Press Release
October 13, 2022

Tulfo to DPWH: Require road contractors P1M liability insurance per project

Senator Idol Raffy Tulfo asked the Department of Public Works and Highways (DPWH) to require contractors for infrastructure projects to secure a liability insurance for accidental death or injury of its workers and motorists.

During the Committee on Finance Subcommittee "A" hearing on Oct. 13, Tulfo said the amount of the coverage of said liability insurance should be at least P1 Million per project, which gets increased as the value of project increases.

"Base sa aking karanasan, maraming beses na pong nangyari na ang mga trabahador ay nadidisgrasya habang gumagawa ng kalsada - naputulan ng kamay o di kaya ay naipit ang paa ng heavy equipment, at mayroon ding mga motorista na nahulog sa kanal na hindi pa natakpan. May mga ibang biktima naman na namatay po.

"And yet, hindi po nababayaran. Pahirapan, paiyakan. Dadaan sa barangay, dadaan kay Mayor, dadaan sa DPWH, pero wala pong nangyayari. In some cases, ako na po ang nag-s-shoulder ng amount dahil malalaman ko na walang insurance," he said.

Tulfo, a longtime public servant who also hosts "Wanted sa Radyo," recalled an instance wherein he managed to oblige a contractor to shoulder the cost for their worker's death while in duty, but to his dismay the contractor merely offered to pay P20,000.

"P20K ang i-ooffer sa buhay ng isang taong namatay dahil sa kanilang kapabayaan? Murang mura naman 'yon, kasing mura ng sobrang nipis na kalsadang ginawa nila," he stressed.

Public Works Secretary Manuel Bonoan welcomed Tulfo's suggestion, saying they will look into ways to incorporate said P1M liability insurance to the current policy.

The Senator from Isabela and Davao also asked Bonoan to stop the current practice of sub-contracting infrastructure projects which often results to substandard roads that are prone to accidents.

In current sub-contracting practice, Tulfo said the principal contractor who won the bidding would simply transfer the implementation and construction of the project to a smaller contractor lacking financial and technical capability. The principal contractor would get a cut from the project price by only using his license, or in Tulfo's term, "laway lang."

In some cases, Tulfo recalled, the sub-contractor would again transfer the project to another smaller sub-contractor. In effect, the budget available for the third contractor would be small and not enough to make quality projects.

"Kung sino po ang nag-bid, yun lang po talaga dapat ang gumawa ng trabaho. Para naman panalo rito ang taumbayan, para ang mga kalsada natin ay maayos at kumapal-kapal naman," said he.

Tulfo also asked Bonoan to ensure that no road projects will be started if there is no funding available yet as this causes major traffic and inconvenience to motorists, to which Bonoan answered in the affirmative. (30)


Tulfo sa DPWH: Obligahin ang contractors na magkaroon ng P1M liability insurance

Dapat umanong obligahin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga contractors na magkaroon ng liability insurance para sa aksidenteng pagkamatay o injuries ng mga manggagawa at motorista.

Sa pagdinig ng Committee on Finance Subcommittee "A" ngayon, Oktubre 13, sinabi ni Tulfo na ang halaga ng coverage ng nasabing liability insurance ay dapat na hindi bababa sa P1 Million bawat proyekto.

"Base sa aking karanasan, maraming beses na pong nangyari na ang mga trabahador ay nadidisgrasya habang gumagawa ng kalsada - naputulan ng kamay o di kaya ay naipit ang paa ng heavy equipment, at mayroon ding mga motorista na nahulog sa kanal na hindi pa natakpan. May mga ibang biktima naman na namatay po.

"And yet, hindi po nababayaran. Pahirapan, paiyakan. Dadaan sa barangay, dadaan kay Mayor, dadaan sa DPWH, pero wala pong nangyayari. In some cases, ako na po ang nag-s-shoulder ng amount dahil malalaman ko na walang insurance," ani Tulfo. Kinwento ni Tulfo, na host din ng "Wanted sa Radyo," na mayroong isang pagkakataon kung saan inobliga niya ang isang contractor na bayaran ang gastos sa pagkamatay ng kanilang manggagawa, ngunit sa kanyang pagkadismaya ay nag-alok lamang ang kontraktor na magbayad ng P20K.

"P20K ang i-ooffer sa buhay ng isang taong namatay dahil sa kanilang kapabayaan? Murang mura naman 'yon, kasing mura ng sobrang nipis na kalsadang ginawa nila," ani Tulfo.

Malugod na tinaggap ni Public Works Secretary Manuel Bonoan ang mungkahi ni Tulfo, at sinabing titingnan nila ang mga paraan upang maisama ang nasabing P1M liability insurance sa kasalukuyang polisiya.

Hiniling din ng Senador mula Isabela at Davao kay Bonoan na itigil na ang kasalukuyang practice ng sub-contracting infrastructure projects na kadalasang nagreresulta sa mga substandard na kalsada na prone sa aksidente.

Sa kasalukuyang sub-contracting practice, sinabi ni Tulfo na ang principal contractor na nanalo sa bidding ay ililipat lamang ang pagpapatupad ng proyekto sa isang mas maliit na contractor na kulang sa pinansyal at teknikal na kakayahan.

Sa ilang mga kaso, naalala ni Tulfo, ililipat muli ng sub-contractor ang proyekto sa isa pang mas maliit na sub-contractor. Sa katunayan, ang budget na magagamit para sa ikatlong contractor ay maliit na lamang at hindi na sapat upang makagawa ng mga de-kalidad na proyekto.

"Kung sino po ang nag-bid, yun lang po talaga dapat ang gumawa ng trabaho. Para naman panalo rito ang taumbayan, para ang mga kalsada natin ay maayos at kumapal-kapal naman," saad ni Tulfo.

Hiniling din ni Tulfo kay Bonoan na tiyaking walang masisimulan na mga proyekto sa kalsada kung wala pang sapat na pondo para dito, para maiwasan ang perwisyo sa mga motorista.

News Latest News Feed