Press Release
September 30, 2022

MESSAGE OF SENATOR RAMON BONG REVILLA, JR ON THE CELEBRATION OF THE INTERNATIONAL DAY OF OLDER PERSONS

"A society that does not value its older people denies its roots and endangers its future." - Nelson Mandela

October 1 of every year is an important celebration and commemoration of the invaluable contributions of the elderlies in our society. Nais kong gamitin ang pagkakataon na ito upang taos-pusong pasalamatan ang lahat ng ating mga senior citizens. Kayo po ang matibay na ugat na patuloy na nagsisilbing pundasyon ng ating lipunan.

In the twilight years of their lives, our dear senior citizens deserve recognition for the roles they played in the shaping of our society. Sa ating kultura, ang pagbibigay pugay at respeto sa kanila ay pinapakita natin sa pamamagitan ng pagmamano. It is a form of salutation - not only because we look up to them, but also because we are aware that many of the blessings we now get to cherish are the fruits of their labor and sacrifices in their years of vigor. Nagmamano tayo dahil kinikilala natin na wala tayo ngayon, kung hindi dahil sa kanila.

It is deeply rooted in our culture. Our veneration for them comes from a profound understanding that the roads we now traverse were established through their efforts. Pinatag nila ang mga daang ating tinatahak ngayon. They walked so we could run.

The lines on their foreheads represent the roadmap of our history; and the wrinkles on their hands tell the story of their lives. Bakas sa mga linya sa kanilang mukha ang mga karanasang nagpayaman sa ating kasaysayan. At sa dapit-hapon ng kanilang buhay, ang mga hiblang abo ay patunay sa mga pinagdaanan at napagtagumpayan nila sa buhay. We can make their remaining time here with us more meaningful by ensuring that we honor them.

As a lawmaker, it has always been one of my priority advocacies to champion the welfare of our beloved senior citizens. In fact, at the start of this Congress, I filed two crucial pieces of legislation that will help uplift the lives of the members of the elderly sector.

Hinain ng inyong lingkod ang Senate Bill No. 21 na nagnanais na amyendahan ang "Centenarians Act of 2016" para ibaba ang nakatakdang edad kung kailan matatanggap ang monetary benefits. Sa lenggwahe ng orihinal na batas, lahat lang ng Pilipino na aabot sa edad na isang daan ang makakatanggap ng cash gift na nagkakahalaga ng P100,000. Pero alam natin na kakaunti lang ang umaabot sa edad na ito. Kaya ninanais po natin na ibaba ang edad upang mas marami pa sa ating mga kaawa-awang lolo at lola ang makatanggap at makinabang sa cash gift na ito.

At bilang pagpapahalaga sa kalusugan ng ating mga lolo at lola, hinain rin natin ang Senate Bill No. 262 o ang "Abot-Kayang Gamot, Bitamina, at Gatas para sa Malusog na Senior Citizen Act". Kaunting tulong upang mabili nila sa mas mababang presyo ang mga pangunahing pangangailangan nila upang tumibay ang kanilang resistensya.

Ika nga ng kanta, tatanda at lilipas din tayo. Kaya nawa'y sa paglubog ng araw sa buhay ng ating mga lolo at lola, sama-sama tayong nakaagapay, nakaalalay, at nakayakap sa kanila.

Again, Happy International Day of Older Persons sa ating mga lolo at lola!

News Latest News Feed