Press Release
November 16, 2022

Robin Demands LWUA's Word of Honor to Supply Water to Marawi

For the sake of long-suffering Marawi City residents, Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla demanded from the Local Water Utilities Administration (LWUA) early Wednesday its word of honor to finally ensure a stable water supply in the city by next year.

While Padilla did not raise questions about the LWUA's 2023 budget, he reminded the agency of the need to ensure water supply for residents of Marawi - which was attacked by extremists in 2017 - as a key step towards peace.

"Hinihingi ko na lang po ang inyong word of honor na next year, may tubig na po. Insha Allah (I ask for your word of honor that next year, Marawi will have a stable water supply, God willing)," Padilla, a voice for Muslims and indigenous peoples in the Senate, told the LWUA during the Senate's deliberations on the agency's budget after midnight Wednesday.

"Kung gusto po natin talaga na makamit ang kapayapaan, tubig lang po (I hope that by next year we will see water in Marawi. That is my only request. I won't make this long. But if we want to achieve peace, we must have a stable water supply)," he added.

The LWUA noted that it has made progress in the design and construction of water treatment plant, reservoirs and pipeline; and site development work for water intake. It added the Philippine Army has approved its revised site development plan for a water treatment plant and reservoirs inside the Army camp; and is waiting for the Army's approval of a draft memorandum of agreement.

Last October, Padilla angrily pointed out to the LWUA that Marawi residents continue to suffer from a lack of water more than five years after the Marawi Siege, despite the billions of pesos provided by the government.

He shared the observation of Sen. Ronald dela Rosa that extremists may exploit the situation and anger the residents to pave the way for a "Marawi Siege Part 2."

Sen. Mark Villar assured Padilla that the LWUA is "committed" to ensure water for Marawi, adding the LWUA will provide updates on its accomplishments in Marawi City.

Meanwhile, Padilla called on the Department of Public Works and Highways (DPWH) to ensure decent roads in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) to guarantee progress for the region, saying good transportation will be good for the region's economy.

Earlier Tuesday, Padilla took part in the first Philippine Congress-Bangsamoro Parliament Forum, where proposed legislative measures were tackled to enable the Bangsamoro Government to ensure enough funding and proper use of such funds.

Padilla noted that while roads in Sultan Kudarat are good, they are very bad in Maguindanao. He said he has approached and sought help from Senators Alan Peter Cayetano and Bong Revilla, and from DPWH Sec. Manuel Bonoan, on the matter.

"Pagka nagpunta kayo sa lugar namin sa BARMM, pag galing po kayo ng Sultan Kudarat, napakaganda po ng kalsada diyan. Talagang napakasarap po, pag bumiyahe kayo riyan ang sarap po ng tulog ninyo. Pero pagpasok po ninyo sa lugar namin alam nyo nang nandoon na kayo sa Maguindanao sapagka't nagkakapalit na kayo ng mukha ng katabi ninyo. Yun po kasing kalsada ay napakasama. Nakakalungkot po (If you go to our place in BARMM from Sultan Kudarat, the roads are good. But when you reach Maguindanao, it's quite the opposite)," Padilla said.

"Ang hiling ko po sana, kung talaga pong tayo ay susunod sa mga sinabi ng ating mahal na Pangulong Bongbong Marcos, ay pagtutulungan po natin. Pagtutulungan po natin na maayos ang kalsada sapagka't ang kalsadang ayos, ibig sabihin maganda ang transportation. Kapag maganda ang transportation, ibig sabihin, magiging totoo lahat ng mga sinabi nating economic promises. Kaya mahal na chairman at atin pong ginoong pangulo,hinihingi ko po sa ating DPWH na tulungan po ako, tulungan po akong maayos natin ang kalsada sa BARMM. At unahin po natin sana ang pagdugtong ng Sultan Kudarat pagpasok ng Maguindanao papunta ng Lanao sana maayos po natin, Insha Allah (My request is that if we are to follow the directives of President Bongbong Marcos, we should help each other ensure good roads, as good transportation will help fulfill the promises of a better economy. So I ask our DPWH to help fix the roads in BARMM and prioritize linking the roads in Sultan Kudarat, Maguindanao and Lanao, God willing)," he added.

For his part, Sen. Sonny Angara assured Padilla that the DPWH will help in this regard, as Sec. Bonoan has given his word.


Robin, Hinigi ang Palabra de Honor ng LWUA para sa Patubig sa Marawi

Alang-alang sa mga taga-Marawi, hiningan ni Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla nitong Miyerkules ang "palabra de honor" ng Local Water Utilities Administration (LWUA) na magkakaroon na ng sapat na tubig sa Marawi City sa darating na taon.

Bagama't hindi na siya nagtanong pa sa budget ng LWUA para sa 2023, ipinaalala ni Padilla na kailangan ang sapat na tubig para makamit ang kapayapaan sa Marawi, na nilusob ng extremists noong 2017.

"Hinihingi ko na lang po ang inyong word of honor na next year, may tubig na po. Insha Allah," mensahe ni Padilla - na boses ng mga Muslim at katutubo sa Senado - sa deliberasyon ng Senado sa budget ng ahensya, nitong Miyerkules ng madaling araw.

"Kung gusto po natin talaga na makamit ang kapayapaan, tubig lang po," dagdag nito.

Ayon sa LWUA, sa kabila ng problema sa procurement at site acquisitions, patuloy ang design at construction ng water treatment plant, reservoirs at pipeline; at site development work para sa water intake facilities. Inaprubahan na rin ng Philippine Army ang revised site development plan para sa water treatment plant at reservoirs sa loob ng Army camp; at hinihintay ang pag-apruba ng Army sa draft MOA.

Noong Oktubre, ikinagalit ni Padilla na hindi pa rin tapos ang pagtitiis ng mga taga-Marawi dahil sa kawalan ng tubig mahigit limang taon matapos ang 2017 Marawi Siege, sa kabila ng bilyong-bilyong pisong budget na binigay ng gobyerno.

Sumang-ayon si Padilla sa obserbasyon ni Sen. Ronald dela Rosa na maaaring samantalahin ang sitwasyon ng mga "extremist" para galitin ang mga taga-Marawi at magkaroon ng "Marawi Siege Part 2."

Tiniyak naman ni Sen. Mark Villar na "committed" sila na magkaroon ng tubig ang Marawi uli, at magbibigay ang LWUA ng update sa mga accomplishment sa Marawi City.

Samantala, nanawagan naman si Padilla noong Martes ng gabi sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na tiyaking maayos ang daan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para matiyak ang kaunlaran sa rehiyon.

Lumahok si Padilla sa kauna-unahang Philippine Congress-Bangsamoro Parliament Forum, kung saan tinalakay ang mga panukalang batas para mabigyan ng kakayahan ang Bangsamoro Government para siguraduhin hindi lamang ang sapat na pananalapi para sa programa nito, nguni't pati ang tamang paggamit ng pondong ito.

Ani Padilla, bagama't maganda ang mga daan sa Sultan Kudarat, napakasama ng kalsada sa Maguindanao. Dagdag niya, lumapit na siya ng tulong kay Senador Alan Peter Cayetano at Bong Revilla, at kay DPWH Sec. Manuel Bonoan tungkol dito.

"Pagka nagpunta kayo sa lugar namin sa BARMM, pag galing po kayo ng Sultan Kudarat, napakaganda po ng kalsada diyan. Talagang napakasarap po, pag bumiyahe kayo riyan ang sarap po ng tulog ninyo. Pero pagpasok po ninyo sa lugar namin alam nyo nang nandoon na kayo sa Maguindanao sapagka't nagkakapalit na kayo ng mukha ng katabi ninyo. Yun po kasing kalsada ay napakasama. Nakakalungkot po," ayon kay Padilla.

"Ang hiling ko po sana, kung talaga pong tayo ay susunod sa mga sinabi ng ating mahal na Pangulong Bongbong Marcos, ay pagtutulungan po natin. Pagtutulungan po natin na maayos ang kalsada sapagka't ang kalsadang ayos, ibig sabihin maganda ang transportation. Kapag maganda ang transportation, ibig sabihin, magiging totoo lahat ng mga sinabi nating economic promises. Kaya mahal na chairman at atin pong ginoong pangulo,hinihingi ko po sa ating DPWH na tulungan po ako, tulungan po akong maayos natin ang kalsada sa BARMM. At unahin po natin sana ang pagdugtong ng Sultan Kudarat pagpasok ng Maguindanao papunta ng Lanao sana maayos po natin, Insha Allah," dagdag niya.

Tiniyak ni Sen. Sonny Angara na tutulong ang DPWH dito at ibinigay na ni Sec. Bonoan ang kanilang salita diyan.

*****

Video links:

Sen Padilla on DPWH budget: https://www.youtube.com/watch?v=rJv5Nqd4d28

Sen Padilla on LWUA budget: https://www.youtube.com/watch?v=2AkA4-1ytMk

News Latest News Feed