Press Release
June 6, 2023

More than a thousand Bulakenyo sari-sari store owners get help from Cayetano's office

The office of Senator Alan Peter Cayetano partnered with former First District of Bulacan Rep. Jonathan Sy-Alvarado and the Department of Social Welfare and Development (DSWD) to help more than a thousand Bulakenyo sari-sari store owners with their daily needs and enable them to expand their small businesses through the Sari-saring Pag-Asa Program (SSP).

From June 1 to 2, 2023, Cayetano's team gave assistance to more than 1,200 sari-sari store owners from Districts 1, 5, and 6 in Bulacan. These events were done in coordination with local government officials and in partnership with DSWD through its Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) Program.

Under the SSP, which is Cayeteno's flagship program for budding business owners, the store owners received assistance and a booklet explaining the program and giving tips on how they can grow their business.

More than 50 sari-sari store owners with medical conditions were also helped through the medical assistance desks that had been set up in the venue. They were provided assistance for their hospital bills, medicines, laboratory, operation, and diagnostic procedures.

Maria Cristina Perez, one of the store owners from Hagonoy, Bulacan, thanked God for the help she received from Senators Alan Peter and Pia Cayetano to expand her livelihood.

"Ako ay nagpapasalamat sa ating Panginoon sa biyaya na kanyang ipinagkaloob sa amin. Pangalawa po kina Senator Alan Peter at Pia Cayetano, at kay Kuya Jonathan Alvarado, maraming salamat po at kayo ay patuloy na ginagamit bilang instrumento sa pagtulong sa ibang tao," Perez said during the assistance distribution on June 1.

Hernane Castro, a store owner and beneficiary from Santa Maria, Bulacan who was present on day 2 of the assistance giving, said it will help jumpstart his struggling small business.

"Sa panahon kasi ngayon, minsan napapaikot pa ang kita [mula sa tindahan] pero minsan hindi. Kaya ang nangyayari, yung ipon ko ay napapasok ko rin sa tindahan," Castro said.

"Kaya lubos po akong nagpapasalamat kay Senator Alan Peter at Pia Cayetano, at kay Cong. Kuya Jonathan Alvarado. Maraming salamat po dahil sa programang ito, marami na po kayo matutulungan," he said.

Before the handover of assistance, former Bulacan Rep. Jonathan Sy-Alvarado also the senators for always looking after Bulakenyos especially since the assistance will not be a one-time thing.

"Ang kagandahan po nitong Sari-saring Pag-asa Program na dala sa atin nina Senator Alan at Senator Pia ay hindi ito one-time big time na tulong, kundi pang matagalan po itong tulong na ito," Sy-Alvarado told the beneficiaries.

"Hindi po kayo binigyan ngayon ay tapos na. Dahil kapag may maitutulong sa inyo, tulad ng seminar at paghahanap ng hanapbuhay, ay maiimbitahan kayo agad at mabibigyan pa kayo ng payo. Maraming salamat po sa lahat ng tulong ninyo Senators Alan at Pia Cayetano," he added.


Opisina ni Cayetano, nag-abot ng tulong sa higit isang libong Bulakenyo sari-sari store owners

Nakipagtulungan ang opisina ni Senador Alan Peter Cayetano kay former First District of Bulacan Rep. Jonathan Sy-Alvarado, at Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang tulungan ang higit isang libong Bulakenyo sari-sari store owners sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan at para lumago ang kanilang maliliit na negosyo sa pamamagitan ng Sari-saring Pag-Asa Program (SSP).

Mula June 1 to 2, 2023, nagbigay ng tulong ang opisina ni Cayetano sa higit 1,200 sari-sari store owners mula sa districts 1, 5, at 6 sa Bulacan. Ginawa ito sa pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng mga lokal ng pamahalaan at sa pakikipagtulungan ng DSWD sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) Program nito.

Sa ilalim ng SSP na flagship program ni Cayetano para sa mga maliliit na negosyo, nakatanggap ang bawat store owner ng tulong at booklet na nagpapaliwanag sa programa at nagbibigay ng mga tip kung paano nila palalaguin ang kanilang negosyo.

Higit limampung sari-sari store owner na may karamdaman ay nabigyan din ng medical assistance sa mga nakatalagang assistance desk sa venue. Nabigyan sila ng tulong sa kanilang hospital bill, gamot, laboratory, pang-opera, at diagnostic procedures.

Isa si Maria Cristina Perez sa mga may-ari ng tindahan mula sa Hagonoy, Bulacan na nabigyan ng tulong. Pinasalamatan niya ang Diyos sa tulong na natanggap niya mula kay Senador Alan Peter at Pia Cayetano upang palaguin ang kanyang negosyo.

"Ako ay nagpapasalamat sa ating Panginoon sa biyaya na kanyang ipinagkaloob sa amin. Pangalawa po kina Senator Alan Peter at Pia Cayetano, at kay Kuya Jonathan Alvarado, maraming salamat po at kayo ay patuloy na ginagamit bilang instrumento sa pagtulong sa ibang tao," sabi ni Perez habang namamahagi ng tulong noong June 1.

Kabilang din si Hernane Castro sa mga store owner at beneficiary na nabigyan ng tulong mula sa Santa Maria, Bulacan. Sumali siya sa pangalawang araw ng pamamahagi ng tulong, kung saan sinabi niyang malaking tulong ito upang palakasin uli ang kanyang negosyo.

"Sa panahon kasi ngayon, minsan napapaikot pa ang kita [mula sa tindahan] pero minsan hindi. Kaya ang nangyayari, yung ipon ko ay napapasok ko rin sa tindahan," sabi ni Castro.

"Kaya lubos po akong nagpapasalamat kay Senator Alan Peter at Pia Cayetano, at kay Cong. Kuya Jonathan Alvarado. Maraming salamat po dahil sa programang ito, marami na po kayo matutulungan," sabi niya.

Bago ipamahagi ang tulong, pinasalamatan din ni dating Bulacan Rep. Jonathan Sy-Alvarado ang mga senador dahil palagi nilang naaalala ang mga Bulakenyo, lalo na't hindi lang ito pang isahan na tulong.

"Ang kagandahan po nitong Sari-saring Pag-asa Program na dala sa atin nina Senator Alan at Senator Pia ay hindi ito one-time big time na tulong, kundi pang matagalan po itong tulong na ito," sabi ni Sy-Alvarado sa mga beneficiaries.

"Hindi po kayo binigyan ngayon ay tapos na. Dahil kapag may maitutulong sa inyo, tulad ng seminar at paghahanap ng hanapbuhay, ay maiimbitahan kayo agad at mabibigyan pa kayo ng payo. Maraming salamat po sa lahat ng tulong ninyo Senators Alan at Pia Cayetano," dagdag niya.

News Latest News Feed