Press Release
September 15, 2022

'Sanay po akong gumamit ng latigo', Tulfo on pushing gov't agencies to address power outages & other energy issues

Senator Idol Raffy Tulfo has urged the Department of Energy (DOE) to strengthen its Energy Virtual One-Stop Shop (EVOSS) Task Group to alleviate the persistent and recurring brownouts in the different parts of the country and address other energy-related issues.

In making such proposal during the hybrid hearing of the Senate Committee on Energy, Wednesday Sept. 14, Tulfo stressed the need for a council that will coordinate and monitor each agency's task and expedite energy-related processes and projects.

"Ito ho bang council ay gumagana? Dahil kung pagbabatayan ang huling energy hearing, mukhang hindi ito gumagana sapagkat nagtuturuan po yung mga agencies na umattend tuwing sila po ay natatanong ko ukol sa problema sa ating enerhiya," he said.

"Itong council ay nabuo para mapabilis ang issuance ng permits, pero sana huwag lang po permits ang pagtuunan ninyo ng pansin. Sana ay kung mayroong problema sa enerhiya, ay mapag-usapan din.

"Mas mapapabilis din po siguro ang proseso at pag-uusap kung nagkikita kayo face to face kesa virtual lamang. Mas madali at mas maraming mareresolbang problema kung magkakaroon ng face to face meetings," he added.

Tulfo initially proposed for the creation of a separate inter-agency council that would coordinate agencies and expedite energy-related processes, but he later pushed for the strengthening of the EVOSS after DOE officer-in-charge Assistant Secretary Mario Marasigan revealed that EVOSS has been in operation for years now.

The Senator from Isabela maintained that there are so many energy-related concerns that could have been addressed had there been cooperation between and among all agencies from the energy sector.

One of these longstanding problems is the unpaid government subsidies of the National Power Corporation (Napocor) to power producers, which threatens to worsen the persistent and recurring power outages in different parts of the country, including Palawan and Occidental Mindoro.

As such, Tulfo particularly asked Napocor to explain its unpaid Universal Charge for Missionary Electrification (UCME) fees to Delta P and Occidental Mindoro Consolidated Power Corporation (OMCPC) amounting to roughly P441 million and 500 million, respectively.

Notably, Delta P and OMCPC conveyed their plans to shut down their operations amid rising global fuel prices and unpaid government subsidies.

"Saan napunta ang halos isang bilyon? Ang concern ko din talaga ay maaaring hindi lang Occidental Mindoro o Palawan ang nageexpect po ng bayad o receivables from you. Paano pa po sa ibang lugar? Siguro bilyun-bilyon na po ang inyong utang sa mga cooperatives," he said.

Napocor Officer-in-Charge Melchor Ridulme explained that among the reasons for their failure to pay government subsidies to power producers, like Delta P and OMCPS, is the spike in fuel price.

Given the current situation, Tulfo told Napocor and other energy-related agencies to work and find solutions together. "Ang akin pong pakiusap, ay magusap-usap po kayo. Magkaisa kayo. Kung kailangan niyo pa po ng tulong namin, ako po, bilang Chairperson ng Energy Committee, I will help. Huwag na kayong magturuan."

"Kailangan siguraduhin natin na nakakapagbigay tayo ng tamang serbisyo sa taumbayan dahil yun naman po ang dahilan kung bakit tayo nasa gobyerno -- to serve the people. Tayo po ay public servant at mga boss po natin ang mga consumers."

3rd Congressional District of Palawan Congressman Edward Hagedorn, who attended the hearing virtually, said he hopes that Tulfo can unite all energy-related agencies to improve the persistent and recurring brownouts not just in Palawan but in other places in the country.

"Maasahan mo yan Congressman Hagedorn. Sanay po akong gumamit ng latigo. Kung kinakailangan ay nilalatigo ko po - noong ako po ay broadcaster pa lamang ay ginagawa ko na ito - yung mga nagtatamad-tamaran na lingkod-bayan," he said.

While he did not meant it literally, Tulfo explained he is used to pushing government workers, especially those who are slacking off, to work very hard and above standard by using harsh but encouraging words, which he believed to be the language that they understand.

Tulfo has consistently expressed concern about the longstanding and persistent power outages in different provinces which earlier said continues to threaten the country's national security.


'Sanay po akong gumamit ng latigo', Tulfo sa mga tatamad-tamad na ahensya ng gobyerno sa enerhiya

Hinimok ni Senator Idol Raffy Tulfo ang Department of Energy (DOE) na mas palakasin ang kanilang Energy Virtual One-Stop Shop (EVOSS) Task Group upang magkaroon ng maayos na koordinasyon ang ibat-ibang ahensya na responsable para tugunan ang problema sa brownout sa mga probinsya.

Sa hearing ng Senate Committee on Energy kahapon, binigyang-diin ni Tulfo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang council na magko-coordinate at magmomonitor sa gawain ng bawat ahensya upang mapabilis ang mga proseso at proyektong may kinalaman sa enerhiya.

"Ito ho bang council ay gumagana? Dahil kung pagbabatayan ang huling energy hearing, mukhang hindi ito gumagana sapagkat nagtuturuan po yung mga agencies na umattend tuwing sila po ay natatanong ko ukol sa problema sa ating enerhiya," ani Tulfo.

"Itong council ay nabuo para mapabilis ang issuance ng permits, pero sana huwag lang po permits ang pagtuunan ninyo ng pansin. Sana ay kung mayroong problema sa enerhiya, ay mapag-usapan din.

"Mas mapapabilis din po siguro ang proseso at pag-uusap kung nagkikita kayo face to face kesa virtual lamang. Mas madali at mas maraming mareresolbang problema kung magkakaroon ng face to face meetings," dagdag niya.

Sinabi ni Tulfo na maraming problema na may kinalaman sa enerhiya ang mabilis sanang natugunan kung nagkaroon ng kooperasyon sa pagitan ng mga ahensya ng gobyerno.

Isa na nga dito ang hindi pa nababayarang subsidiya mula sa National Power Corporation (Napocor) para sana sa mga power producers, na isang banta para lumala ang brownouts sa mga probinsya, kabilang na ang Palawan at Occidental Mindoro.

Dahil dito, partikular na hiniling ni Tulfo sa Napocor na ipaliwanag ang hindi nabayarang Universal Charge for Missionary Electrification (UCME) fees nito sa Delta P at Occidental Mindoro Consolidated Power Corporation (OMCPC) na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P441 milyon at 500 milyon.

Kamakailan lang ay nagbanta ang Delta P at OMCPC na tumigil sa operasyon nito sa gitna ng pagtaas ng presyo ng gasolina at hindi ps nababayarang subsidiya ng gobyerno.

"Saan napunta ang halos isang bilyon? Ang concern ko din talaga ay maaaring hindi lang Occidental Mindoro o Palawan ang nageexpect po ng bayad o receivables from you. Paano pa po sa ibang lugar? Siguro bilyun-bilyon na po ang inyong utang sa mga cooperatives," he said.

Sinabi ni Tulfo sa Napocor at iba pang ahensyang may kinalaman sa enerhiya na magkaisa. "Ang akin pong pakiusap, ay magusap-usap po kayo. Magkaisa kayo. Kung kailangan niyo pa po ng tulong namin, ako po, bilang Chairperson ng Energy Committee, I will help. Huwag na kayong magturuan."

"Kailangan siguraduhin natin na nakakapagbigay tayo ng tamang serbisyo sa taumbayan dahil yun naman po ang dahilan kung bakit tayo nasa gobyerno -- to serve the people. Tayo po ay public servant at mga boss po natin ang mga consumers," dagdag niya.

Sinabi ni 3rd Congressional District of Palawan Congressman Edward Hagedorn, na dumalo sa pagdinig, na umaasa siyang magtatagumpay si Tulfo na pagkaisahin ang ibat ibang ahensya.

"Maasahan mo yan Congressman Hagedorn. Sanay po akong gumamit ng latigo. Kung kinakailangan ay nilalatigo ko po - noong ako po ay broadcaster pa lamang ay ginagawa ko na ito - yung mga nagtatamad-tamaran na lingkod-bayan," ani Tulfo.

Bagama't hindi niya ito literal na pinapatungkol, ipinaliwanag ni Tulfo na sanay na siyang hikayatin ang mga manggagawa sa gobyerno, lalo na ang mga tamad, na magtrabaho nang maayos sa pamamagitan ng paggamit ng mga "harsh but encouraging words."

News Latest News Feed