Press Release
December 9, 2023

Gatchalian: 2022 PISA results reveal pervasive bullying problem

With the latest round of the Programme for International Student Assessment (PISA) revealing that bullying remains a pervasive problem, especially among boys and those in public schools, Senator Win Gatchalian pressed the need for stronger interventions to uphold the safety and welfare of learners.

The 2022 triennial assessment of 15-year-old learners conducted by the Organisation for Economic Co-Operation and Development (OECD) unveiled that one in three Filipino students reported experiencing bullying at school at least once a week.

The percentage of learners who reported experiencing the most common forms of bullying dropped by double digits. From 50% in 2018, the percentage of learners who reported that other students made fun of them dropped by more than half to 28%. While 35% of learners reported that they were threatened by other students in 2018, the percentage of learners who reported the same experience dropped to 19% in 2022. In 2018, 33% of learners reported that other students left them out on purpose. The percentage of learners who had the same experience dropped to 14% in 2022.

Learners who encountered bullying at least a few times a month exhibited a decrease in Mathematics scores ranging from 11 to 44 points.

"Alam naman natin na ang bullying ay nagdudulot ng mababang self-esteem, kawalan ng kumpiyansa, at kahirapan sa pag-focus sa pag-aaral ng mga biktima nito. Maaari ring maapektuhan ang kanilang emosyonal na kalagayan, na pwedeng magresulta sa pagbaba ng interes sa pag-aaral," said Gatchalian, emphasizing the need to effectively enforce the Anti-Bullying Act of 2013 (Republic Act No. 10627) and strengthen the protection of learners.

In February this year, Gatchalian led a Senate inquiry on the implementation of the Anti-Bullying Act of 2013. He urged the Department of Education (DepEd) to improve mechanisms for reporting because of the discrepancies in the agency's data and the results of international large-scale assessments.

According to the DepEd, the number of recorded bullying cases was 21,521 in School Year 2018-2019, dropping to 11,637 for SY 2019-2020 possibly due to the shift to distance learning because of the COVID-19 pandemic. Gatchalian pointed out, however, that when the findings of the 2018 PISA were scaled to the entire student population, up to 17.5 million learners would have experienced bullying. The discrepancies point to possible underreporting of bullying cases, according to Gatchalian.

The Chairperson of the Senate Committee on Basic Education is also pushing for the enactment of the Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act (Senate Bill No. 2200), which seeks to institutionalize the School-Based Mental Health Program. The program will promote and ensure the mental health and well-being of learners in public and private basic education institutions.


Gatchalian: Bullying sa mga paaralan suliranin pa rin ayon sa 2022 PISA

Isinusulong ni Senador Win Gatchalian ang mga programa para sa proteksyon at kapakanan ng mga mag-aaral, kasunod ng pinakahuling resulta ng Programme for International Student Assessment (PISA). Lumabas kasi sa naturang pag-aaral na nananatiling suliranin ang bullying, lalo na sa mga lalaki at sa mga pampublikong paaralan.

Batay sa datos ng PISA 2022, lumalabas na isa sa tatlong mag-aaral na Pilipino ang nakararanas ng bullying nang hindi bababa sa isang beses isang linggo. Ang PISA ay isang pag-aaral na isinasagawa ng Organisation for Economic Co-Operation and Development (OECD), kung saan sinusuri nila ang kakayahan ng mga mag-aaral na 15 taong gulang.

Halos doble o higit pa ang ibinaba ng bilang ng mga mag-aaral na nakaranas ng mga karaniwang anyo ng bullying. Mula 50% noong 2018, bumaba ng higit sa kalahati o 28% noong 2022 ang bilang ng mga mag-aaral na iniulat na pinagkatuwaan sila ng kanilang mga mag-aaral. Mula 35% noong 2018, bumaba sa 19% noong 2022 ang bilang ng mga mag-aaral na nagsabing pinagbantaan sila ng ibang mga mag-aaral. Noong 2018, 33% ng mga mag-aaral ang nag-ulat na sinadya silang iwan sa ere ng ibang mga mag-aaral. Nitong 2022, bumaba sa 14% ang porsyento ng mga mag-aaral na nag-ulat ng parehong karanasan.

Ayon pa sa 2022 PISA, bumaba ng 11 hanggang 44 na puntos ang marka sa Mathematics ng mga mag-aaral na nakaranas ng bullying sa loob ng isang buwan.

"Alam naman natin na ang bullying ay nagdudulot ng mababang self-esteem, kawalan ng kumpiyansa, at kahirapan sa pag-focus sa pag-aaral ng mga biktima nito. Maaari ring maapektuhan ang kanilang emosyonal na kalagayan, na pwedeng magresulta sa pagbaba ng interes sa pag-aaral," ani Gatchalian na nanawagan para sa epektibong pagpapatupad ng Anti-Bullying Act of 2013 (Republic Act No. 10627).

Pebrero nitong taon noong pangunahan ni Gatchalian ang pagrepaso sa pagpapatupad ng Anti-Bullying Act of 2013, kung saan hinimok niya ang Deparmtent of Education (DepEd) na paigtingin ang mga mekanismo nito para sa pag-uulat hinggil sa bullying. Lumabas kasing hindi tugma ang mga resulta ng international large-scale assessment at ang datos ng ahensya.

Ayon sa DepEd, 21,521 ang naitalang kaso ng bullying noong School Year (SY) 2018-2019. Bumaba ito sa 11,637 noong SY 2019-2020, posibleng dahil sa pagpapatupad ng distance learning. Binigyang diin ni Gatchalian na kung itutugma ang resulta ng 2018 PISA sa kabuuang bilang ng mga mag-aaral, lalabas na 17.5 milyong mga mag-aaral ang nakaranas ng bullying. Ayon sa mambabatas, maaaring underrported o hindi naiuulat ang lahat ng mga kaso ng bullying.

Isinusulong din ng Chairperson ng Senate Committee on Basic Education ang pagsasabatas ng Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act (Senate Bill No. 2200). Layon ng panukalang batas na gawing institutionalized ang School-Based Mental Health Program. Isusulong ng naturang programa ang mental health at kapakanan ng mga mag-aaral sa pampubliko at pribadong paaralan.

News Latest News Feed