Press Release
May 29, 2024

Transcript of Interview: Senator Risa Hontiveros with Jon Ibanez over DWIZ

Q: Hindi nawawala ang pangalang Senator Hontiveros sa bawat pagdinig. Anyway, direktan katanungan na po, ma'am. Mukhang matindi rin ang tiwala sa iyo ng bagong pamunuan ng Senado. Dahil sa nasa harapang ko, binabanggit ng script na ito, ng story na ito, na walang nakikitang pangailangan po si Senate President Chiz Escudero para ika nga'y payuhan ka sa ginagawa mong imbestigasyon kaugnay dito sa kontrobersyal na alkalde po ng Bamban, Tarlac. Ano pong reaction nyo dito?

SRH: Well, salamat naman. Yun siguro yung sinasabi naming lahat na presumption of regularity. At saka, nakapagtiwala sa committee system ng Senado. Dahil lagi namang sinasabi ng mga dati at ito ngayon, ang kasalukuyang liderato na basta't nakarefer na ang mga bills at resolutions sa appropriate committee, eh may kumpiyansa na kami sa isa't isa na didinigin ito timely at maayos ng bawat chair. So, mabuti naman, nagpapatuloy yung ganyang aming practice o tradisyon.

Q: Bago ko lamang po makalimutan, mukhang may plano yung Solid 7 na sumapi po sa minority. Ano pong dating sa inyo dito, Senator Hontiveros?

SRH: Well, siguro premature pa na mag-speculate ako dyan kasi ito nga, nasa gitna din kami ng dalawang recess. Magandang pagkakataon din na kami nina minority leader ko, Sen. Koko Pimentel, tapos yung buong mayorya, pati yung mga grupo sa loob nila, tulad mong binanggit mong Solid 7, I'm sure bawat isa sa amin at bawat grupo ay nagre-reflect kung kumusta ba yung naging trabaho namin itong nakaraang dalawang taon and paano pa kami susulong sa pag-resume, sa SONA sa Hulyo.

So, abangan na lang natin kung anong mga developments mula sa loob ng majority. Basta kami sa minority, itutuloy ang trabaho sa pag-fiscalize, pag-check and balance sa loob at labas ng Senado.

Q: Sa lahat po, yata, ma'am ng grupo, kayo ang minority ang ikang quote-unquote, chill-chill lang sa nangyaring palita ng liderato sa Senado. Tama po ba?

SRH: E talagang hindi kami nakialam ni Sen. Koko dyan. Kasi, ano yan eh, kumbaga matter yan ng majority. At kami naman, ay nais manatiling minority. Mukhang naging kapakipakinabang din naman kami nitong nakaraang dalawang taon. Halimbawa sa trabaho namin dyan sa sugar smuggling fiasco, yung paggunita, pagpataw ng martial law noong 1972. At syempre, sa confidential and intelligence funds at saka yung Maharlika Investment Fund, tingin ko, eh, naganap namin yung aming papel bilang isang minority. At gusto po namin talaga, Sir Jon, ipagpatuloy yan.

Q: Alright. Wala naman po kayo binigyan ng assurance kahapon sa interview ko kay SP Chiz na, wala naman daw po kayong pag-aaway. So kayo po ba yung makukumpirma nyong hindi naman po kayo nag-aaway-away?

SRH: Hindi naman. Well, ewan po sila sa majority. Pero kami sa minority, ang hirap namang mag-away kaming dalawa. Dalawa na lang sa kami. So maayos naman po kami. Yung sila, hindi ako makapag-comment.

Q: Opo. And going back to minority, mukhang nakapagbitaw ng pahayag mismo, ha? Yung kaisa-isa mong kasama dyan, si minority leader Koko Pimentel, na mukhang medyo nalilihis naman daw yata yung issue ng POGO kaugnay dito sa issue ng kay Mayor Guo. Ano pong reaction niya dito, Madam Senator?

SRH: Well, para sa akin, nasa tamang landas pa rin yung committee ko, yung Committee on Women.

Kasi nagsimula itong lahat sa POGO. At sa nakaraang apat na taon, bumabalik at bumabalik pa talaga sa POGO. Whether POGO-related prostitution, hanggang illegal recruitment and detention, hanggang sa maraming buwan na pastillas scam, hanggang dumako ngayon dito sa human trafficking, crypto scamming. And then, kahit sa earlier inspections namin sa mga POGO hub na ni-raid ng ating mga otoridad, lumilitaw na, sumisilip na yung anggulong money laundering. E lalo na dito, sa pinakamalaking POGO hub so far na na-raid sa Bamban, e talagang naitanong ang pangalan ni Mayor Alice Guo. And, sorry for her, nung inimbita namin siya sa hearing, ang gulo-gulo talaga ng mga sagot niya. Kaya lalong lumitaw yung mga bagong tanong, pati tungkol sa malawak na money laundering. Imagine, Sir Jon, dalawa sa kasosyo niya dyan sa Zun Yuan ay central figures ngayon sa money laundering scam, pinakamalaki sa Singapore. Yung isang, yung kaisa-isang inamin niya na kilala daw niya, karelate daw niya, pugante din. Kaya lumilitaw din yung anggulo ng espionage. Dahil iniimbestiga din pala ng ating mga intel agencies, yung angulong surveillance at hacking mula sa Bamban.

So, simula lahat sa POGO, nakaugat pa rin sa POGO. Pero itong isang POGO hub na ito sa Bamban, nanganak, nanganganak, ng mga tanong dahil ang lalabo ng mga sagot.

Q: At mismo si PAOCC Executive Director, si Undersecretary, ang mismo nagsabi sa ilang sa mga interview sa kanya, si Gilbert Cruz, na hindi lamang po mga iba't iba at simpleng krimen. Umaabot din daw po sa pataya ng mga kapwa nila, Chinese National, itong issue ng POGO.

SRH: Totoo. Talagang, hindi lang sila nagsasabog ng lagim dito laban sa ating mga mamamayan, lalo na yung mga babae at menor de edad at pati nga, yung ganyang mga karahasan, krimen, laban sa isa't isa dito. So talagang, wala tayong makitang mabuting dulot ng mga POGO na yan. Panay masasama ang nagiging epekto sa atin at pati sa kani-kanila.

Q: And ano naman po ang magiging reaksyon nyo sa mismong ika nga'y tagapagtaguyod ng kapakanan ng mga Filipino-Chinese sa katauhan po, ni Binibining Teresita Ang See. Ang sinasabi niya, witch hunt daw po ito eh. At below decency at malaking epekto raw po sa dignity ng Senado, yung inyong imbestigasyon

SRH: Well, nakakalungkot naman yan. Ang bawat senador, ang bawat komite, lagi kaming minded dyan sa dignidad ng aming institusyon dahil nakilala na nga kami sa tradisyon bilang isa sa pinakang independyenteng institusyon. Maya't maya tinatawag pa kaming bulwark of democracy. So definitely yung usapin ng decency, ay aming laging binabantayan.

At talaga itong aming imbestigasyon sa Pogo, na ngayon ay nakasentro sa POGO Hub, sa Bamban at sa misteryosong pagkatao, pagkakilanlan, kaya may alis po, hinding-hindi witch hunt po yan. Yan po ay tungkol sa maluwag na regulatory framework natin sa Pogo na bilang isang business model mukhang nakakahanap at naghahanap ng mga butas para doon baliin yung ating mga batas at labagin ang mga karapatan at welfare ng ating mamamayan.

Yan ay tungkol sa accountability in public office. Dahil si Mayor Alice Guo ay isang mayora kasama namin nagtatrabaho sa gobyerno. Yang aming imbestigasyon ay tungkol po sa malalawak pang mga issue ng lagpas pa sa ating bansa dahil kinailangang imbestigahan ng ating mga otoridad pati yung anggulo ng espionage. At kapag ganyan po umaabot na sa national security eh magiging pabaya naman kami mga mambabatas kung hindi namin alamin ang mga issue niyan.

Lalo na, nandyan na rin yung konteksto ng bangayan natin sa West Philippines, presensya nila sa ating grid, sa ating telecoms. So nalungkot ako sa ganyang statement pero masasabi ko po yung makatotohanan na yan po ay tungkol sa maraming mga importanteng issue sa ating Pilipino. Hindi po tungkol sa ano pa bang ibang bagay.

Q: Hanggang kailan nito, Sen. Hontiveros? Hanggang kailan ang pagdinig na ito? At hanggang saan ang aabutin ng pagdinig na ito?

SRH: Well, dapat sana aabot ito sa isang closure na sa puntong ito sa aming apat na taong imbestigasyon ng POGO. Itong susunod na buwan, 5 ng Hunyo, itadaos na muna namin ang executive session dahil yung ating mga iba't ibang government agencies pati yung mga intelligence agencies ay nais ibahagi yung mas marami sa kanilang nalalaman na hindi pa masabi in open hearing. So executive session po muna kami pagkatapos niyan ay maitatakda namin ang susunod na pagdinig. Na palagay ko ha, bunga ng executive session na yan mas mashasharpen pa namin lalo at ma-zoom in, sino pa ba mga resource persons dapat? Ano pa ba mga tanong ang mas established na o pwede na namin bitawan para kumpletuhin na yung aming committee report?

Q: Lastly po, Sen. Hontiveros, kung nakikinig po si Mayor Guo, yung kanyang sinasabing ina at mga kamag-anak, ano po ang mensahe niyo po sa kanila, Madam Sen.

SRH: Well, si Mayor Alice Guo sana ay sapat na lang para sagutin ang mga napakasimpleng tanong na kahit sino sa ating mga tao ay kayang sagutin tungkol sa ating mga magulang, tungkol sa ating mga kapatid. Diyos ko po, simpleng alaala ng pagkabata. Hindi pa niya maibahagi. So I think yung kampo niya ang nananawagan na lumitang na daw, yung kanyang ina.

Q: Papa-DNA na raw eh.

SRH: So, ay naku, naging ginawa na niyang telenovela ito. Well, kung sino sa kanila ang lilitaw at lalapit ay titimbangin ng Komite, kung sila'y gagawing resource person at anong halaga ang ibibigay sa kanilang testimonya. Basta ang sa akin ay, kung nagsasabi lang sana ng totoo at kompleto si Mayor Alice Guo, eh siguro hindi na niya kailangang hanapin pa yung kanyang pamilya para magsalita para sa kanya. Siya mismo, kung totoong Pilipino, kung totoong Pilipinong government official, ay dapat ine-exhibit yung katangian ng transparency na higit sa lahat ang inaasahan sa amin.

Q: Pahabol lamang po. Phone-in question, ika nga. Ano pong reaction niyo sa divorce bill na pasado na po sa Kamara?

SRH: Well, pasado na sa Kamara. Iniintay lang namin. May nililinaw pa daw siya ng mga issue ng kanilang pagbilang bago daw ipadala sa amin. Pero kami sa Senado, matagal ko na pong natapos yung committee report sa pagdinig namin sa mga divorce bills sa Senado. At naghihintay lang ma-report out sa plenary para sa interpellation and debate. I think may chance na kami dahil sinabi din ni SP Chiz, conscience vote ito.

News Latest News Feed