Press Release
October 19, 2022

Robin to BSP: Feature our Heroes in Our Peso Bills

To make sure we will not forget our debt of gratitude to them, it is proper that the Bangko Sentral ng Pilipinas feature Philippine heroes in our peso bills, Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla said Wednesday.

Padilla said it is important to continuously educate Filipinos on our heroes by using money, which all Filipinos - regardless of age or gender - regularly see everyday.

"Ang alam ko ang pera lagi mo yang nakikita, anuman ang iyong edad, anuman ang iyong kasarian, ang pera lagi mong, siguro di lang oras-oras kundi minu-minuto nakikita mo yan sa harap mo at napakahalaga ang nakalagay niyan ang nakapagtuturo kung saan tayo nanggagaling at sino ba ang pinagkakautangan ng ating kalayaan. At mahalaga alam ng kababayan natin kung sino ang mga ito (From what I know, we are exposed to money every day, regardless of age or gender. It is very important that we always remember who we owe our freedom to. It is very important we know who our heroes are)," he said at the hearing of the Senate Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies.

BSP Deputy Governor Mamerto Tangonan explained the designs of Philippine currency notes are "cyclical," and that they used heroes as the theme some years back. Currently, he said they use the Philippine Eagle that he said is an "endangered indigenous species that we are all proud of."

Tangonan added they can go back to using heroes as the theme of our currency notes, noting that the design features "Filipino people and its culture."

Padilla noted it is sad that many Filipino youths now do not know who our heroes are. He earlier cited viral videos showing youths not knowing who Gomburza or Apolinario Mabini are.

Earlier, Padilla filed Senate Bill 451 mandating the teaching of Philippine History in the high school curriculum.

"Kaya ang aking pakiusap sa ating BSP, na pagkatapos ninyong pagyamanin ang ating mga endangered species na ating ikinararangal at pinagmamalaki, at yan din po ay sa turismo din naman yan na kailangang kailangan din. Halimbawa may pumunta ritong turista at nagpapalit ng pera nakikita rin nila ito pala ang mga species sa PH maganda rin po yan. Pero isang kahilingan ko po, huwag mo po tatanggalin ang ating bayani sa pera natin (Our appeal to the BSP is that after it features our endangered species on peso notes - which is also useful for our tourism - please do not remove our heroes from our bank notes)," he said.


Robin sa BSP: Ibida ang Ating Mga Bayani sa Pera Natin

Para hindi natin malimutan ang utang na loob natin sa kanila, nararapat lang na ibida ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang ating mga bayani sa mga pera natin, ayon kay Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla.

Iginiit ni Padilla nitong Miyerkules na napakahalagang pang-edukasyon din sa ating lahat kung naka-feature ang mga bayani natin sa pera dahil ang pera ay palaging nakikita ng lahat na Pilipino, anuman ang edad o kasarian.

"Ang alam ko ang pera lagi mo yang nakikita, anuman ang iyong edad, anuman ang iyong kasarian, ang pera lagi mong, siguro di lang oras-oras kundi minu-minuto nakikita mo yan sa harap mo at napakahalaga ang nakalagay niyan ang nakapagtuturo kung saan tayo nanggagaling at sino ba ang pinagkakautangan ng ating kalayaan. At mahalaga alam ng kababayan natin kung sino ang mga ito," aniya sa pagdinig ng Senate Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies.

Tugon ni BSP Deputy Governor Mamerto Tangonan, "cyclical" ang disenyo ng pera kung saan nagamit bilang tema ang mga bayani noong nakaraang taon at ngayon ay gamit ang Philippine Eagle na "endangered indigenous species that we are all proud of."

Dagdag ni Tangonan, pwedeng ibalik ang tema ng mga bayani dahil ang paggamit ng disenyo ay naaayon sa "Filipino people and its culture."

Ikinalungkot ni Padilla na marami sa ating kabataan ang hindi na nakakakilala sa mga bayani natin. Ihinalimbawa niya ang viral na video kung saan hindi nila alam kung sino si Gomburza, o si Apolinario Mabini.

Naghain ng Senate Bill 451 si Padilla na inaatasang ituro ang Philippine History sa ating high school curriculum.

"Kaya ang aking pakiusap sa ating BSP, na pagkatapos ninyong pagyamanin ang ating mga endangered species na ating ikinararangal at pinagmamalaki, at yan din po ay sa turismo din naman yan na kailangang kailangan din. Halimbawa may pumunta ritong turista at nagpapalit ng pera nakikita rin nila ito pala ang mga species sa PH maganda rin po yan. Pero isang kahilingan ko po, huwag mo po tatanggalin ang ating bayani sa pera natin," aniya.

*****

Video: https://www.youtube.com/watch?v=Ob1ZotQ71Aw

News Latest News Feed