Press Release September 3, 2024 Sen. Robin Pushes Inclusion of Streaming Media under MTRCB Mandate Video: https://www.youtube.com/watch?v=VJP9CM4EGGI To protect the youth from shows and programs with sensitive content, it is high time to include streaming and online media under the mandate of the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla stressed this Tuesday in his sponsorship speech for Committee Report 311, which proposes amendments to the 38-year-old MTRCB charter. "Pagkadami-dami na po ng nagbago ngunit ang charter ng MTRCB, napaglipasan na po ng panahon. Dahil po dito, pinagtuunan po ng ating komite ang mga nakabinbing mga panukala tungkol sa pag-aamyenda ng Presidential Decree No. 1986 upang maiangkop naman po natin ang kapangyarihan ng MTRCB sang-ayon sa mga kontemporaryong hamon na ating kinakaharap natin sa kasalukuyan (So many things have changed over the years but the MTRCB charter has been left behind. Because of this, our committee heard proposals to amend Presidential Decree 1986 to respond to the challenges of modern times)," said Padilla, who chairs the Senate Committee on Public Information and Mass Media. "Tatlumpo't-walong taon na po - ganito na po ang edad ng umiiral na patnubay ng ahensya na nangangasiwa sa klasipikasyon at pagsusuri ng mga programa sa telebisyon at pelikula. Sa loob ng panahong ito, hindi na natin mabilaang ang napakaraming pagsulong sa larangan ng technology. Yung pagkabigat-bigat pong TV, nasa bulsa na lamang natin ngayon. Nasa mga cell phone na lang yan ngayon. Kung noon ay kailangan pang bumiyahe ng pagkalayo-layo, makapanood lamang ng sine, ngayon po hindi na - uupo ka na lamang kahit nasaan ka man, mapapanood mo na ang mga gusto mong pelikula. Ang imposible at pangarap noong 1986 ay posible na ngayon. Ang mga imahinasyon ng sangkatauhan noon, isa nang reyalidad ngayon (The MTRCB charter is 38 years old. During those 38 years, we have seen the advances of technology - today we can view TV shows using pocket-size devices, and view movies from anywhere. The things that were impossible in 1986 are now possible; and what once existed in people's imagination is now reality)," he added. The Committee Report is based on the bills filed by Sen. Grace Poe (Senate Bill No. 965), Sherwin Gatchalian (Senate Bill No. 1063), Francis Tolentino (Senate Bill No. 1178), Lito Lapid (Senate Bill No. 2195), and Padilla (Senate Bill No. 1940). Padilla pushed for the inclusion of on-demand online streaming services under the MTRCB's jurisdiction, including services like Netflix, Amazon Prime, Disney+, Vivamax, and iWantTV. He noted that while it is impossible for the MTRCB to literally review all streaming content, the agency needs the legal authority to monitor and conduct post-reviews based on concerns and complaints from viewers. Also, he noted data from the Council for the Welfare of the Children based on a report from UNICEF showed one of three children aged 0-18 use the internet. He cited as well a National ICT Household Survey, showing 60% of youths aged 10 to 17 have access to and use the internet. "Wala naman po sigurong hindi sumasang-ayon sa ideya na, sa patuloy na ebolusyon ng digitalisasyon, nararapat lamang na ating paigtigin ang pangangalaga sa ating mga kabataan (No one will disagree that with the evolution of digitalization, we must take steps to protect our youths)," he said. Padilla also stressed the need for the MTRCB to have the mandate to approve or disapprove content - digital or otherwise - that may potentially be used to incite violence or crime that can affect public order and public health. He said such content may include shows promoting discrimination, hostility, violence, negative stereotyping, and prejudice against Filipinos, indigenous peoples, and religious groups. The proposed measure also seeks to institutionalize powers of the MTRCB including seeking help from the Department of Information and Communications Technology (DICT), National Telecommunications Commission (NTC) and other agencies. It likewise seeks quasi-judicial functions for the MTRCB to hear and decide on violations, as well as mete administrative sanctions. These include fines or fees, suspension or non-renewal of licenses or permits to operate; and seizing objectionable materials. Padilla sought as well added powers for the MTRCB, including a yearly budget and organizational and administrative changes to the staffing pattern, subject to the approval of the Department of Budget and Management. He likewise pushed for allowing the MTRCB to give scholarships and aid to members of the movie and TV industry, and to former and present members of the Board based on the regulations of the Commission on Audit. Padilla said the committee likewise sought better benefits for MTRCB officials. He likewise pushed for a "retained income fund" instead of a "sinking fund" for the MTRCB, based on the DBM's suggestion. "Ginoong Tagapangulo, isa sa mga masinsin po nating pinag-usapan ay kung paano natin mapapalakas pa ng MTRCB. Siyempre po itong usapin ng fake news pa, ito ay isang bagay na dapat din nating seryosohin. Sa US pinaguusapan na ang kalabisan sa internet, sa social media. Dapat pong harapin na natin ito dito sa ating bansa at nabibiktima ang ating mga kabataan sobra nang nabibiktima (One of our concerns was how to strengthen the MTRCB. We must face problems such as fake news and abuse of the internet because this victimizes the youth)," he said. Sen. Robin, Itinulak ang Pagsaklaw sa Streaming Media ng MTRCB Video: https://www.youtube.com/watch?v=VJP9CM4EGGI Upang mapoprotektahan ang kabataan sa mga sensitibong palabas at programa, panahon na para makasama sa saklaw ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang streaming at online media. Iginiit ito ni Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla sa kanyang sponsorship speech para sa Committee Report 311, na nagpapanukala ng pag-amyenda sa 38-anyos na MTRCB charter. "Pagkadami-dami na po ng nagbago ngunit ang charter ng MTRCB, napaglipasan na po ng panahon. Dahil po dito, pinagtuunan po ng ating komite ang mga nakabinbing mga panukala tungkol sa pag-aamyenda ng Presidential Decree No. 1986 upang maiangkop naman po natin ang kapangyarihan ng MTRCB sang-ayon sa mga kontemporaryong hamon na ating kinakaharap natin sa kasalukuyan," ani Padilla, na tagapangulo ng Senate Committee on Public Information and Mass Media. "Tatlumpo't-walong taon na po - ganito na po ang edad ng umiiral na patnubay ng ahensya na nangangasiwa sa klasipikasyon at pagsusuri ng mga programa sa telebisyon at pelikula. Sa loob ng panahong ito, hindi na natin mabilaang ang napakaraming pagsulong sa larangan ng technology. Yung pagkabigat-bigat pong TV, nasa bulsa na lamang natin ngayon. Nasa mga cell phone na lang yan ngayon. Kung noon ay kailangan pang bumiyahe ng pagkalayo-layo, makapanood lamang ng sine, ngayon po hindi na - uupo ka na lamang kahit nasaan ka man, mapapanood mo na ang mga gusto mong pelikula. Ang imposible at pangarap noong 1986 ay posible na ngayon. Ang mga imahinasyon ng sangkatauhan noon, isa nang reyalidad ngayon," dagdag niya. Ang Committee Report ay base sa mga panukalang batas na inihain nina Sen. Grace Poe (Senate Bill No. 965), Sherwin Gatchalian (Senate Bill No. 1063), Francis Tolentino (Senate Bill No. 1178), Lito Lapid (Senate Bill No. 2195), at ni Padilla (Senate Bill No. 1940). Isinulong ni Padilla na mapasailalim sa MTRCB ang on-demand online streaming services sa saklaw ng ahensya. Kabilang po dito ang mga pangkaraniwan ng mga streaming sites tulad ng Netflix, Amazon Prime, Disney+, Vivamax, at iWantTV. Bagama't halos imposible para sa MTRCB ang literal na i-review ang lahat na pelikula kasama ang streaming, ipinunto ni Padilla na nais lang ng MTRCB ang magkaroon ng legal na kakayahan sa pag-monitor at post-review sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga concerns at complaints ng mga manonood. Ani Padilla, hindi maaaring ipagwalang-bahala ang datos mula sa Council for the Welfare of the Children base na rin sa ulat ng UNICEF na isa sa tatlong bata na edad 0-18 anyos ay gumagamit na ng internet. Dagdag niya, ayon sa National ICT Household Survey, halos 60% ng mga batang edad 10 hanggang 17 ay may access at gumagamit ng internet. "Wala naman po sigurong hindi sumasang-ayon sa ideya na, sa patuloy na ebolusyon ng digitalisasyon, nararapat lamang na ating paigtigin ang pangangalaga sa ating mga kabataan," aniya. Dagdag ni Padilla, kailangan nang magkaroon ng mandato ang MTRCB upang aprubahan o hindi aprubahan ang mga materyales, digital man o hindi, na maaaring manghikayat sa paggawa ng karahasan o krimen na makakaapekto sa ating kaayusan ng publiko (public order) at kalusugan ng mamamayan (public health). Kabilang na rin po dito ang mga palabas na nagpapakalat ng poot o pagkamuhi na maaaring magdulot ng incitement sa diskiriminasyon, hostility, karahasan, negatibong stereotyping, at prejudice laban sa mga Pilipino, mga katutubong grupo, at mga relihiyosong pangkat sa loob o labas ng bansa. Sa panukalang ito, ginagawa na ring institusyunal ang kapangyarihan ng Board na hilingin ang pakikipagtulungan ng Department of Information and Communications Technology (DICT), National Telecommunications Commission (NTC) at iba pang mga ahensya ng pamalaan sa pagpapatupad ng mga desisyon at utos nito. Isa rin po sa mga pinalinaw na probisyon ay ang paggawad ng quasi-judicial function sa Board upang dinggin at magpasiya sa mga paglabag sa batas, gayudin ang pagpataw ng mga administrative sanction. Kasama dito ang: pagpataw ng fines o fees, suspensyon o non-renewal ng mga lisensya o permit to operate, pagkumpiska sa mga objectionable material na inilabas ng walang pahintulot. Isinulong din ni Padilla ang karagdagang kapangyarihan para sa MTRCB, kabilang ang pag-adopt ng taunang budget, at pagrerekomenda ng organisasyunal at administratibong istruktura at staffing pattern, na subject sa approval ng Department of Budget and Management. Nais din niyang bigyan ang MTRCB ng layang makapagbigay ng scholarship at makapag-abot ng tulong o donasyon sa mga miyembro ng industriya ng pelikula at telebisyon, at former at present members ng Board base sa regulasyon ng Commission on Audit. At dahil sa dagdag saklaw at kapangyarihan na ibinibigay sa MTRCB, itinulak ng komite ang pagtataas ng benepisyo ng mga opisyal ng MTRCB. Iminungkahi din niya ang paggamit ng "retained income fund" sa halip na "sinking fund" para sa MTRCB, sang-ayon sa suhestiyon ng DBM. "Ginoong Tagapangulo, isa sa mga masinsin po nating pinag-usapan ay kung paano natin mapapalakas pa ng MTRCB. Siyempre po itong usapin ng fake news pa, ito ay isang bagay na dapat din nating seryosohin. Sa US pinaguusapan na ang kalabisan sa internet, sa social media. Dapat pong harapin na natin ito dito sa ating bansa at nabibiktima ang ating mga kabataan sobra nang nabibiktima," giit ni Padilla. |
Thursday, October 3
|