Press Release
October 9, 2022

Robin Dismayado sa 'Diskriminasyon' ng PNP sa Hostage-Taking kay Dating Sen. De Lima

Bagama't nagpapasalamat siya na ligtas si dating Sen. Leila de Lima sa pagtangkang pag-hostage sa kanya sa Philippine National Police Custodial Center Linggo ng umaga, dismayado si Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla sa diskriminasyon na ipinakita ng ilang pulis na rumesponde sa sitwasyon.

Iginiit ni Padilla na hindi tama ang paggamit ng salitang "Muslim" na pantukoy sa mga nagtangkang mag-hostage sa dating mambabatas - at dahil dito, nanawagan siya sa PNP leadership na magkaroon ng edukasyon sa paggamit ng salitang Muslim.

"Ako ay nananawagan sa Philippine National Police na magkaroon ng edukasyon sa paggamit ng salitang Muslim. Discrimination po ito kapag binibigkas ng pulis na ito ang salitang Muslim. Maging parehas po tayo ng trato sa bawat Pilipino," aniya sa kanyang Facebook account.

"Kapag may kidnapper o holdupper o pumatay ng tao hindi man niyo sinasabi na Kristiyano ito," dagdag ng mambabatas.

Pinunto ni Padilla ang kumalat na video sa social media kung saan inilarawan ng mga pulis na rumeresponde na "Muslim" ang mga hostage-taker.

Iginiit niya na hindi ginagamit ang salitang Muslim sa pag-identify ng isang tao, lalo't may kinalaman sa krimen o terorismo.

"Mainam po na identify niyo po sila hindi sa kanyang religion dahil walang kinalaman ang religion po dito. Ang batas ay hinubog sa anyo ng hustisya at pinapatupad ito ng alagad ng batas. Kung ang alagad ng batas ay humusga ng bansag sa isang religion para saan pa po ang babaeng nakapiring ang mga mata at may hawak na timbangan?" aniya.

Nanawagan si Padilla kay PNP Chief P/Gen. Rodolfo Azurin Jr. na pangaralan ang kanyang tauhan.

Samantala, diin ni Padilla na ipinagpapanalangin ng mga Muslim ang pagbuti ng kalagayan ng nasugatan na pulis, at ang patuloy na kaligtasan ni de Lima.

"Ipinagpapanalangin po ng mga Muslim ang kagyat na pagbuti ng kalagayan ng nasugatan na bayaning pulis at ganon din po ang katahimikan ng loob at ang patuloy na kaligtasan ng dating senador na Leila de Lima," aniya.

*****

____________________________________________________

Robin Dismayed over PNP 'Discrimination' in Handling De Lima Hostage-Taking

Although he is relieved that former Sen. Leila de Lima is safe following a foiled hostage-taking at the Philippine National Police Custodial Center early Sunday, Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla is dismayed over the discrimination showed by some policemen who responded to the incident.

Padilla stressed it is not right to use the word "Muslim" to refer to the hostage-takers, even as he urged the PNP leadership to educate police personnel on the use of the word "Muslim."

"Ako ay nananawagan sa Philippine National Police na magkaroon ng edukasyon sa paggamit ng salitang Muslim. Discrimination po ito kapag binibigkas ng pulis na ito ang salitang Muslim. Maging parehas po tayo ng trato sa bawat Pilipino," he said on his Facebook account.

"Kapag may kidnapper o holdupper o pumatay ng tao hindi man niyo sinasabi na Kristiyano ito (If there is a kidnapper or robber who killed someone, police don't refer to them as Christians)," he added.

Padilla was referring to a video on social media showing the police who responded to the incident referred to the hostage-takers as "Muslims."

He said one should not use the word "Muslim" in identifying people involved in a crime or terrorism.

"Mainam po na identify niyo po sila hindi sa kanyang religion dahil walang kinalaman ang religion po dito. Ang batas ay hinubog sa anyo ng hustisya at pinapatupad ito ng alagad ng batas. Kung ang alagad ng batas ay humusga ng bansag sa isang religion para saan pa po ang babaeng nakapiring ang mga mata at may hawak na timbangan (It is better to identify them not through their religion because their religion has nothing to do with this. The law is based on justice. If a law enforcer makes judgments based on religion, then what for is our blindfolded Lady Justice)?" he said.

He called on PNP Chief P/Gen. Rodolfo Azurin Jr. to educate his men.

Meanwhile, Padilla noted Muslims are praying for the recovery of the policeman wounded in the incident, as well as for De Lima's continued safety.

"Ipinagpapanalangin po ng mga Muslim ang kagyat na pagbuti ng kalagayan ng nasugatan na bayaning pulis at ganon din po ang katahimikan ng loob at ang patuloy na kaligtasan ng dating senador na Leila de Lima (Muslims are praying for the recovery of the heroic policeman and for the continued safety of former Sen. de Lima)," he said.

*****

News Latest News Feed