Press Release June 12, 2025 Gatchalian Urges Heirs to Seize Final Chance for Estate Tax Amnesty Before June 16 Deadline Senator Win Gatchalian urged taxpayers to avail of the extended estate tax amnesty program, which is set to expire on June 16 this year. "I am hoping taxpayers who are qualified would avail of the extended tax amnesty program as this would give them the chance to legalize their ownership of inherited properties and the opportunity to use such assets for economic purposes," Gatchalian said. Republic Act 11956 -principally authored and sponsored by Gatchalian --amended the Tax Amnesty Act which allows heirs, transferees, and beneficiaries to settle estate taxes without penalties or interest until June 14, 2025. However, since June 14 falls on a Saturday, the BIR extended the deadline to June 16, Monday. Under the law, the filing can be made either manually or electronically with any authorized agent bank or Revenue District Office by the heirs and beneficiaries. The law also allows installment payments to encourage taxpayer participation. "May panahon pa para makapagbayad sila ng kaukulang buwis ng walang dagdag na bayad dahil hindi na nila kailangang magbayad ng penalty at interes," he added. The law would also help shore up the country's revenue collection needed to finance the government's poverty-alleviating programs. Gatchalian Hinihikayat ang mga Tagapagmana na Samantalahin ang Huling Hirit na Estate Tax Amnesty Hinimok ni Senador Win Gatchalian ang mga taxpayers na samantalahin ang pinalawig na estate tax amnesty hanggang Hunyo 16. "Umaasa ako na gamitin na ng mga qualified taxpayers ang pinalawig na programa ng tax amnesty dahil magbibigay ito sa kanila ng pagkakataong gawing legal ang kanilang pagmamay-ari sa mga namanang ari-arian at ang pagkakataong magamit ang naturang mga asset para sa layuning pang-ekonomiya," sabi ni Gatchalian. Ang Republic Act 11956 - kung saan si Gatchalian ang pangunahing may akda -- ay nag-amyenda sa Tax Amnesty Act na nagpapahintulot sa mga tagapagmana, transferee, at benepisyaryo na bayaran ang mga buwis sa ari-arian nang walang multa o interes hanggang Hunyo 14, 2025. Gayunpaman, dahil sa Sabado ito ay pinalawig pa ng BIR ang petsa sa Hunyo 16, Lunes. Sa ilalim ng batas, ang pagfa-file ng estate tax ay maaaring gawin nang mano-mano o sa elektronikong paraan sa anumang awtorisadong agent bank o Revenue District Office ng mga tagapagmana at benepisyaryo. Pinapayagan din ng batas ang installment payments upang hikayatin ang mas marami pang iba na magbayad ng buwis. "May panahon pa para makapagbayad sila ng kaukulang buwis nang walang dagdag na bayad dahil hindi na nila kailangang magbayad ng penalty at interes," dagdag niya. Makakatulong din ang batas na palakasin pa ang koleksyon ng buwis para madagdagan ang kita ng bansa upang pondohan ang mga programang kontra sa kahirapan. |