Press Release
January 6, 2023

Gatchalian: Go after big-time smugglers of agricultural products

Senator Win Gatchalian called on all agencies concerned to go after smugglers of agricultural commodities and protect local farmers from unwarranted competition.

"Kaliwa't kanan ang mga nakukumpiskang produktong smuggled pero wala pang nahuhuling malaking isda. Dapat masawata ang mismong mga "big fish" upang mahinto o mabawasan na ang iligal na pag-aangkat ng mga produkto," Gatchalian said.

The Senate Committee of the Whole even released a Senate investigation report in June last year citing certain individuals' possible involvement in large-scale agricultural smuggling.

"Prices of various farm products have gone up considerably due in part to rampant smuggling of agricultural products that have rendered local farm output practically uncompetitive, which, in turn, undermines the productivity of local farmers," Gatchalian noted.

"Aside from causing undue disadvantage to local farmers, smuggling also causes losses to the government in terms of unpaid duties and taxes. It is a major deterrent to economic growth, particularly in the countryside where our farmers are located," he added.

Data from the agriculture department indicated that between 2019 and 2022 alone, about P667.5 million worth of agriculture and fishery products were smuggled into the country even as the Bureau of Customs (BOC) conducted 542 seizure cases involving P1.99 billion worth of agricultural products. Farm commodities being smuggled into the country include sugar, corn, pork, poultry, garlic, onion, carrots, fish, and cruciferous vegetables as per data cited by the Southeast Asian Regional Center for Graduate Study and Research in Agriculture.

Over the years, lower productivity rates have led to higher cost of farm products to the detriment of consumers, especially during a seasonal uptick in demand and taking into consideration the negative impact of typhoons and other calamities, Gatchalian pointed out.

He emphasized that the full extent of the law should be implemented as far as Republic Act 10845, also known as An Act Declaring Large-Scale Agricultural Smuggling as Economic Sabotage, is concerned. Despite the law's enactment six years ago in 2016, smuggled agricultural products continue to enter the country unabated, he ended.


Gatchalian: Habulin ang big-time smugglers ng mga produktong pang-agrikultura

Nanawagan si Senador Win Gatchalian sa lahat ng ahensyang kinauukulan na tugisin ang mga smugglers ng mga agricultural commodities at protektahan ang mga lokal na magsasaka mula sa kompetisyon.

"Kaliwa't kanan ang mga nakukumpiskang produktong smuggled pero wala pang nahuhuling malaking isda. Dapat masawata ang mismong mga "big fish" upang mahinto o mabawasan ang iligal na pag-aangkat ng mga produkto," ani Gatchalian.

Kung matatandaan, nagsagawa pa nga ng pagdinig ang Senate Committee of the Whole tungkol sa isyu noong Hunyo ng nakaraang taon at lumabas sa report ang sinasabing pagkakasangkot ng ilang indibidwal sa malakihang pagpupuslit ng produktong pang-agrikultura.

"Malaki ang itinaas ng presyo ng iba't ibang produktong pang-agrikultura dahil sa talamak na pagpupuslit ng mga produktong ito sa bansa na nakikipagkumpitensya sa lokal na produko at nagpapahina sa productivity ng ating mga magsasaka," sabi ni Gatchalian.

"Bukod sa nadedehado nito ang ating mga magsasaka, ang smuggling ay nagdudulot din ng pagkalugi ng gobyerno dahil sa mga hindi nababayarang buwis. Napipigilan din nito ang paglago ng ekonomiya, partikular na sa kanayunan kung saan matatagpuan ang maraming sakahan," dagdag niya.

Base sa datos ng agriculture department, sa pagitan ng 2019 at 2022 lamang, humigit-kumulang P667.5 milyong halaga ng mga agriculture at fishery products ang naipuslit sa bansa kahit na nagsagawa ang Bureau of Customs (BOC) ng 542 na kaso ng seizure na kinasasangkutan ng P1.99 bilyong halaga ng mga produktong pang-agrikultura. Kabilang sa mga farm commodities na ipinuslit sa bansa ang asukal, mais, baboy, manok, bawang, sibuyas, karot, at isda, ayon sa datos ng Southeast Asian Regional Center for Graduate Study and Research in Agriculture.

Sa paglipas ng mga taon, ang mas mababang antas ng productivity ay humantong sa mas mataas na halaga ng farm products na nakakaapekto sa presyo ng mga bilihin sa merkado lalo na sa panahong mataas ang demand bukod pa sa epekto ng mga bagyo at iba pang kalamidad, punto ni Gatchalian.

Binigyang-diin niya na ang Republic Act 10845, na kilala rin bilang An Act Declaring Large-Scale Agricultural Smuggling as Economic Sabotage, ay dapat ipatupad nang maayos. Sa kabila kasi ng pagsasabatas nito anim na taon na ang nakararaan simula noong 2016, talamak pa ring ang agricultural smuggling, dagdag niya.

News Latest News Feed