Press Release
October 3, 2022

Robin, Naiyak sa Tuwa Matapos Sabihang Walang Bara sa Puso: Tuloy ang Misyon Bilang Mambabatas

Napaiyak si Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla matapos sabihan ng duktor nitong nakaraang weekend na wala silang nakitang bara ang kanyang puso.

Ayon kay Padilla, hudyat ito mula sa Panginoon na tuloy ang kanyang misyon bilang mambabatas.

"Sa totoo, pagkasabi ng duktor na wala kang bara, naiyak ako. Para sa akin, nag-uumpisa pa lang tayo sa misyon natin. Siyempre pag nagkaroon ka ng bara ibig sabihin noon magre-resign tayo sa trabaho. E noong tayo ay kumandidato yan ang pinagdasal natin. Pag nanalo tayo ibig sabihin gusto ng Panginoong Diyos magsilbi tayo. Pero sa pagsisilbi na yan pag nagkasakit ka, ibig sabihin ayaw ng Diyos yan para sa iyo," aniya.

Dahil dito, nagpasalamat siya sa mga nagdasal at nagpahiwatig ng suporta sa kanya - nguni't humingi siya ng tuloy na pagdasal para bumalik sa normal ang kanyang blood pressure.

Ani Padilla, dati ay 110/80 lang ang kanyang blood pressure, pero ngayon ay 150/100 sa pinaka-relaxed niya.

Sumailalim sa angiogram si Padilla noong weekend, kung saan sinabihan siya ng mga duktor na meron siyang "very healthy heart," pero kailangan lang "bantayan ang high blood."

Ayon sa mambabatas, sinabihan siyang magpa-angiogram matapos umuwi mula sa Espanya noong Hunyo, matapos siyang ma-high blood doon na 250/100 ang blood pressure. Sumailalim din siya noon sa ultrasound, endoscopy, colonoscopy at pati sa pulmonary at cardio stress test kung saan may nakitang posibleng ischemia ang mga duktor.

Kwento ni Padilla, na-shock ang kanyang asawang si Mariel at ibang myembro ng kanyang pamilya, matapos masabihan na posibleng may bara ang puso niya. Ilan sa mga duktor sa pamilya niya ang nagbigay ng iba't ibang payo, mula pagsasailalim sa angiogram hanggang sa pag-food supplement na lang. Minabuti ni Padilla na sumailalim sa angiogram, dahil wala naman siyang nakitang masama rito.

"Sabi nga ng doctor, parang si Mariel lang ang laman ng puso mo. Sabi niya very healthy heart. Kailangan lang natin bantayan ang high blood. Kaya noong hapong yan umuwi rin kami," he said.


Robin Cries for Joy after Doctors Declare His Heart Healthy; Mission as Lawmaker Continues

Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla shed tears of joy after his doctors told him last weekend that they saw no clogging of his arteries.

Padilla said this is a sign from God that he should continue his mission as a lawmaker.

"Sa totoo, pagkasabi ng duktor na wala kang bara, naiyak ako. Para sa akin, nag-uumpisa pa lang tayo sa misyon natin. Siyempre pag nagkaroon ka ng bara ibig sabihin noon magre-resign tayo sa trabaho. E noong tayo ay kumandidato yan ang pinagdasal natin. Pag nanalo tayo ibig sabihin gusto ng Panginoong Diyos magsilbi tayo. Pero sa pagsisilbi na yan pag nagkasakit ka, ibig sabihin ayaw ng Diyos yan para sa iyo (When my doctors told me I had no clogging, I cried for joy. I am just starting my mission as a lawmaker. Had there been a clog, it may mean I have to resign from my post. I had considered my victory as a sign that God wants me to serve; and a clog would have meant it was not for me)," he said.

He thanked those who prayed and expressed support for his recovery, even as he asked them to continue praying for him so his blood pressure will return to normal.

Padilla said that while his blood pressure was at 110/80, it is now at 150/100 even in his most relaxed state.

Last weekend, he underwent an angiogram where doctors told him he has a "very healthy heart," but needs to watch his blood pressure.

He recalled being advised to undergo an angiogram after returning from Spain earlier this year - after he experienced high blood pressure there, with his BP shooting up to 250/100. He underwent an ultrasound, endoscopy, colonoscopy and pulmonary at cardio stress tests where doctors found possible signs of ischemia.

Padilla said that when the doctors told him about the possible clogging of his arteries, his wife Mariel and other members of his family were shocked. He said some doctors in his family gave various pieces of advice, ranging from undergoing the angiogram to taking food supplements. He decided to go with the angiogram as he saw nothing bad about it.

"Sabi nga ng doctor, parang si Mariel lang ang laman ng puso mo. Sabi niya very healthy heart. Kailangan lang natin bantayan ang high blood. Kaya noong hapong yan umuwi rin kami (The doctor told me the only one in my heart is Mariel, and that I have a very healthy heart - just watch out for the blood pressure. After that I was cleared to go home)," he said.

News Latest News Feed