Press Release
October 5, 2022

Robin: Pangulo, Kailangang Bumuo ng Mabuting Ugnayan sa Economic Powerhouse

Kailangan ng Pangulo na bumuo ng mabuting ugnayan sa economic powerhouse tulad ng Singapore para makaakit ng pamumuhunan mula sa negosyante sa ibayong bansa, ayon kay Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla nitong Miyerkules.

Iginiit ni Padilla na hindi dapat minamaliit ang kita at trabaho na dala ng mga negosyanteng ito sa oras na makumbinsi silang mamuhunan dito sa Pilipinas.

"Ang bansang Singapore po ay ang sentro ng negosyo sa buong Southeast Asia. Nandiyan po sa bansang Singapore ang foreign investors. Pugad po ito ng mga negosyante," aniya.

"Ang ating mahal na Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ay nanliligaw sa mga ito at dapat po lamang na makita siya at makahalubilo ng mga ito upang magkaroon siya ng magandang relasyon at mas maipaliwanag ang kalagayan ng negosyo sa ating bansa," dagdag ng mambabatas.

Ipinunto ni Padilla na kailangan ng Pilipinas ang pondo para sumigla ang ekonomiya - kasama rito ang kita ng gobyerno para sa mga programa nito, at ang trabahong maililikha para sa mga Pilipino.

Dahil sa pagiging business hub ng Singapore, iginiit ni Padilla na walang ibang pinakamagandang partner ngayon sa pakikipagnegosyo.

"Building relations with Singapore is building relations with the business world," aniya.


Robin: President Needs to Foster Good Relations with Economic Powerhouse Singapore

The President needs to foster good relations with a global economic powerhouse like Singapore in order for the Philippines to attract investments from businessmen in other countries, Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla said on Wednesday.

Padilla said one should not belittle the potential revenues and jobs that may be realized if businessmen in Singapore commit to invest in the Philippines.

"Ang bansang Singapore po ay ang sentro ng negosyo sa buong Southeast Asia. Nandiyan po sa bansang Singapore ang foreign investors. Pugad po ito ng mga negosyante (Singapore is a center of business in Southeast Asia. Foreign investors are there. It is a hub for business)," aniya.

"Ang ating mahal na Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ay nanliligaw sa mga ito at dapat po lamang na makita siya at makahalubilo ng mga ito upang magkaroon siya ng magandang relasyon at mas maipaliwanag ang kalagayan ng negosyo sa ating bansa (President Ferdinand Bongbong Marcos Jr. is trying to attract foreign investments. It is fitting that he lend his personal touch and explain to prospective investors the opportunities in the Philippines)," dagdag ng mambabatas.

Padilla stressed the Philippines needs investments to boost the economy so there will be revenues to fund government programs and projects; and jobs for Filipinos.

He added that with Singapore being a business hub, there is no better business partner for the Philippines.

"Building relations with Singapore is building relations with the business world," he said.

News Latest News Feed