Press Release
October 4, 2022

Mariing Pagkondena sa Pagpatay kay Percy Lapid

Mariin kong kinokondena ang pamamaril sa broadcaster na si Percy Lapid nitong Lunes ng gabi. Walang puwang sa ating lipunan ang mga ganitong karumaldumal na krimen, maging nasa media man, sibilyan, o unipormado man.

Ang pagkakapaslang na ito sa isang mediaman ay pagyurak po sa malayang pamamahayag na pinagtitibay ng ating Saligang Batas.

Ako po ay nakikiramay sa pamilya at sa mga mahal sa buhay na iniwan ni Percy - at nananawagan sa ating mga awtoridad na hulihin ang mga salarin at lutasin ang karumal-dumal na krimeng ito sa lalong madaling panahon.

Nakikiisa ako sa hangad ng taumbayan na magkaroon ng hustisya kay Percy, at mapatawan ng karampatang parusa ang mga pumaslang sa kanya.


A Strong Condemnation of the Killing of Percy Lapid

I strongly condemn the fatal shooting of broadcaster Percy Lapid on Monday night. There is no place for crime in our midst, especially a brutal attack on a Filipino - be it a member of the media, a civilian, or a member of our uniformed personnel.

This murder of a mediaman is an attack on the right to freedom of expression that is enshrined in our Constitution.

Even as I offer my sincere sympathy to the family and loved ones of Percy, I call on our authorities to apprehend the perpetrators and solve this dastardly crime as soon as possible.

I join our people's calls for justice for Percy, and for the proper punishment against those behind this revolting incident.

News Latest News Feed