamahayan na ng naglalakihang industriyal na barko ng Tsina na nagkukubling fishing vessels. Huwag naman po sana mangyari na bago pa man tayo makarating sa isang kasunduan ay wala na tayong mabubungkal dahil naubos na ang ating inaasahang likas-yaman," ayon sa mambabatas.

Naalala ni Padilla na noong naglayag sila sa West Philippine Sea noong 2021, nakatagpo sila ng malalaking Chinese vessels at isang Vietnamese vessel sa mga lugar na nakapalibot sa Reed Bank na nasa loob pa rin ng territorial waters at exclusive economic zone ng Pilipinas. Aniya, hindi ito fishing vessels kundi naglalakihang industrial vessels.

Ayon din kay Padilla, naging bukas na pahayag ni former Chinese Ambassador Jiu Jianchao kay Pangulong Marcos na sana ay muling mabigyang pagkakataon ang diskusyon sa joint exploration sa pagitan ng ating mga bansa. "At ayon sa ating Press Secretary Secretary Trixie Cruz-Angeles, pag-aaralan ito ng executive," aniya.

"Para sa akin, hindi lang dapat pag-aralan kundi simulan na ang pakikipag-usap sa kabilang panig patungkol sa joint exploration. Tiwala po ako sa ating mahal na Pangulong Bongbong Marcos na hindi niya pababayaan ang soberanya at ang ating Saligang Batas," ani Padilla.

"Kaalinsabay ng suliraning ito ay pagbagal ng pag-unlad ng ekonomiya na siya namang nagtutulak ng pagtaas ng presyo ng pagkain, tubig, transportasyon, kuryente, gamot, at mga pangunahing pangangailangan sa pang-araw-araw na pamumuhay," dagdag nito.

Dahil dito, ipinunto ng mambabatas na dapat maging bukas ang Pilipinas sa abot ng makakaya ito, "sa mga pamamaraang nakikita natin na maaaring makatulong upang ibsan ang nararamdamang sakit ng ating bayan."

Ayon kay Padilla, maraming bansa ang nakapaghanap at ngayon ay nakikinabang sa mga partnership sa mga kapitbahay nilang bansa gaya ng Malaysia at Thailand, o kaya'y sa mga pribadong kumpanya pangpetrolyo, tulad ng Vietnam, Malaysia, at Indonesia.

"Kung nagawa ng mga bansang ito na magsigasig sa pag-aaral at pairalin ang bukas na isip at diplomasya, bakit hindi natin muli bigyang pansin at konsiderasyon ang usaping ito?" aniya.

Iginiit ni Padilla na kung sakaling uusad ang usapan ukol sa joint exploration, "hayaan po nating mag-usap nang walang panghuhusga muna ukol sa usaping soberanya at Konstitusyon."

"Sapagkat sa puntong ito, ako ay naniniwala na hindi makakatulong ang agarang pagharang sa usapin ng joint development. Nakatiwangwang lang po ang ating yamang gas at langis," aniya.

Punto ni Padilla, napakayamang reserba ng langis at gas sa pinagtatalunang bahagi ng West Philippine Sea na ayon sa US Energy Information Administration ay may mula 0.8 hanggang 5.4 bilyon na bariles ng langis at 7.6 hanggang 55.1 trilyong cubic feet ng natural gas.

Sinasabi rin ng mga pag-aaral na malaking bahagi ng reserbang ito ay matatagpuan sa Recto (Reed) Bank na may napakalaking potensyal upang maging kapalit ng Malampaya natural gas fields sa sandaling maubos ang suplay nito sa 2027.


Robin: Start Joint PH-CN Exploration in West Philippine Sea ASAP!

"Kung hindi pa po natin sisimulan, saan pa? Kung hindi po ngayon, kailan pa po tayo aaksyon (If we won't start there, where? If not now, when)?"

With this question, Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla on Monday reiterated his call to consider his Senate Resolution No. 9 and get the ball rolling on joint exploration between the Philippines and China for oil and gas development in the West Philippine Sea.

Padilla said there is no time to waste especially since many large Chinese vessels and fishing vessels are in the West Philippine Sea even as Filipinos continue to suffer from the effects of high fuel prices due to the conflict between Russia and Ukraine.

"Ang sa ganang akin naman po ay isang mapagkumbabang panawagan na maging bukas tayo sa abot ng ating makakaya sa mga pamamaraang nakikita natin na maaaring makatulong upang ibsan ang nararamdamang sakit ng ating bayan, lalo ang naghihikahos nating mga kababayan (I am humbly calling for an open mind in finding ways to address the suffering of our country, especially of our fellow Filipinos)," he said in his privilege speech.

"Simple lang ang ating punto base na rin sa kasaysayan at mga pag-aaral: ang joint development ay isang paraan at pagkakaunawaan kung saan maaaring maiwasan ng mga bansa ang isyu ng soberanya sa pamamagitan ng magkasamang paggalugad at pagpapaunlad ng likas na yaman sa isang napagkasunduang lugar (My point is simple, based on past studies: Joint development is one way where countries can cooperate in exploring resources without raising the issue of sovereignty)," he added.

"Habang patuloy ang debate at bangayan dito sa Maynila, ang West Philippine Sea po ay pinamamahayan na ng naglalakihang industriyal na barko ng Tsina na nagkukubling fishing vessels. Huwag naman po sana mangyari na bago pa man tayo makarating sa isang kasunduan ay wala na tayong mabubungkal dahil naubos na ang ating inaasahang likas-yaman (While we continue debating in Manila, the West Philippine Sea is occupied by large Chinese industrial and fishing vessels. I hope the time does not come that we will have no more resources to explore because they have been exhausted)," Padilla pointed out.

Padilla also recalled that when he went to the West Philippine Sea in 2021, he and his colleagues saw several large Chinese vessels and a Vietnamese vessel near Reed Bank which is within our territorial waters and exclusive economic zone. These ships are not fishing but industrial vessels, he said.

Also, Padilla noted former Chinese Ambassador Jiu Jianchao had voiced openness to further discussions on joint exploration between the Philippines and China. "At ayon sa ating Press Secretary Secretary Trixie Cruz-Angeles, pag-aaralan ito ng executive (Press Secretary Trixie Cruz-Angeles said the executive will study it)," he said.

"Para sa akin, hindi lang dapat pag-aralan kundi simulan na ang pakikipag-usap sa kabilang panig patungkol sa joint exploration. Tiwala po ako sa ating mahal na Pangulong Bongbong Marcos na hindi niya pababayaan ang soberanya at ang ating Saligang Batas (For me, we should not just study but start talks on joint exploration. I trust that President Bongbong Marcos will not abandon our sovereignty and Constitution)," said Padilla.

"Kaalinsabay ng suliraning ito ay pagbagal ng pag-unlad ng ekonomiya na siya namang nagtutulak ng pagtaas ng presyo ng pagkain, tubig, transportasyon, kuryente, gamot, at mga pangunahing pangangailangan sa pang-araw-araw na pamumuhay (In the meantime, we have to deal with a slowdown in the progress of our economy due to the high prices of food, water, transportation, electricity, medicine and other basic needs)," he added.

He said this should prompt the Philippines to be open to ways to address these problems.

Also, Padilla noted many other countries have found ways to engage in partnerships.

"Kung nagawa ng mga bansang ito na magsigasig sa pag-aaral at pairalin ang bukas na isip at diplomasya, bakit hindi natin muli bigyang pansin at konsiderasyon ang usaping ito (If these countries managed to keep an open mind, why can we not)?" he said.

He also said that if talks on joint exploration will progress, "hayaan po nating mag-usap nang walang panghuhusga muna ukol sa usaping soberanya at Konstitusyon (let us talk without prejudice to sovereignty and the Constitution)."

"Sapagkat sa puntong ito, ako ay naniniwala na hindi makakatulong ang agarang pagharang sa usapin ng joint development. Nakatiwangwang lang po ang ating yamang gas at langis (I believe stumbling blocks to joint development will not help at all, especially since oil and gas resources are there to be explored and developed)," aniya.

Padilla cited data from the US Energy Information Administration showing there are 0.8 to 5.4 billion barrels of oil and 7.6 to 55.1 trillion cubic feet of natural gas in the West Philippine Sea.

He said studies also show a big part of the reserves are in Recto (Reed) Bank which has a potential to replace the Malampaya natural gas fields once ite supplies are projected to run out in 2027.

*******

Video: https://www.youtube.com/watch?v=KpP_wmVlXVM

News Latest News Feed