Press Release
February 8, 2023

Cayetano, Duterte call on gov't to continue the campaign vs illegal drugs

Senator Alan Peter Cayetano and former President Rodrigo Duterte were reunited in Davao City on Wednesday and renewed calls for the government to continue the campaign against illegal drugs in the country.

"Paalala sa lahat, lalo na sa pulis, ituloy ang laban sa droga. Medyo bumabalik nang konti," Cayetano, who was the foreign affairs secretary under the Duterte administration, said to the former President.

Duterte agreed and said the police need to be assured that the government has their back when it comes to enforcing the law.

"Kailangan lang ng concrete and very strong statement coming from the Executive that he will protect you when you do right and he will crush you if you do it wrong," Duterte told Cayetano, who was also his running mate in the 2016 national elections.

"Dalawa lang naman 'yan: tama o mali. Mamili kayo. (Kung) doon kayo sa mali, madisgrasya kayo. Dito sa tama, maligaya kayong lahat. Ako po'y hindi na Presidente, pero gayunpaman, nagwa-warning ako sa inyo," he added, addressing the police.

Early this year, Cayetano called on the administration to continue the campaign against illegal drugs amid fears that some high-ranking officials in the Philippine National Police (PNP) have links to the drug trade.

Cayetano made the statement in response to the call made by Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr. for all police colonels and generals to submit their courtesy resignation to cleanse their ranks of connections to illegal drugs.

Saying the issue is a cause for alarm, Cayetano had said the administration should be "uncompromising on illegal drugs" and called on the government to continue the campaign that the Duterte administration initiated in 2016.

The independent senator, who has long supported the PNP, also said he believes the PNP can be an "agent of change" in addressing the perennial drug problem in the country.

Meanwhile, Cayetano thanked Duterte for what he has done for the country and called on the public to continue praying for the former President.

"Mga kababayan, please continue your prayers and support sa ating mahal na Pangulo na nagmamahal sa ating bansa... Maraming salamat po boss sa ginawa mo sa bansa," he said.


Cayetano, Duterte nanawagan sa gobyerno na ipagpatuloy ang kampanya laban sa iligal na droga

Nagkaisa sina Senador Alan Peter Cayetano at dating President Rodrigo Duterte sa panawagan nila sa gobyerno na ipagpatuloy ang kampanya laban sa iligal na droga.

"Paalala sa lahat, lalo na sa pulis, ituloy ang laban sa droga. Medyo bumabalik nang kaunti," sinabi ni Cayetano sa dating Pangulo nang magkita sila sa Davao City ngayong Miyerkules.

Sumang-ayon si Duterte at sinabing kailangan lang makasiguro ng mga pulis na nasa likod nila ang gobyerno pagdating sa pagpapatupad ng batas, partikular sa kampanya laban sa iligal na droga.

"Kailangan lang ng concrete and very strong statement coming from the Executive that he will protect you when you do right and he will crush you if you do it wrong," sabi ni Duterte kay Cayetano, na running mate niya sa 2016 national elections.

"Dalawa lang naman 'yan: tama o mali. Mamili kayo. Doon kayo sa mali, madisgrasya kayo. Dito sa tama, maligaya kayong lahat. Ako po'y hindi na Presidente, pero gayunpaman, nagwa-warning ako sa inyo," dagdag niya.

Matatandaang nanawagan si Senador Alan Peter Cayetano sa administrasyon nitong nakaraang buwan na ipagpatuloy ang kampanya laban sa iligal na droga sa gitna ng pangamba na may ilang matataas na opisyal sa Philippine National Police (PNP) na may kaugnayan sa drug trade.

Sinabi ito ni Cayetano ito bilang tugon sa panawagan ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr. para sa lahat ng police colonels at generals na magsumite ng kanilang courtesy resignation para malinis ang hanay ng mga pulis sa koneksyon sa iligal na droga.

Wika ni Cayetano, nakaaalarma ang isyung ito at nanawagan siya na ipagpatuloy ang kampanya laban sa iligal na droga na sinimulan ng Duterte administration noong 2016.

Dagdag niya, bilang matagal nang taga-suporta ng PNP, naniniwala siyang maaaring maging "agent of change" ang mga pulis sa pagtugon sa malalang problema ng droga sa bansa.

Samantala, pinasalamatan din ni Cayetano si Duterte sa mga malaking kontribusyon niya sa bansa at nanawagan sa publiko na ipanalangin ang dating Pangulo.

"Mga kababayan, please continue your prayers and support sa ating mahal na Pangulo na nagmamahal sa ating bansa. Maraming salamat po boss sa ginawa mo sa bansa," aniya.

News Latest News Feed