Press Release
June 1, 2023

Cayetano's medical assistance program helps patients at Legazpi City Hospital

The Office of Senator Alan Peter "Compañero" S. Cayetano on Wednesday provided medical assistance to a hundred patients undergoing treatment at the Legazpi City Hospital (LCH).

Cayetano's office helps underprivileged Filipinos through the Tulong-Medikal Program, an initiative under the senator's Medical Assistance Program which sets up help desks in different hospitals nationwide to assist more Filipinos in need of medical assistance.

The medical desk on May 31 was done in partnership with Legazpi City Mayor Carmen Geraldine Rosal, Legazpi City Councilor John Philip Lee, LCH OIC-Office of the Chief of Hospital Dr. Lady Ann Serrano, and LCH Hospital Administrator Dr. Michael Galan. The initiative was conducted in close coordination with the Department of Health Center for Health Development (DOH-CHD) Region 5 Regional Director Dr. Ernie V. Vera.

Most of the patients hailed from Legazpi City and municipalities of Albay as well as the province of Sorsogon and were battling heart disease, hypertension, and childbirth complications. They received help with their hospital bills, medicines, laboratory tests, and medical procedures.

Agnes Ecleo, a patient bravely battling acute coronary syndrome, expressed her gratitude for the much-needed assistance in her treatment and the ability to purchase essential medicines and food. "Malaking tulong po ito sa amin kasi dalawa lang po kami ng kapatid ko, wala po kaming asawa, anak, at trabaho," Ecleo said.

Due to her critical condition, any sudden or minor movement may lead to cardiac arrest. "Wala rin po akong trabaho. Walang wala na po kami. Ang nagpapakain lang po sa amin itong kasamahan ko po dito sa kwarto ko. Kaya malaking tulong po ito sa amin," she said,

She expressed gratitude to Senator Cayetano for his assistance for her hospital bills. "Salamat po sir [Cayetano] na matutulungan niyo po ako."

Since October 2022, his office has helped thousands of patients in 12 hospitals across the country.


Mga pasyente ng Legazpi City Hospital natulungan ng medical assistance program ni Cayetano

Nagbigay ng tulong medikal ang opisina ni Senador Alan Peter "Compañero" sa isandaang pasyente na kasalukuyang nagpapagamot sa Legazpi City Hospital (LCH).

Ang medical caravan na ito ay bahagi ng Medical Assistance Program ni Senator Cayetano, na nakikipagtulungan sa Department of Health (DOH) para magtatag ng mga medical desk sa mga ospital ng gobyerno sa buong bansa.

Ang medical desk noong Mayo 31 ay isinagawa sa pakikipagtulungan nina Legazpi City Mayor Carmen Geraldine Rosal, Legazpi City Councilor John Philip Lee, LCH OIC-Office of the Chief of Hospital Dr. Lady Ann Serrano, at LCH Hospital Administrator Dr. Michael Galan. Isinagawa rin ito sa pakikipag-ugnayan ni Department of Health Center for Health Development (DOH-CHD) Region 5 Regional Director Dr. Ernie V. Vera.

Karamihan sa mga pasyente ay nanggaling sa Legazpi City, sa ibang munisipalidad ng Albay, at pati sa probinsya ng Sorsogon na may mga karamdaman sa puso, hypertension, at komplikasyon sa panganganak. Nakatanggap sila ng tulong sa kanilang mga bayarin sa ospital, mga gamot, laboratory tests, at medical procedures.

Isa si Agnes Ecleo sa mga matatapang na pasyente na nagpapagaling mula sa karamdaman niyang acute coronary syndrome. Nagpahayag siya ng pasasalamat sa tulong na ibinigay para sa pambili ng kanyang gamot at pagkain. "Malaking tulong po ito sa amin kasi dalawa lang po kami ng kapatid ko, wala po kaming asawa, anak, at trabaho," wika ni Ecleo.

Dahil sa kanyang kritikal na kondisyon, ang anumang biglaang o kahit kaunting paggalaw ay maaaring humantong sa atake sa puso. "Wala rin po akong trabaho. Walang wala na po kami. Ang nagpapakain lang po sa amin itong kasamahan ko po dito sa kwarto ko. Kaya malaking tulong po ito sa amin," sabi niya.

Nagpahayag siya ng pasasalamat kay Senator Cayetano sa tulong nito para sa kanyang mga bayarin sa ospital. "Salamat po sir [Cayetano] na matutulungan niyo po ako."

Mula noong Oktubre 2022, nakatulong ang kanyang opisina sa libu-libong pasyente sa 12 ospital sa buong bansa.

News Latest News Feed