Press Release September 27, 2023 Transcript of Interview of Senate Majority Leader Joel Villanueva On the Trabaho Para Sa Bayan Act SJV: Nais nating ibalita ang pagpirma ng Pangulo sa Trabaho Para sa Bayan Law na mismong ang Pangulo ay pinamamadali na ang IRR nang sa ganun ay ito po ay maipatupad sa lalong madaling panahon at makatulong sa paggawa at paglikha ng trabaho. Q: Ano ang highlight ng batas? SJV: Ang highlight ng batas na ito kung titignan natin ang current situation ng ating mga ahensya ng pamahalaan, iba iba po ang ginagawa na paggawa at paglikha ng trabaho. Kung titignan lang natin yung training for instance, may training ang ATI sa DA, Department of Agriculture. May training din ang Agriculture doon po sa TESDA. May entrepreneurship training ang DTI, meron din po sa TESDA. Meron ibang ginagawa ang DOST at iba pang ahensya ng pamahalaan na somehow tayong lahat nagtataka bakit ganun and it's crystal clear na parang nagkakaroon ng overlapping. So gusto natin ito ay maintegrate magkaroon ng synergy ang bawat kilos at ginagawa ng ating pamahalaan. Nang sa ganun masiguro natin na we are on the right track, the same path towards creation of jobs. Tayo po ay na-inspire sa ginawa natin noon na National Employment Recovery Strategy na nagwakas na po noong nakaraang taon at ngayon nga po mas maganda dahil na-institutionalize natin, mas mapalawak natin. Meron tayong itatayo na council na kung saan pangungunahan ng NEDA as chairperson, as chair of the council, co-chair naman ang DOLE at DTI. Kasi ang DOLE nag-pa-pa-facilitate ng employment, DTI naman ang nangangalap ng investors at minamarket ang ating mga negosyo dito sa Pilipinas upang magkaroon tayo ng magandang trabaho, disenteng trabaho, marangal na trabaho na inooffer sa ating mga kababayan. So itong council na ineexpect natin na mag-re-recommend sila ng mga programa sa mga ahensya, mag-e-evaluate ang mga ahensya, iassess nila ang mga programa at pagkatapos magre-recommend sila sa atin, sa Kongreso sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan. Magkakaroon din ng streamlining na tinatawag yung kanina nating pinapaliwanag na when we synergize the efforts of the government makikita natin ngayon ano ang mga ginagawa. So ma-streamline yan. Ma-aaassist din ang mga LGUs para makita natin ano ba ang mga local job generating industries sa inyong locality nang sa ganun makatulong ang pamahalaan. At the same time, magkaroon ng one whole of government approach in creating jobs and come up with a masterplan. Alam nyo po nung 1976 yung Convention 122 ng ILO, International Labor Organization, signatory po tayo but since then, we have yet to fulfill our duties and responsibilities ang ginagawa nating submission sa kanila puro piecemeal. Kunwari yung National Youth Commission, sasabihin ang nangyayari sa youth development program. Yung NTDSP, ang TESDA naman sa tech-voc program. Yung sa MSMEs, ito naman sa DTI, etc. Hindi tayo makapagbigay ng holistic, yung buo na ikinomit natin na magkaroon tayo ng sariling masterplan.. So dito sa batas na ito merong 3 years, may 6 years, may 10 years na masterplan na gagawin ng ating council at nang sa ganun alam natin yung tatahakin natin na mga industriya. Madali nang ma-i-identify ang key employment generation sector. Ano ang mga sektor na kailangan ng tulong ng pamahalaan. Ito naniniwala ako na it's a game changer because it is the very first time na ang gobyerno nag-commit na kailangan natin gumawa at lumikha ng trabaho. Q: Gaano kalaki ang inaasahang maibababa ng unemployment at underemployment? SJV: Malaking bagay ito. But I cannot give you the exact figures right now. But can you imagine if different government agencies, nagkakaisa na ito may opportunity dito, bigyan natin ng tamang pondo, bigyan natin ng tamang attention dahil dito ngayon ang booming or emerging industry. Mahirap po kasi yung mangangapa lang tayo kung ano ang makita natin sa kapaligiran. Doon lang nating sasabihin ito part na ng emerging industry. Yung labor market info napakahalaga po niyan kasi alam natin kung ano ang in-demand, ano na ang pwede nating gawin, paghandaan. Tandaan nyo po nung time na nagkakaroon ng fiber optic kapapasok pa lang ng teknolohiya na yun, hirap na hirap po tayo pati TESDA ang tagal bago nakakilos. Why? Because we are in a passive situation, naging passive na tayo na nagre-react na lang doon sa gustong gawin na dinedemand sa atin ng mga industriya. So with this we will be able to come up with a blueprint strategy as to how we will recover jobs, as to how we will generate jobs, as to how we will spend our resources in ensuring that at the end of the day meron tayong malilikhang trabaho. Remember 1.2 million graduates ang bagong pumapasok sa workforce natin every single year. And that is why we can't help but really come up with employment masterplan ng ating bayan. Q: Sir, how about job matching? SJV: Napakaganda po nun. Kasi yung job matching, yung job-skills mismatch ito na yun. Meron na ngayon tayong council that will solely focus on these particular challenges that we are facing today. And hindi lang yung job matching na yung trained mo hindi nag-ma-match doon sa trabahong naghihintay sa iyo, maging ang trabaho na meron ka pero below minimum wage. Ibig sabihin hindi quality job so we can also look into this as a policy na ayaw natin itong mga hard to fill jobs na hindi pa rin until now ay mabigyan ng solusyon ng pamahalaan dahil wala rin pong takers, hindi nila alam or mahal. Bakit hindi yun ang pondohan ng ating programa ng pamahalaan. And you just remember itong committee hearings natin dito sa TESDA for instance, 80% of those graduated were hired, were employed but they are not getting at least yung minimum wage na karapat-dapat ay tinatanggap nila. So these are the things na kailangan natin tignan. Are we going to push through with the same program, madali na nating mastop ngayon because the council is recommending wag na yan, dito na lang tayo, dito tayo sa high paying jobs, dito tayo sa ganitong industry dahil ito ay booming, ito ay emerging. Dito tayo mag-focus. Q: Ma-a-address po ba dito ang Jos and COS? SJV: Well, yung mga JOs and COS, talagang it's a matter of policy para sa akin and importante talaga that the government should be the one showing and setting a good example to the private sector in order for the private sector will follow suit because we cannot say na end ENDO in the private sector pero ang government is the number one violator because right now we have about 630,000 job orders and contract of service workers. Q: Nakalagay po ba sa batas yung kumpletong framework? SJV: Malaking trabaho po ito. Because right now, if you recall ang ating mga sinasubmit lamang sa ILO commitment natin, maliliit. Sektor ng kabataan, sektor ng MSMEs, sektor ng TVET o tech-voc. Ngayon holistic approach po ito. Parte ng batas ay para sa ating kasamahan dito sa council na ito na mag-report sa Kongreso every January and July. Twice a year magrereport sila. Mabibigyan tayo ng developments kung ano na ang nangyayari, ano na ang kanilang ginagawa. Gaya ng binanggit natin part dito ang recommendation nila kung meron man whether it's legislation, whether it's part of budget process. Malaking tulong para pagdating ng budget deliberations, mga budget hearings meron na kaming ideya kung saan pagtuunan ng pansin o iprioritize ang resources ng pamahalaan. Q: How soon can this be felt? SJV: 180 days po sa yung nakalagay sa IRR. Pero kanina po ang Pangulong Bongbong Marcos nagbigay po I would say command, inutusan niya ang mga economic managers, yung department heads na madaliin ang pagsusulat o pagbalangkas nitong Implementing Rules and Regulations. So inaasahan ko po talaga na hindi aabot ng 180 days, hindi naman 179 days. But I think they are aware of the fact that the President actually made a way today to sign this very important piece of legislation. The only law that he signed today. At andun kami lahat at nagkaroon ng seremonya and he emphasized the importance of employment masterplan. Kasi ginagawa na rin ito ng iba't ibang bansa. Kasi ito ay tugon natin sa maaaring anumang mangyari na mga rumblings outside this country. Yung mga economic predictions na naririnig natin, importante po talaga at the end of the day, we come up with an employment masterplan for our economy and people. Remember 4th Industrial Revolution (IR) is already here. Yung 5th IR kumakatok na rin, 6th IR. Yung Saudi Arabia already proclaimed itong si Robot Sophia as a Saudi Arabian citizen. Si Ella yung robot sa Singapore katunggali na ng ating mga barista, gumagawa ng 200 cups of coffee in an hour. Andyan na yung Artificial intelligence yung ChatGPT sasabihan mo lang gawan mo ako ng speech about this about climate change, boom ayan na agad. That's the reason in South Korea they are already taxing yung the use of robots against sa human resources nila. These things are happening around us and there's no way we can compete, there's no way we can have a better future in the world of creating jobs kung hindi natin ito mapagtutuunan ng pansin. Hindi natin bibigyan ng pansin at pag-aaralan itong sistema, teknolohiya, kultura at mga kaugalian hinggil doon sa hinahanap ng trabaho ngayon Q: Ano ang immediate na mararamdaman ng mga Pilipino? SJV: Ang immediate makikita agad natin saan yung mga industriya na pu-pwede tayong makagawa pa at makalikha ng trabaho. For instance, the council can actually look at Cebu City for instance as a hub for IT and then put in more funds there and train more call center agents or animators. This is just an example and we can also somehow look into the number of jobs that we can create for next year. We have about a target of about 1.2 million jobs at least every year because that's the number of individuals that become part of our workforce every year. Yun ang graduates di ba? So saan itong mga trabahong ito, alamin lang natin saan per region. And then per region alamin din natin per province. Alamin din natin anong industriya para dyan. For example, Siquijor yung tourism industry napakaganda dyan. Why don't we ponder into it, exploit the beauty of this area in Siquijor and find out how many jobs we can create hospitality industry, etc. Are there enough human resources na trained na dyan dahil kung magdala ba tayo ng 100,000 o 1 milyon na turista ngayon sa Siquijor meron ba silang matutulugan? Meron bang tourguides dyan? Wala po. So these are the things that can help us decide and make a right decision, a sound decision based on facts, based on science na at the end of the day ang talagang puntirya ay makagawa at makalikha ng trabaho. On the Confidential and Intelligence Funds Q: Nag-agree na raw po ang Senate to reallocate the confidential and intelligence funds ng ibang agencies para tumutok doon na lang sa intel surveillance activities ng other agencies. Sir, when and how was this consensus made? SJV: We had a meeting itong Special Committee on Confidential and Intelligence Fund. So nag-meeting po kami, mismong sa unang pagkakataon, ako po ay nakakita ng mga dokumento as to how intelligence fund, confidential fund are being used. And isa po sa aming napag-usapan immediate, ma-scrutinize, malaman kung saan ba talaga inilalagay at magkaroon ng general rule na huwag nating bigyan intelligence fund ang mga hindi naman nangangailangan. If you recall after nung hearing na yun, nagkaroon kami ng pagkakataon na macheck yung sa DMW at nabanggit ang possibility na bigyan sila ng confidential fund. If you recall this representation and even the minority leader disagreed. And that's the main reason why because yun ang gusto nating general rule especially on civilian agencies. With regards naman sa intelligence fund na gagamitin for example, ito nakita ko yung news kanina or kagabi yung sa Philhealth na nanghihingi ng ransom $300,000. So yun isa pa yun, nakita namin ang kahalagahan ng DICT cybercrime division natin. We also had an executive meeting about it and nakita rin namin na ito ang talagang mas mangangailangan. So umasa kayo at asahan nyo na may mga tatanggalin na mga intelligence fund doon sa mga ilang ahensya ng pamahalaan. I cannot just give you with finality which ones will not just slashed or tatanggalin and at the same time umasa rin kayo yung sa DICT nakita na namin na kailangan talaga nila ng mabigat na suporta na pambili man lang ng mga basic equipment, pero yung buong Senado hindi pumayag na basic equipment lang dahil sa nakitang magnitude of vulnerabilities ng ating cybercrime unit, ng ating DICT kaya tayo po ay nag-commit, ang buong Senado nag-commit na yung hinihingi po nila hindi lang po ang hinihingi nila parang idaragdag pa. I cannot just disclose yung intricacies nito kasi mahirap din malaman ng publiko na ito nga ang bibilhin, ito ang gagawin at ito ang function ng bibilhin dahil sa atin unang-una kaya natin gagawin yan para hindi makalusot yung mga scammers, itong mga fraudulent activities. Q: Dinidiscuss pa sa ngayon o pinag-aaralan pa kung anong agencies ang tatanggalan? SJV: We are doing that, already doing that as far as I know, may mga ilang senador na gusto ring makakita ng mga nakita namin so gagawin po namin yan at ididiscuss by the time na we reach the plenary for budget deliberations madidiscuss din po yan. The minority will also raise those issues. Q: Sa rereviewhin kasama ba ang hinihingi ng OVP at DepEd? SJV: Lahat po ng confidential funds at intelligence funds na gusto nating makita at mareview at yun ang dahilan kung bakit tayo nag-create nitong Special Committee on Confidential and Intelligence Fund. Q: May idea na po kayo kung ilang agencies yung babawasan o kaya ay tatanggalan? SJV: Ayokong magsalita ng numero, but probably yung mga civilian authorities. Di ba? Parang alam na natin ito ba dapat bigyan. Ayaw natin and I think some of my colleagues or most of my colleagues are saying hindi dalawa bente-singko ang intelligence fund. Sa amin sa Bulacan kapag sinabing dalawa bente-singko, halos libre na yun. Anyone can actually ask for it. So hindi po. Hindi po ganun. Kaya we have been warning different agencies of the government, departments, not to ask for it. Otherwise, we will scrutinize and at the same time, may mga joint circulars na andyan, maaari ring ilagay sa provisions ng ipapasang 2024 budget, yung ilang provision na maaaring dagdagan ang mga hinihingi at talagang pahirapan pa, masiguro na merong transparency higit sa lahat accountability dito sa mga confidential fund. Again, we are not against confidential fund per se, intelligence fund per se. But we just wanted accountability and ensure that this is needed. Q: Kasi may mga SUCs at regional health centers na binawasan ng pondo and yet? SJV: Exactly. Pero magugulat ka pati freeports diba merong intelligence funds, so we will see. Q: Doon po Sir sa mga nabuksan nyo na sa oversight committee, meron bang masasabi nyong irregularity? SJV: So far doon sa mga nakita namin. Ako mga 6 o 7 lang, malaki ho eh. And there are some items na of course I cannot disclose but syempre may mga gusto kang ifollow up question na pwede mong gawin during the budget deliberation and ask for executive session. That was what happened with DICT and I think that is a very fruitful meeting that we had with DICT personnel, si Secretary, mga Usec niya and we got a birds' eye view on what is really needed by the agency to deter itong crimes and fraudulent activities. Q: Sir last day na ng session SJV: Ang first in the agenda is the period of amendments ng Anti-agricultural smuggling, pagkatapos yung Seafarers, Magna Carta for Seafarers. Yun yung dalawa na nasa LEDAC na gusto naming pagtuunan ng pansin, hopefully hindi kami umagahin doon sa mga amendments dahil yung dalawa pa lang na yun medyo mabigat marami na akong nakausap na Senador na gustong magpropose ng amendments. Yung dalawang inaasahan ko rin na mararatify namin at I don't know as I am speaking with you right now baka ongoing ang bicameral conference yung Ease of Paying Taxes Act at yung Public-Private Partnership Act na may mga in-a-add at may mga ilang personalidad dito sa Senado na gustong siguruhin na may mga points sila na maisama doon sa bicameral conference na maemphasize bago namin iratify. Ito yung EOPT at PPP. Q: May certification yung anti agri smuggling? SJV: Meron po. Q: 3rd reading dalawa? SJV: If you are saying is it possible that we go 3rd reading today, pwede po but we have to look first. Ako po marami pa rin kasing, marami pa po kasing mga discussions, mga provisions doon na talagang gusto nating pagtuunan ng pansin. Yung constitutionality is one. Two, yung masiguro natin na ligtas ang mga kababayan natin. For example, nabanggit din naman ito sa floor, pinasok yung isang warehouse merong gumagawa sa bubong, lifetime imprisonment ba kaagad ang ibibigay mo doon. Yung mga ganun na examples, and we wanted to make sure na ito ay hindi magagamit din ng nasa authority, nasa kapangyarihan para maabuso. So yun lang po but I think the intention of the law is very clear, lahat overwhelming yung support at approach, yung manner, process, constitutionality, talagang kailangang masiguro na tama at dapat. |
Tuesday, October 15
|