Press Release
October 25, 2022

Gatchalian eyes long-term solutions to teacher workload congestion

While the Department of Education (DepEd) is set to release a "workload balancing tool" to address teachers' workload issues, Senator Win Gatchalian bats for long-term solutions that include digitalization and the hiring of enough non-teaching personnel in schools.

Gatchalian has been urging the DepEd to adopt a proposal from the Philippine Institute for Development Studies (PIDS) to conduct studies on teacher workload, which will help rationalize their job and allow them to allocate more time for teaching.

The state think tank flagged in 2019 that the quality and delivery of education is affected by the teachers' administrative and student support roles, as well as their participation in government programs like mass immunization, deworming, and election.

To help streamline teachers' workflow and processes, including the creation of lesson plans and the filing of reports, Gatchalian also proposes to accelerate digital transformation in the basic education sector. Gatchalian filed the Digital Transformation in Basic Education Act (Senate Bill No. 383) to promote efficiency in delivering basic education services.

He cited the example of Valenzuela City, which distributed laptops installed with the #VCGuroAko App. It is an online portal that can make it easier for teachers to accomplish their tasks, including the uploading and sharing of documents and the generation of reports.

Gatchalian has also called on the administration to fully implement the Magna Carta for Public School Teachers (Republic Act No. 4670). During the 18th Congress, Gatchalian led a Senate panel review of the Magna Carta, which revealed that DepEd is non-compliant with three sections of the law: the provisions on medical examination and treatment, salary increase upon retirement, and the submission of the annual budgetary requirement to implement the law.

The Magna Carta provides that public school teachers required in actual classroom instruction should not render more than six hours of actual classroom teaching in a day.

"Isa sa mga hakbang upang maingat natin ang kalidad ng edukasyon na natatanggap ng ating mga kabataan ay tiyaking may sapat na panahon ang ating mga guro sa pagtuturo. Ngunit hindi natin ito magagawa, kung nananatiling pasanin ng mga guro ang iba pang mga gawain na wala namang kinalaman sa aktwal na pagtuturo," said Gatchalian, Chairman of the Senate Committee on Basic Education.

Gatchalian also plans to seek amendments to the Magna Carta, noting that the 56-year-old law should be more responsive to present challenges hounding teachers.


Mas magaan na workload para sa mga guro nais tiyakin ni Gatchalian

Habang hinihintay ang ilalabas na "workload balancing tool" ng Department of Education (DepEd) upang tugunan ang mga isyu sa workload ng mga guro, isinusulong ni Senador Win Gatchalian ang mga solusyong tulad ng digitalization at ang pagkakaroon ng sapat na non-teaching personnel sa mga paaralan.

Matatandaang hinimok ni Gatchalian ang DepEd na sundin ang mungkahi ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na magsagawa ng mga pag-aaral hinggil sa workload ng mga guro. Ito ay upang makapaglaan ang mga guro ng mas maraming panahon para sa aktwal na pagtuturo.

Nagbabala ang PIDS noong 2019 na apektado ang kalidad at paghahatid ng edukasyon dahil kailangan ding gampanan ng mga guro ang administrative at student support roles. Nakikilahok din kasi ang mga guro sa mga programa ng pamahalaan tulad ng pagbabakuna, deworming, at halalan.

Upang matulungan ang mga guro na mapadali ang kanilang mga sistema at proseso, kabilang ang paggawa ng lesson plan at pagsumite ng mga ulat, iminumungkahi ni Gatchalian ang digital transformation sa sektor ng edukasyon. Matatandaang inihain ni Gatchalian ang Digital Transformation in Basic Education Act (Senate Bill No. 383) upang mapabilis ang paghahatid ng mga serbisyo sa edukasyon.

Ibinahagi rin ni Gatchalian ang halimbawa ng Valenzuela City na nagpamahagi ng mga laptop na may naka-install na #VCGuroAko App. Ang naturang app ay isang online portal upang mapadali ang pagtatrabaho ng mga guro, kabilang ang pag-upload at pagbahagi ng mga dokumento at pagsumite ng mga ulat.

Hinimok din ni Gatchalian ang administrasyon na ipatupad nang ganap ang Magna Carta for Public School Teachers (Republic Act No. 4670). Sa nagdaang 18th Congress, pinamunuan ni Gatchalian ang pagrepaso ng Senado sa pagpapatupad ng Magna Carta, kung saan lumabas na hindi nakakasunod ang DepEd sa tatlong probisyon ng batas: ang probisyon sa medical examination at treatment, dagdag sahod sa panahon ng retirement, at ang pagsumite ng panukalang pondo taon-taon para sa pagpapatupad ng batas.

Ayon sa Magna Carta, hindi dapat lumagpas ng anim na oras ang aktwal na pagtuturo ng mga guro sa pampublikong paaralan.

"Isa sa mga hakbang upang maingat natin ang kalidad ng edukasyon na natatanggap ng ating mga kabataan ay tiyaking may sapat na panahon ang ating mga guro sa pagtuturo. Ngunit hindi natin ito magagawa kung nananatiling pasanin ng mga guro ang iba pang mga gawain na wala namang kinalaman sa aktwal na pagtuturo," ani Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Basic Education.

News Latest News Feed