Press Release
September 28, 2022

SPEECH OF SENATOR MANUEL "LITO" M. LAPID
ON P.S. RES. NO. 161

RESOLUTION
CONGRATULATING AND COMMENDING THE ENTIRE PHILIPPINE DELEGATION ON THEIR OUTSTANDING PERFORMANCE IN SKATE ASIA 2022, HELD FROM AUGUST 6 TO AUGUST 14, 2022 IN KUALA LUMPUR, MALAYSIA

Mga kagalang galang na mga kasama sa bulwagang ito, Ginoong Tagapangulo, ngayong araw, ating bibigyan ng pagkilala at pagpupugay ang ating mahuhusay at batang-batang mga figure skaters, na bahagi ng Philippine Delegation sa Skate Asia 2022.

Napakalaking karangalan po ang naiuwi nila sapagkat hindi lamang kaunting panalo kundi napakalaking panalo po ang kanilang natamo sa kompetisyon na dinaluhan ng pinakamagagaling na ice skaters mula sa buong Asya.

Sa kabuuan po ay humakot sila ng apatnapu't limang (45) medalya, kabilang ang dalawampu't walong (28) ginto, labing tatlo (13) na pilak, at apat (4) na tansong medalya. Ang mga nagkamit ng mga medalya ay sina:

Name Medals
Erphy Claire Mackenzie  6 Gold medals Dawn
Jasmine Gothong 5 Gold medals, 1 Silver medal
Stacia Katherine Lee 3 Gold medals
Jodi Catherine Dino 2 Gold medals, 2 Silver medals
Anicka Shanel Tan 2 Gold medals, 1 Silver medal,
1 Bronze medal
Eriana Ericka Tan 2 Gold medals, 1 Silver medal
Shekinah Vianne Angeles 2 Gold medals, 1 Silver medal
Caitlin Geci Cos  2 Gold medals, 1 Bronze medal
Sophia Vielle Triste: 1 Gold medal, 2 Silver medals,
1 Bronze medal
Nadine Adrianna How Ong 1 Gold medal, 2 Silver medals
Nicole Alessandra How Ong 1 Gold medal, 2 Silver medals
 Elisha Rae Villanueva  1 Gold medal, 1 Bronze medal
Natasha Alisson How Ong 1 Silver medal

Hindi po gaanong prestihiyoso ang ice skating sa ating bansa dala marahil na tayo po ay walang winter season at kakaunti lamang ang mga ice skating rink sa atin. Subalit nais ko lang pong gamitin ang pagkakataong ito upang sabihin sa ating magigiting na skaters na nakikita po kayo ng inyong Senado at kinikilala po natin ang inyong tagumpay.

Nararapat lamang na bigyan ng Senado ng pagkilala at pagpupugay ang delegasyon ng Pilipinas sa Skate Asia 2022, na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia noong Agosto 6 hanggang Agosto 14, 2022.

Maraming salamat po.

News Latest News Feed