Press Release June 14, 2023 SENATE MEDIA INTERVIEW OF SENATOR WIN GATCHALIAN ON ESTATE TAX AMNESTY, VAT REFUND, K+10+2, MAHARLIKA INVESTMENT FUND BILL & NLEX TOLL HIKE VAT REFUND FOR TOURISTS Q: Kapag umabot ng P3,000 wala nang 12% VAT? SEN. WIN: Oo, kapag bumili sya ng item, one time, eligible na sya for VAT refund so pwede nang dalhin sa airport ang resibo at ibabalik sa kanya 12 percent binayaran niya. Q: Pero digitally ba ito Sir o cash? SEN. WIN: What we envision is digital, lahat digital na. Wala nang cash na ibabalik at wala nang pipirmahang mga papeles, so lahat ito digital na. Q: Ibabalik sa credit card? SEN. WIN: Sa credit card or e-wallet, ngayon sabi kanina ng resource person sa Global Blue, nagiging mas uso na ngayon ang e-wallet, pwedeng Paymaya or Gcash or kung meron kang Alipay pwede rin yun. Q: Yung sa products lang, yung eligible po ba ay local products lang or pwedeng mga Hermes, LV? SEN. WIN: Lahat, pwedeng durable goods, ibig sabihin lahat ng products pwede. Ang hindi lang pwede yung consumption, food, mga kinakain. Kasi ang theory dito ang binibili mong mga gamit ibabalik mo sa bansa mo, ilalabas mo, so parang export siya, so eligible ka ng refund sa binili mong gamit na ie-export mo. Q: Paano kapag local products, walang resibo? SEN. WIN: Kailangan may resibo so kailangan silang kumuha ngayon ng resibo, importante yun dahil doon natin malalaman na VAT eligible yung nagbebenta. Q: Kung local tourist di sya covered? SEN. WIN: Hindi siya covered kasi ang konsepto mag-attract ng foreign tourist to come in to the country. Q: How about mga OFW na paalis ng bansa? SEN. WIN: We have to study that carefully kung..kasi karamihan ng mga OFWs natin umaalis sa trabaho so ang mga tourist pumupunta dito, nagsha-shopping. Yung mga OFWs natin normally umaalis sa trabaho so we have to study that carefully. Ang typical, ang industry standard ay foreign tourist, meaning foreign passport holders. Q: Bakit ganun considering na we are also encouraging local tourists to travel? SEN. WIN: Kasi we want to attract tourists to come here to our country. So for example dito sa ASEAN, ang malalaking bansa, tulad ng Singapore, Thailand, Malaysia meron na silang ganitong VAT refund, tayo na lang ang wala. So in other words, isa yan sa bentahe ng ibang bansa na pumunta ka dito, magshopping ka at makukuha mo yung 12 percent refund. Dito sa atin walang ganun, so kung ang isang turista nagsha-shopping hindi niya makukuha ang refund. So in other words, mas mahal ang gamit na binibili nya dito kumpara sa ibang bansa. Q: Ano ang target na period na magkaroon tayo ng VAT refund na digital? SEN. WIN: Hopefully within the year. Nakikita ko na itong technology hindi naman siya bago. Ginagawa na ito in 60 plus countries sabi nga kanina. So hindi na siya bago. So yung technology andyan na, ang konsepto andyan na, implement na lang natin thru a law. So tingin ko optimistically, end of the year kaya na ito. Q: Sir, magkano ang magiging foregone revenue? SEN. WIN: Ang foregone revenue is P4B pero ang kikitain naman natin in terms of shopping revenue is about P9B, in terms of contribution to GDP is about P12B, so makikita natin na kayang i-compensate ang mawawalang revenues sa economic activity plus yung additional employment is between 9,000 to 40,000 in new jobs na papasok sa tourism. Q: Number of tourists? SEN. WIN: Yung number of tourists, in-estimate namin internally about, 140k ang maidaragdag. But that's consecutively. Q: Sir, just to be clear, single receipt yung P3k? SEN. WIN: Yes, tama. Q: You mentioned about indigenous products, how will they benefit? SEN. WIN: We want to put emphasis sa mga local products natin lalo na indigenous products natin. So karamihan nito mga family owned stores so gusto natin mas maging madali sa kanila na sumali sa prosesong ito. Q: Paano yun kokolektahin lahat ng receipts tapos didiretso sa airport meron tayong one stop shop dun na process? SEN. WIN: Yes, pero digital na ngayon pwede nang for example kapag bumili ka pakita mo lang passport mo, i-scan ang passport mo, pagdating mo sa airport scan mo uli, andun na lahat ng binili mo. Ang ibig sabihin lahat ng resibo nakakabit na sa passport mo at paglabas mo, i-scan mo lang ang passport mo at lalabas na dun ang resibo. Q: Kahit small scale business for as long as OR ang ipapakita? SEN. WIN: Yes. Importante kasi ang OR dahil kapag nagbayad ang tourist binabayaran na ang gobyerno so importante ang OR dahil ang OR patunay yan na nagbayad ka na sa gobyerno. Q:Sir, kung single receipt paano kung naka-P1,500 ngayon ang turista, bukas P1,500 hindi siya eligible? SEN. WIN: Hindi siya eligible, dapat one purchase P3k, per purchase para ma-encourage siya bumili ng marami. In other jurisdictions, ganyan din per purchase. Q: So makakatulong din Sir sa tax monitoring? SEN. WIN: Yes, yan rin isang way para ma-encourage yung mga retailers na mag-issue receipt kasi patunay yan na pumasok na sa gobyerno ang VAT na binabayaran nila. Ginagawa na ito in many countries. So yung proseso andyan na, it's a matter of implementing sa atin. And of course, encouraging ang mga retailers natin na sumali dahil kahit na mag-isyu sila ng receipt lalaki naman ang benta nila dahil mas maraming tourist ang papasok. Q: Pasado na sa House at parang wala namang contentious issue, when do we expect it to pass? SEN. WIN: When we come up, I'll sponsor this, wala naman siyang nakikita kong contentious, hopefully we can pass it in a month's time kaya kayang ma-implement ito by the end of the year. Q: Yung 140,000 dagdag na tourist this year lang? SEN. WIN: Overtime yan. So tinitignan natin siguro mga 12 months to 24 months. Q: We are looking at 2024? SEN. WIN: 2024 yes. Q: This is the first and last hearing? SEN. WIN: Yes, Technical Working Group muna kami kasi may nakikita akong mga few technicalities and then we will sponsor pagbukas ng session. Q: May projection din na may magbubukas dito ng malaking stores ang malalaking brand? SEN. WIN: Yeah. Nabanggit nga kanina maraming stores na hindi tingin sa ating shopping destination so ayaw nilang magtayo. For example sa Thailand dahil ire-refund nila ang VAT nila which is about 12%, mas mura ang product nila, dito kasi may automatic 12%. Doon ire-refund nila so kapag kinompare mo ang produkto mas mura doon ng 12%. ESTATE TAX AMNESTY Q: Sir, mag-eexpire na today ang estate tax amnesty, may info ba kayo kung napirmahan na ni Presidente? SEN. WIN: Wala pa akong balita kung napirmahan pero in the last extension, kahit na late na napirmahan, retroactive ang application. Q: May ganun doon sa ipinasa nyo? SEN. WIN: Walang nakasulat doon pero by practice ganun ang ginagawa. Pero tinignan namin in the last 2 amnesties, puro late napirmahan kasi ang daming pinipirmahan pero ang application is in accordance to the law. Q: So stop muna process ng mga naga-apply? SEN. WIN: Pwede sila mag-file pero hindi nila makukuha ang amnesty. Makukuha nila ang amnesty once na mapirmahan na. Ia-apply lang kung ano yung for example meron tayong deeds meron tayo until 2023, 2022 ia-apply lang yung 2022 na deeds doon sa applicant. Q: Ano advise mo sa maga-apply? SEN. WIN: Tuloy pa rin sila mag-avail. Wala akong nakikitang dahilan para hindi mapirmahan ito. Nadelay lang ang pirma. Q: Kung mag-apply sila hindi pa mapo-process ng BIR? SEN. WIN: Hindi pa mapo-process, once na-process ia-apply na kung napirmahan na ang batas, doon lang ia-apply retroactively doon sa mga nag-apply for amnesty. AFGHAN REFUGEES Q: Sir, your thoughts po sana doon sa request po ng US na maglagay po processing center dito sa Pilipinas para sa mga supporter nila na employees na nasa Afghanistan na dadalhin dito para i-process ang kanilang special immigration visa? SEN. WIN: Ako, as a principle, dapat tumulong tayo lalo na kung itong Afghans ay qualified. Wala namang criminal record and they are considered allies of the United States. Ang only concern ko lang is cost. Ang Afghan nasa Middle East yan tapos dadalhin dito sa atin so, yung gasolina lang papunta dito ay mas mahal. And then number 2, saan ipo-process, we don't know how many people ang pinag-uusapan natin. Saan sila titira, bibigyan ba sila ng Visa, so may mga ganung logistical issues that we need to think about. Baka nga mas mura somewhere around the Middle East dahil hindi na dadalhin dito so may mga logistical issues na nakikita ako na hindi praktikal na dalhin pa dito pa sa Pilipinas. Q: Nakakaduda na bakit dito? SEN. WIN: Well, yun nga ang unang ano ko, bakit dito sa Pilipinas, ang layo-layo. Kung magpaprocess lang, maghanap na lang, like for example, bakit hindi na lang Dubai ang lapit doon. Or anywhere in the Middle East na mas malapit. Q: Dahil doon may mga question sa purpose? SEN. WIN: May mga katanungan ako from a practical point of view, parang tingin ko hindi praktikal, pero gusto natin tumulong, hindi naman tayo sa hindi tutulong, ang question ko lang, praktikal ba sya gawin. Q: You support yung Senate Investigation? SEN. WIN: Yeah, we can do the hearing para malaman natin yung mga detalye at kung ilan. For example, kapag dinala dito, saan ipo-process? If we are talking about 1,000 hindi naman siguro ipo-process tapos babalik, Matutulog sila dito, kakain sila dito, kailangan ba natin ng visa kasi wala naman tayong automatic visa with Afghanistan? So may mga ganun na katanungan na dapat makita. Q: Sir, security issues? SEN. WIN: Kasama na rin yung security issue, also what type of individuals are we talking about? Ang understanding ko dito mga allies ng United States. Hindi natin alam ang detalye. Q: Ano po ang dapat na precautions na dapat gawin ng Pilipinas? SEN. WIN: Kailangan nating malaman bakit dito gagawin sa Pilipinas? Bakit di magawa sa mas malapit na lugar? I think that's the fundamental question that we need to answer first. Q: Sir sabi po ni Ambassador Romualdez merong ding similar request sa ibang bansa? SEN. WIN: Hindi ko alam ang detalye. Ito lang ang mga pumasok sa isip ko nung nabasa ko ito sa balita. Q: Pero Sir given our standing ngayon in terms of national security, are we capable to handle these kinds of additional residents? SEN. WIN: I think capable. It's just that kailangan lang makita ano ang ibig sabihin nitong processing. Isang araw lang ba? isang linggo? isang buwan? We don't know. And we also look at the requirements, for example we issue visas to foreign individuals. Kailangan ba mag isyu sa kanila. Ano bang klaseng visa ang kailangang nating i-issue? So these are the details. So the hearing will be a good venue to clear up all these things. Q: The mere fact na request ng US, dapat po ba ang lahat ng expenses natin, sagot ng US? SEN. WIN: Dapat US yun. Dapat US yun. Q:How about the military bases, proposal ni Sen. Dela Rosa na mag-charge ng rent sa US forces? SEN. WIN: As a principle, ako nakikita ko na pwede, humingi tayo ng rent as a source of revenue for us dahil ginagamit ang mga locations natin. Hindi naman yan bago dati nagbabayad naman sila sa atin. Nakikita ko na pwedeng pag-usapan, kung anong compensation ang pwede nating makuha sa paggamit ng mga lugar. Q: Can we use it to fund the MUP? SEN. WIN: Pwede rin, yun. MUP is a priority na dapat dapat nating gawin. Unsustainable in our budget.At one point mahirapan tayong i-fund yan. K+10+2 Q: Sir sa EDCOM 2, napag-usapan nyo ang K+10+2 proposal, are we leaning towards this new education system? SEN. WIN: Well we are studying it very carefully. May pros and cons ang proposal na K+10+2. Of course yung flexibility yan sa mga gusto na mag graduate after 10 yrs of schooling at gusto na makatulong sa pamilya nila. Marami kasi tayong mga kababayan na tumutulong sa family business nila, sa farm, sa pangingisda, so maraming mga ganyan. But we also need to study carefully na hindi magiging easy way out ito sa mga bata. Importante na mabigyan natin sila ng skills. Importante na kung maghahanap sila ng trabaho may skills sila. So meron kaming proposal dito, yung Batang magaling act na gagawing mandatory ang certification ng mga bata. Para kapag graduate nila ng K-12 may certification sila. Ngayon kasi wala. So ngayon bibigyan na sila ng certification. So that's another alternative na pinagaaralan natin. Q: Certification sa K+10+2? SEN. WIN: Doon sa current system natin. Q: Meron naman ngayon diba? SEN. WIN: Walang certification ngayon. Q: In preparation lang? SEN. WIN: Yes, parang ganyan siya. So nag-graduate siya ng walang certification. Pag maghahanap ng trabaho, hinahanap ng employers yung national certification, yung NC, yun ang kulang. Q: Magkakaroon din ng revision sa courses na ibinibigay? SEN. WIN: Hindi sya revision per se, but accreditation ng TESDA. We found out also na ang TESDA courses, hindi accredited by TESDA so kailangan i-accredit yun para malaman natin na up to standard ang tech voc courses ng DepEd. So hindi lang sapat na itinuturo ang techvoc, dapat standard sya ng TESDA para laman natin na quality talaga ang itinuturo sa mga bata. Q: By 2024-2025 may new curriculum na ang basic education, sa senior high ongoing pa. SEN. WIN: Yes. K-10 lang yun. Q: Tapos may mga bill pa na magreview din ng whole K-12, ano ang mangyayari sa system natin? SEN. WIN: Pinag-aaralan natin. Meron ngang K+10+2 proposal so we need to study it very carefully. Right now, ang takbo is to revise our K+10 curriculum. Merong task force binuo ang DepEd for Senior High School but at the same time, may proposal din ang Senate to strengthen the senior high school. So all of these pinagaaralan nating mabuti. Tignan natin, at the end of the day ang pinakamahalaga kung ano makakaganda para sa bata sa paghahanap ng trabaho because in Senior High School, tatlong exit yun, entrepreneurship, employment or college so itong tatlo dapat napu-full fill natin. MAHARLIKA FUND BILL Q: Any update on Maharlika Bill? SEN. WIN: Wala pa akong balita. Wala pa ako update. I just get some information kay Majority Leader. Pero wala pa akong balita kung napirmahan na. Q: Dapat ba i-korek o mag-resolution to correct all the mistakes? SEN. WIN: Well, as a matter of rule, dapat lahat nasa transcripts. Transcript kasi pinag-uusapan yan. That's why binabalik-balikan ang transcripts. Kung ano ang pinag-usapan sa floor yun ang dapat ma-reflect sa bill. Q: So it cannot be corrected by merely telling the secretariat to correct it? SEN. WIN: No, it has to be in the transcripts, yan ang pinaka basic eh. Q: Do you mind kung ibabalik sa plenary? SEN. WIN: Honestly, hindi ko pa nabasa masyado ang issue na yan, I have to read the transcripts very carefully kung ano ang nasa transcript. Babalik ako doon. Q: Kahit na meron nang third reading copy, approved na sya, pwede pa naman siyang ma-fine tune depende sa nakalagay sa transcript? SEN. WIN: Kasi merong subject to style sinasabi ng sponsor, subject to style. It gives room for some language but it has to be based on the transcript. Hindi pwedeng out of the blue, ilalagay mo na lang dun. Q: Subject to style is not about the content? SEN. WIN: No. Kung meron man minor lang, wording. Q: Kaya lang conflicting yung section 50 and 51? SEN. WIN: I have to read the transcript. NLEX TOLL HIKE Q: Effective na po tomorrow ang toll hike sa NLEX , some of your colleagues are calling to put it on hold? SEN. WIN: Ako dumaraan ako everyday. First instinct ko is yung traffic especially weekend lalo na kapag long weekend, kapag long weekend sobra ang trapik sa NLEX going North and going South. So ang instinct ko, ang analysis ko dyan, magtataas ka pero ang serbisyo na ibinabalik mo naman sa amin hindi maganda. So kaya nga tayo may expressway para mabilis but it's not happening. Ito sinabi na namin sa TRB na magkaroon ng performance evaluation, hindi lang yung ire-request nila ng pagtaas dahil sa inflation, tignan din natin ang performance, kaya tayo nagbigay ng concession para maganda serbisyo but hindi nangyayari yan. Q: Hindi naimplement ang pagtaas noong 2020. SEN. WIN: It's also the job of the regulator to assure yung publiko na maganda ang performance. Ito parati kong na-eencounter yung kanilang cashless system marami ring sira. Maraming dumaraan doon na di gumagana ang cashless system. Ito dapat tignan nila dahil nakaka-contribute ito sa trapik. Kapag weekend sobrang trapik minsan kulang-kulang ang kanilang tollbooth. Yung mga ganung service parameters. Q: From Valenzuela? SEN. WIN: Halos lahat na. From Valenzuela all the way to Meycauayan. Q: May pwede pa bang gawin bukas na i-implement? SEN. WIN: For now the only way to stop it is thru a TRO. But the trb can also defer the increase pending itong comment ng legislators and the riding public so pwede pa nilang i-defer. Ang sinasabi natin tignan ang ibang isyu tulad ng trapik, tulad ng service. Q:Ang pwede lang gawin ng Senate ngayon is to call for suspension? SEN. WIN: Yes, in an absence of TRO, we can do moral suasion to defer it. Q: Are you joining the call? SEN. WIN: Yes, actually I was going to release a statement on that part. Kasi I use that road almost everyday. Unlike the Skyway na walang problema. Pero ang NLEX admittedly may problema, remember nagkaroon na yan ng hearing at sinabi namin sa TRB come up with performance evaluation. Hindi lang kailangan magtaas dahil may inflation, yun kasi ang parating reason, yung foreign exchange at yung inflation. But that's not the only reason yung service and performance also is a reason. |
Wednesday, January 15
|