Press Release
September 14, 2024

Honoring educators: Gatchalian pushes for revised Magna Carta to mark National Teachers' Month

Amid the celebration of the National Teachers' Month, which kicked off on September 5, Senator Win Gatchalian reiterated his call for the passage of the 'Revised Magna Carta for Public School Teachers' (Senate Bill No. 2493) to uphold the welfare of public school teachers.

Gatchalian's proposed measure amends the 58-year-old Magna Carta for Public School Teachers (Republic Act No. 4670) to address new and persisting challenges hounding public school teachers. It also aims to ensure that the rights of teachers are respected, protected, and realized.

"Tungkulin nating itaguyod ang kapakanan ng mga guro, lalo na't hindi matatawaran ang serbisyo nila para sa ating mga kababayan. Kaya naman patuloy nating isusulong ang Revised Magna Carta for Public School Teachers upang matiyak na may sapat na proteksyon at mga benepisyong natatanggap ang ating mga guro sa gitna ng maraming hamong kinakaharap ng sektor ng edukasyon," said Gatchalian, Chairperson of the Senate Committee on Basic Education.

The bill aims to institutionalize benefits like calamity leave, educational allowances, and longevity pay; defines the conditions for special hardship allowances; and enhances salary criteria for teachers. It also seeks to protect public school teachers from out-of-pocket expenses and ensure equal salaries, benefits, and working conditions for entry-level and probationary teachers.

The proposed measure aims to improve teachers' working conditions by reducing classroom hours from six to four, though teachers may work up to eight hours when necessary. Additional teaching hours will be compensated at their regular rate plus at least 25% of their basic pay.

The bill also prohibits the termination of permanent teachers without just cause and due process. It also seeks to maintain the confidentiality of disciplinary actions against teachers, according to Gatchalian.


Revised Magna Carta for Public School Teachers isinusulong ni Gatchalian sa pagdiriwang ng National Teachers' Month

Sa gitna ng pagdiriwang ng National Teachers' Month, na nagsimula noong Setyembre 5, muling binigyang diin ni Senador Win Gatchalian ang pangangailangan para sa 'Revised Magna Carta for Public School Teachers' (Senate Bill No. 2493), isang panukalang layong itaguyod ang kapakanan ng mga guro na nasa pampublikong paaralan.

Layong amyendahan ng panukalang batas ang Magna Carta for Public School Teachers (Republic Act No. 4670) na naisabatas 58 taon na ang nakakalipas. Sa ilalim ng panukalang batas, na inihain ni Gatchalian, tutugunan ang mga bago at nananatiling mga hamong kinakaharap ng mga guro sa mga pampublikong paaralan. Layon din ng panukalang batas na tiyaking nirerespeto, pinoprotektahan, at naisasakatuparan ang pagtaguyod sa karapatan ng mga guro.

"Tungkulin nating itaguyod ang kapakanan ng mga guro, lalo na't hindi matatawaran ang serbisyo nila para sa ating mga kababayan. Kaya naman patuloy nating isusulong ang Revised Magna Carta for Public School Teachers upang matiyak na may sapat na proteksyon at mga benepisyong natatanggap ang ating mga guro sa gitna ng maraming hamong kinakaharap ng sektor ng edukasyon," ani Gatchalian, Chairperson ng Senate Committee on Basic Education.

Ilan sa mga probisyon ng naturang panukala ang pagkakaroon ng mga permanenteng dagdag na benepisyo tulad ng calamity leave, educational allowances, at longevity pay. Nakasaad din sa panukala ang pagkakaroon ng mga special hardship allowances. Isinusulong din ang mas pinahusay na salary criteria para sa mga guro. Ang naturang panukala ay nagbibigay ng proteksyon sa mga public school teachers mula sa pag-aabono o out-of-pocket expenses at tinitiyak nitong pantay-pantay ang sahod, benepisyo, at mga kondisyon ng mga entry-level at probationary na mga guro.

Nakasaad din sa naturang panukala ang pagbawas sa oras ng pagtuturo sa apat mula anim, bagama't maaaring magtrabaho ng hanggang walong oras ang mga guro kung kinakailangan. Ang karagdagang oras ng pagtuturo ay magkakaroon ng karagdagang bayad na katumbas ng kanilang regular na sahod at umentong hindi bababa sa 25% ng kanilang basic pay.

Ipinagbabawal din ang pag-alis sa mga permanenteng guro kung walang due process at sapat na dahilan. Sa ilalim ng naturang panukala, mananatili ang confidentiality sa mga disciplinary actions na ipapataw sa mga guro.

News Latest News Feed