Press Release
September 27, 2022

Gatchalian hails imminent passage of SIM registration bill

Senator Win Gatchalian hails the imminent passage into law of the SIM registration bill after it was passed on third and final reading in the Senate. The imminent law is expected to help curb cyber crimes such as identity theft and the proliferation of spam and phishing messages.

"SIM registration will enable authorities to establish the user's identity if necessary and we expect this to address the rising incidence of crimes committed unabatedly due to lack of accountability in the use of SIM cards," Gatchalian said.

With the registration of the SIM, it will be easy for authorities to track unscrupulous individuals who commit atrocities online, the senator emphasized. He also pointed out that major telecommunications companies, which often take the blame for certain cyber atrocities, have already said that SIM registration would substantially reduce the transmission of spam and phishing text messages.

Gatchalian filed Senate Bill No. 153 which seeks to eradicate SIM-aided terrorism and criminal activities. He emphasized that it is imperative to regulate the sale and distribution of SIMs to provide law enforcement agencies with tools that will assist them in resolving crimes and deterring the same.

For instance, enactment into law of the SIM registration bill could help address the issue of illegal loan and sale of mobile or e-wallet accounts. He said that cyber criminals usually make use of e-wallet accounts that are not registered under their names in undertaking criminal activities online. Such activities would be deterred by mandatory registration of SIM cards, he emphasized.

The measure would also bolster public confidence to engage in digital transactions and minimize the fear of encountering unscrupulous groups or individuals bent on committing cyber crimes through the use of untraceable SIM cards.

"Inaasahan natin na ang SIM registration ay makakabawas sa patuloy na paglaganap ng cybercrimes sa bansa at makakapigil sa mga taong gumagawa ng kasamaan para mambiktima sa ating mga kababayan," Gatchalian added.


Gatchalian ipinagbunyi ang napipintong pagsasabatas ng SIM Registration Bill

Ipinagbunyi ni Senador Win Gatchalian ang inaasahang pagsasabatas ng SIM Registration Bill matapos aprubahan ito ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa. Ang napipintong batas ay inaasahang makakatulong sa pagsugpo ng iba't ibang uri ng cybercrime gaya ng pagnanakaw ng pagkakakilanlan o identity theft at paglaganap ng mga mensaheng spam at phishing.

"Ang pagpaparehistro ng SIM ay magbibigay daan sa mga awtoridad na itatag ang pagkakakilanlan ng mga SIM card users at inaasahan nating matutugunan nito ang problema ng pagtaas ng mga insidente ng krimen na may kinalaman sa paggamit ng mga SIM card," sabi ni Gatchalian.

Sa pagpaparehistro ng SIM, magiging madali para sa mga awtoridad na matunton ang mga kawatan o grupong gumagawa ng online crimes, diin ng senador. Sinabi niya na ang mga telecommunications companies, na madalas na sinisisi sa ilang mga cyber atrocities, ay nagsabi na rin na ang SIM card registration ay makakabawas nang husto ng spam at phishing text messages.

Si Gatchalian ay naghain ng Senate Bill No. 153 na naglalayong puksain ang mga insidente ng terorismo at iba pang mga kriminal na aktibidad sa pamamagitan ng SIM. Kaya naman kailangan na aniyang i-regulate ang pagbebenta at pamamahagi ng mga SIM upang mabigyan ang mga awtoridad ng mga gamit na tutulong sa kanila sa pagresolba ng mga krimen at pagpigil nito.

Halimbawa, ang pagsasabatas ng SIM registration bill ay maaaring makatulong sa pagtugon sa isyu ng iligal na pagbebenta o pautang ng mga mobile o e-wallet account. Sinabi niya na ang mga cyber criminal ay karaniwang gumagamit ng mga e-wallet account na hindi nakarehistro sa ilalim ng kanilang mga pangalan sa pagsasagawa ng mga cyber crimes. Ang ganitong mga aktibidad ay mapipigilan ng mandatory na pagpaparehistro ng mga SIM card, ayon kay Gatchalian.

Ang panukala ay magpapalakas din ng kumpiyansa ng publiko na magsagawa ng mga digital na transaksyon at mabawasan ang takot na makatagpo ng mga masasamang grupo o indibidwal na gumagawa ng mga cyber crime.

"Inaasahan natin na ang SIM registration ay makakabawas sa patuloy na paglaganap ng cybercrimes sa bansa at makakapigil sa mga taong gumagawa ng kasamaan para mambiktima sa ating mga kababayan," pagtatapos ni Gatchalian.

News Latest News Feed