Press Release July 2, 2024 Gatchalian urges Guo Hua Ping a.k.a. Alice Guo to unmask POGO kingpins Senator Win Gatchalian has called on Guo Hua Ping, also known as Alice Guo, to cooperate with authorities and reveal crucial information about the activities and key players of Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), now termed as Internet Gaming Licensees (IGLs), involved in nefarious activities. "I urge Alice Guo to come forward and cooperate with authorities and expose the main players of illegal and criminal offshore gaming operations," Gatchalian said. "To reduce her culpability, she can reveal everything she knows about the operations of both the Bamban POGO and the Porac POGO, as the two are interconnected. Ngayon at maliwanag na ang tunay niyang pagkakakilanlan, patong-patong na kaso ang maaaring isampa laban sa kanya dahil sa kanyang pagsisinungaling at panlilinlang, kaya mas mainam na magsalita na siya," Gatchalian stressed. Guo, along with others, has been charged with non-bailable qualified human trafficking by the Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC). The Office of the Solicitor General (OSG) is looking at filing a quo warranto case against her after the National Bureau of Investigation (NBI) confirmed that Alice Guo has the same fingerprints as Chinese national Guo Hua Ping. Additionally, the Commission on Elections (COMELEC) is mulling filing an election offense against her. Given her links to the Bamban POGO hub and the Porac POGO hub, Gatchalian believes Guo is in a position to shed light on the key individuals and operations fueling criminal activities. Her testimony is expected to significantly aid law enforcement and regulatory bodies in their efforts to dismantle these illegal operations and bring those responsible to justice. "Guo can play a crucial role in exposing the truth and ensuring that those involved are held accountable," said Gatchalian. The POGO industry has been under intense scrutiny due to its association with various illegal and criminal activities, including money laundering, human and sex trafficking, tax evasion, and online scamming. Gatchalian hinimok si Guo Hua Ping o Alice Guo na magsalita na Nanawagan si Senador Win Gatchalian kay Guo Hua Ping o Alice Guo na magsalita na, makipagtulungan sa mga awtoridad, at isiwalat ang totoong operasyon at "malalaking tao" sa likod ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO, na tinatawag na ngayong Internet Gaming Licensees o IGL, na gumagawa ng mga iligal at kriminal na aktibidad. "Hinihikayat ko si Alice Guo na magsalita na, makipagtulungan sa mga awtoridad, at ibunyag ang mga pangunahing tao sa likod ng mga iligal at kriminal na offshore gaming operations," sabi ni Gatchalian. "Upang mabawasan ang kanyang pananagutan, maaari niyang isiwalat ang lahat ng kanyang nalalaman tungkol sa parehong operasyon ng POGO sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga lalo na't sinasabing magkaugnay ang dalawa. Ngayon at maliwanag na ang tunay niyang pagkakakilanlan, patong-patong na kaso ang maaaring isampa laban sa kanya dahil sa kanyang pagsisinungaling at panlilinlang, kaya mas mainam na magsalita na siya," binigyang-diin ni Gatchalian. Si Guo, kasama ang iba pa, ay kinasuhan ng non-bailable qualified human trafficking ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC). Ang Office of the Solicitor General (OSG) naman ay nagbabalak na magsampa ng kaso ng quo warranto laban sa kanya matapos makumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na si Alice Guo at ang Chinese national na si Guo Hua Ping ay iisang tao sa pamamagitan ng magkatugmang fingerprints. Bukod dyan, pinag-aaralan na rin ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagsasampa ng election offense laban sa suspendidong alkalde ng Bamban. Dahil sa kanyang kaugnayan sa Bamban POGO hub at Porac POGO hub, naniniwala si Gatchalian na si Guo ay nasa posisyon upang magbigay-linaw sa mga pangunahing indibidwal at operasyon na nagpapatakbo ng mga kriminal na aktibidad o mga sindikato. Inaasahan na ang kanyang testimonya ay makakatulong nang malaki sa mga law enforcement agencies at regulatory bodies sa kanilang pagsisikap na buwagin ang mga ilegal na operasyon ng POGO at papanagutin ang mga gumagawa ng krimen. "Mahalaga ang papel na maaaring gampanan ni Guo sa pagbubunyag ng katotohanan at pagtiyak na mananagot ang mga sangkot," sabi ni Gatchalian. Ang industriya ng POGO ay nasa ilalim ng masusing pagsusuri dahil sa kaugnayan nito sa iba't ibang ilegal at kriminal na gawain, kabilang ang money laundering, human at sex trafficking, pag-iwas sa buwis, at online scamming. |
Wednesday, November 6
|