Press Release
November 8, 2022

Senator Risa Hontiveros' response to Lalamove's statement on the death of rider Noel Escote

Magandang balita na nakikipag-ugnayan na ang lalamove sa naulilang pamilya ni Mr. Noel Escote.

Ngunit, ilang mahahalagang punto lamang na dapat ay mabigyang-pansin sa pangyayaring ito.

The statement of the company that he was "not fulfilling orders on the day of the incident" is adding insult to injury. On the day he tragically lost his life, Mr. Escote opted to ride his motorcycle to work, even on a holiday, and waited for someone to book his service as a Lalamove rider. Bahagi ng trabaho ng delivery riders ang paghihintay ng order, hindi lang pagsasakatuparang ma-deliver ang order.

Isa pang mahalagang punto, hindi ba't natagpuan siya sa kanyang motorsiklo? Hindi ba't "workplace" ang kanyang motorsiklo? Hindi ba't kapag namatay ang isang empleyado sa workplace, considered work-related ang pagkamatay?

This precisely demonstrates the necessity of having a policy and legal regime in place for gig economy workers to prevent further abuses and to finally shed light on these gray areas.

Binawian ng buhay si Noel na nagtataguyod sa kanyang pamilya at sa kumpanyang itinuring niyang makakatuwang sa buhay. Sana sa huling pagkakataon ay mabigyan naman ng dignidad ang kanyang sakripisyo at dedikasyon sa trabaho.

News Latest News Feed