Press Release September 17, 2024 Sen. Robin Pushes Help Anew for Refugees amid DOJ, CHR Support for Bill Video: https://www.youtube.com/watch?v=wj9TbCrQikE Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla on Tuesday appealed anew to relevant government agencies to do everything to extend help to refugees and stateless persons, especially after his bill on the matter got support from the Department of Justice and Commission on Human Rights. Padilla, who filed Senate Bill 2548 last February to strengthen protection for refugees, stressed that no less than the 1987 Constitution is the basis for extending such assistance to refugees. "Sana po pakiusap ko po sa atin pong mga bisita ngayon, kayo po ang mas nakakaalam kung anong pwede natin gawin. Sana huwag natin kalimutan na ang ating Constitution ang unang una ang preamble niyan ay pananampalataya natin sa Diyos. Pag sinabi natin tayo naniniwala sa Diyos, kasunod niyan ang pagmamahal natin sa kapwa, maging Pilipino man o hindi," he said at the hearing of the Committee on Justice and Human Rights. (I hope our agencies represented by the resource persons in this hearing will know what to do. Let's not forget that our Constitution's preamble is our faith in God. This includes helping our fellow people, regardless of whether they are Filipinos or not.) "Kaya sana po sa pamamagitan po ng panukala na ito, maging malinaw po ang pwede nating gawin dito sa ating mga kababayan at doon sa mga humihingi din ng pansamantalang pagkalinga natin. Kasi hindi naman lingid sa ating kaalaman na meron ding mga Afghans na humihingi po ng pansamantala, pansamantala na dumaan sa atin habang pinoproseso. At ganoon din ang Palestino mga Pilipino na may asawang Palestino na nandito ngayon na hindi alam nila anong mangyayari sa kanila," he added. (With this bill, I hope our authorities will have clearer roles. We are aware there are Afghan refugees asking for our help, along with Palestinians who have Filipino spouses.) Last February, Padilla filed Senate Bill 2548 that upholds Sec. 11, Art. II of the 1987 Constitution where the State upholds the dignity of everyone along with their rights. Padilla added the Philippines has extended help to migrants and refugees since the 1980s, including Jews during the administration of President Manuel Quezon; and Vietnamese during the administration of President Ferdinand Marcos Sr. "Ngayon medyo kumplikado ang sitwasyon dahil sa mga usapin po at kinatatakutan ng tao na sinasabi na baka mapasukan tayo ng terorista, mapasukan tayo ng masasamang loob. Yan naman po ay nakasalalay sa enforcement. Huwag naman po natin sana isisi sa taong nangangailangan ng kalinga," he said. (Now the situation is complicated amid fears of terrorists and criminals taking advantage of our help. But that is a matter of enforcement. This should not stop our efforts to help those in need.) During the hearing, the representatives of the Department of Justice and Commission on Human Rights voiced support for Padilla's bill. Padilla reiterated his call to help the refugees and stateless, including the Tausugs in Sabah; and Afghans and Palestinians with Filipino spouses. "Sana huwag natin kalimutan na ang ating Constitution ang unang una ang preamble niyan ay pananampalataya natin sa Diyos. Pag sinabi natin tayo naniniwala sa Diyos, kasunod niyan ang pagmamahal natin sa kapwa, maging Pilipino man o hindi (Let us not forget that our Constitution's preamble upholds faith in God. With this, we must show compassion to our fellow people, Filipinos or otherwise)," he said. Sen. Robin, Iginiit ang Pagkalinga sa mga Refugee Matapos Makamtan ang Suporta ng DOJ, CHR Umapela muli si Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla nitong Martes sa mga ahensya ng pamahalaan na gawin ang lahat para magbigay ng pansamantalang kalinga para sa mga refugees at stateless persons - lalo na't nagpahayag ng suporta para sa kanyang panukalang batas ang Department of Justice at Commission on Human Rights. Ani Padilla, na naghain ng Senate Bill 2548 noong Pebrero para palakasin ang proteksyon para sa mga refugee, mismong Saligang Batas ang basehan ng pagbigay ng tulong sa mga refugees. "Sana po pakiusap ko po sa atin pong mga bisita ngayon, kayo po ang mas nakakaalam kung anong pwede natin gawin. Sana huwag natin kalimutan na ang ating Constitution ang unang una ang preamble niyan ay pananampalataya natin sa Diyos. Pag sinabi natin tayo naniniwala sa Diyos, kasunod niyan ang pagmamahal natin sa kapwa, maging Pilipino man o hindi," giit niya sa pagdinig ng Committee on Justice and Human Rights. "Kaya sana po sa pamamagitan po ng panukala na ito, maging malinaw po ang pwede nating gawin dito sa ating mga kababayan at doon sa mga humihingi din ng pansamantalang pagkalinga natin. Kasi hindi naman lingid sa ating kaalaman na meron ding mga Afghans na humihingi po ng pansamantala, pansamantala na dumaan sa atin habang pinoproseso. At ganoon din ang Palestino mga Pilipino na may asawang Palestino na nandito ngayon na hindi alam nila anong mangyayari sa kanila," dagdag niya. Ihinain ni Padilla noong Pebrero ang Senate Bill 2548 na sumasang-ayon sa Sec. 11, Art. II ng 1987 Constitution kung saan pinapahalagahan ng Estado ang dignidad ng bawa't tao at tinitiyak ang paggalang sa kanilang mga karapatan. Ayon kay Padilla, naging tahanan ang Pilipinas sa mga migrant at refugee simula noong 1980s, kabilang ang mga Jews noong administrasyon ni Pangulong Manuel Quezon at mga Vietnamese noong administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Sr. "Ngayon medyo kumplikado ang sitwasyon dahil sa mga usapin po at kinatatakutan ng tao na sinasabi na baka mapasukan tayo ng terorista, mapasukan tayo ng masasamang loob. Yan naman po ay nakasalalay sa enforcement. Huwag naman po natin sana isisi sa taong nangangailangan ng kalinga," aniya. Nagpahayag naman ng suporta ang Department of Justice at Commission on Human Rights sa panukalang batas ni Padilla. Muling iginiit ni Padilla na kailangang matulungan ang mga refugees at stateless, tulad ng mga Tausug sa Sabah; at ang mga Afghans at Palestinians na asawa ng Pilipino. "Sana huwag natin kalimutan na ang ating Constitution ang unang una ang preamble niyan ay pananampalataya natin sa Diyos. Pag sinabi natin tayo naniniwala sa Diyos, kasunod niyan ang pagmamahal natin sa kapwa, maging Pilipino man o hindi," aniya. |
Thursday, October 3
|