Press Release
September 27, 2022

Robin, Nanawagan ng Karagdagang Suporta para sa Sundalong Nagbabantay sa WPS

Nanawagan si Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla ng mas magandang tulugan at kagamitan, at ibang benepisyo para sa ating mga sundalo, lalo na ang mga nagbabantay sa teritoryo natin sa West Philippine Sea.

Sa pagdinig ng 2023 budget ng Department of National Defense, iginiit ni Padilla na kailangang palakasin ang morale ng ating mga tagapagbantay - kasama ang mga nasa BRP Sierra Madre.

"Inikot ko po kasi ang mga isla doon, lalo din ang sa (BRP) Sierra Madre, ganoon din po, kawawa sila doon. Yun lang po, sana rin gumanda nang kaunti ang kanilang tulugan doon," ani Padilla na bumisita sa ilang lugar sa West Philippine Sea noong 2021.

Ang BRP Sierra Madre ay isang lumang barko na ginawang outpost para bantayan ang teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ani Padilla, nararapat lang na iangat ang morale ng mga enlisted personnel natin na nagbabantay doon - kasama rito ang modernisasyon ng ating mga kagamitan na may kalumaan na.

"Sa tapang at abilidad walang tatalo sa Pilipino, talagang tayo na. Wala talagang inaatrasan," aniya.

Samantala, nanawagan din si Padilla ng pagtiyak ng karampatang allowance at benepisyo para sa Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) na tumutulong na sugpuin ang insurgency problem.

Aniya, pinatupad ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 110 noong 2020 kung saan mabibigyan ng benepisyo ang bayaning sundalo at CAFGU na masusugatan o mamamatay sa lehitimong military operations. Tiniyak ni Faustino na kasalukuyang ginaganap na ito.

Dagdag ng mambabatas, may P3.829 bilyon sa 2023 budget ng DND para sa 69,938 CAFGUs. Kasama rito ang hindi bababa sa P4,500 na buwanang allowance, kasama ang dagdag na P2,000 base sa utos ng dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Nanawagan din si Padilla na bigyan din ng karampatang gantimpala ang ating mga sundalong atleta, na aniya'y nagtatanggol na, nagbibigay dangal pa.

"Gusto ko lang banggitin for the record ang akin pong paghanga sa atin pong mga sundalong atleta na bukod sa pagganap ng kanilang mga tungkulin para sa bayan ay patuloy din pong nagdadala na karangalan para sa bansa sa pamamagitan ng mga kompetisyong internasyonal," aniya.

"Sila po ang mga tunay na masasabi nating nasa civil military operations, yung sila po talaga ang naglalapit sa military sa atin pong civilian community. Kung kaya po sana isang nararapat, ako po nagbibigay ng commendation. Kami pong lahat pag nandito sila sa Senado kami ay tuwang tuwa," dagdag ng mambabatas.

Dahil dito, tinanong niya ang pamunuan ng DND kung natitiyak ba ang benepisyo para sa mga sundalong atleta, lalo na kapag sila ay nagdadala ng medalya sa Pilipinas.

Ayon kay DND OIC Jose Faustino Jr., may sapat na bayad at benepisyo ang mga sundalong atleta, samantalang ginagawaran din nila ang mga ito ng promotion at awards.


Robin Pushes Added Support for Soldiers Watching over WPS

Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla on Tuesday called for better accommodations and facilities for our soldiers, especially those keeping watch over our territory in the West Philippine Sea.

At the Senate hearing for the 2023 budget of the Department of National Defense, Padilla stressed the need to keep the morale of our soldiers up - particularly those aboard the BRP Sierra Madre.

"Inikot ko po kasi ang mga isla doon, lalo din ang sa (BRP) Sierra Madre, ganoon din po, kawawa sila doon. Yun lang po, sana rin gumanda nang kaunti ang kanilang tulugan doon (I had visited some of our islands there, including the BRP Sierra Madre. I hope the living conditions of our soldiers aboard it will be improved)," said Padilla, who visited parts of the West Philippine Sea in 2021.

The BRP Sierra Madre is an old vessel turned into an outpost to watch over Philippine territory in the West Philippine Sea.

Padilla said it is only proper to lift the morale of our enlisted personnel in the area, including modernizing their aging equipment.

"Sa tapang at abilidad walang tatalo sa Pilipino, talagang tayo na. Wala talagang inaatrasan (When it comes to courage and ability, no one can beat the Filipino, we don't back down from anything)," aniya.

Meanwhile, Padilla also called for proper allowances and benefits for members of the Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) who are helping address the insurgency problem.

He noted then President Rodrigo Duterte in 2020 issued Executive Order 110 granting benefits to heroic soldiers and CAFGU members who are killed or wounded during legitimate military operations. Faustino replied that they are implementing these.

Padilla added the DND's proposed 2023 budget includes P3.829 billion for 69,938 CAFGUs, including a P4,500 monthly allowance and an added P2,000 as mandated by former President Duterte.

Also, Padilla pushed for more rewards for our soldier athletes, who he said not only defend the country but also bring glory to it in international sporting events.

"Gusto ko lang banggitin for the record ang akin pong paghanga sa atin pong mga sundalong atleta na bukod sa pagganap ng kanilang mga tungkulin para sa bayan ay patuloy din pong nagdadala na karangalan para sa bansa sa pamamagitan ng mga kompetisyong internasyonal (I want to state for the record my respect for our soldier athletes. Aside from fulfilling their duty of defending us from threats, they also bring us honor in international sporting competitions)," he said at the hearing.

"Sila po ang mga tunay na masasabi nating nasa civil military operations, yung sila po talaga ang naglalapit sa military sa atin pong civilian community. Kung kaya po sana isang nararapat, ako po nagbibigay ng commendation. Kami pong lahat pag nandito sila sa Senado kami ay tuwang tuwa (They are truly involved in civil military operations - bringing the military closer to our civilian community. Thus, I commend them. And we in the Senate are very happy when they come here)," he added.

Padilla asked the DND leadership if they have ensured the proper benefits for our soldier athletes, especially if they win medals in international competitions.

DND OIC Jose Faustino Jr. replied that soldier athletes get sufficient pay and benefits, as well as rewards such as promotions and awards.

*****

Video: https://www.youtube.com/watch?v=Z-n46g_Bxq4

News Latest News Feed