Press Release
November 8, 2022

Filipino Values Month: Gatchalian seeks proper teaching of GMRC, Values Education

Amid the nationwide celebration of Filipino Values Month, Senator Win Gatchalian is urging the Department of Education (DepEd) to ensure the proper teaching of Good Manners and Right Conduct (GMRC) and Values Education in the country's basic education schools.

Republic Act No. 11476 or the GMRC and Values Education Act, which Gatchalian sponsored during the 18th Congress, institutionalized the teachings of GMRC and Values Education in the K to 12 Curriculum.

With 100% face-to-face classes now in full swing, Gatchalian said that schools now have the opportunity to conduct more immersive and hands-on character-building activities, which the law also requires. The law was signed in June 2020 when COVID-19 restrictions were still in place.

Gatchalian also stressed that values education and character-building in schools should help address the high incidence of bullying in the country's schools.

Results of the 2018 Programme for International Student Assessment (PISA) found that 65% of Filipino participants reported that they had experienced bullying at least a few times a month, much higher compared to the average of 23% among 79 countries that participated in the survey.

PISA results also said that both aggressors and victims of bullying tend to skip classes, show poorer academic performance, and drop out of school.

"Upang matiyak natin na ang ating mga kabataan ay magiging mabuting mamamayan, kailangang tiyakin natin ang maayos na pagtuturo ng GMRC at Values Education. Napapanahon din ang pagpapaigting sa pagtuturo ng GMRC at Values Education lalo na't bumalik na ang ating mga mag-aaral sa face-to-face classes. Matapos ang dalawang taon ng distance learning, sa wakas ay mas mapapalalim na ang karanasan ng ating mga kabataan pagdating sa GMRC at Values Education" said Gatchalian, Chairman of the Senate Committee on Basic Education.

GMRC and Values Education Act replaced Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP) with GMRC for Grades 1 to 6 and Values Education for Grades 7 to 10. It also mandated the integration of Values Education in current subjects taught to Grade 11 and 12 learners.


Filipino Values Month: Maayos na pagtuturo ng GMRC pinatitiyak ni Gatchalian

Sa pagdiriwang ng Filipino Values Month, hinihimok ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na tiyakin ang maayos at tamang pagtuturo ng Good Manners and Right Conduct (GMRC) at Values Education sa mga paaralan sa bansa.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11476 o ang GMRC and Values Education Act, na inisponsor ni Gatchalian noong 18th Congress, ginawang institutionalized ang pagtuturo ng GMRC at Values Education sa K to 12 Curriculum.

At ngayong umarangkada na ang 100% face-to-face classes, nakikita ni Gatchalian ang oportunidad para sa mas maigting na pagpapatupad ng character-building activities na mandato ng naturang batas. Naisabatas ang GMRC and Values Education Act noong Hunyo 2020 na kasagsagan ng pandemya.

Dagdag pa ni Gatchalian, ang values education at character-building activities ay makakatulong upang matugunan ang lantarang mga insidente ng bullying sa mga paaralan.

Matatandaang lumabas sa resulta ng 2018 Programme for International Student Assessment (PISA) na 65 porsyento ng mga kalahok ang nakaranas ng ilang insidente ng bullying sa loob ng isang buwan. Mas mataas ito sa average na 25 porsyento na naitala sa halos walumpu o 79 na bansang lumahok sa pag-aaral.

Lumabas din sa resulta ng PISA na mataas ang posibilidad para sa bully at ang kanilang mga biktima na hindi pumasok sa kanilang mga klase, magkaroon ng mas mababang mga marka, at mag drop out sa kanilang mga paaralan.

"Upang matiyak natin na ang ating mga kabataan ay magiging mabuting mamamayan, kailangang tiyakin natin ang maayos na pagtuturo ng GMRC at Values Education. Napapanahon din ang pagpapaigting sa pagtuturo ng GMRC at Values Education lalo na't bumalik na ang ating mga mag-aaral sa face-to-face classes. Matapos ang dalawang taon ng distance learning, sa wakas ay mas mapapalalim na ang karanasan ng ating mga kabataan pagdating sa GMRC at Values Education" ani Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Basic Education.

Sa ilalim ng batas, pinalitan ng GMRC ang Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP) para sa Grade 1 hanggang Grade 6, habang Values Education naman ang itinuturo sa Grade 7 hanggang 10. Mandato rin ang integration ng Values Education sa mga kasalukuyang subject na itinuturo sa Grade 11 hanggang Grade 12.

News Latest News Feed