Press Release June 12, 2025 Establishing Regulatory Framework for Nuclear Energy Necessary to Ensure Safety, Sustainability of Potential Use --Gatchalian Senator Win Gatchalian said a robust regulatory framework for nuclear energy is essential to ensure its safety and sustainability and address any concerns relating to its potential use in the country. A comprehensive regulatory framework is important given the country's growing energy demand, a portion of which could be met by nuclear energy," Gatchalian stated, following the Senate's approval on third and final reading of a proposed measure to create the Philippine Atomic Energy Regulatory Authority. As proposed, the agency will have regulatory control over all sources of ionizing radiation, including nuclear and radioactive materials and radiation devices. Gatchalian, vice-chair of the Senate Committee on Energy, is one of the authors of the measure. The proposed measure specifies penalties for unauthorized handling or misuse of nuclear materials and prioritizes public health, safety, and environmental protection as well as compliance with international standards to enhance public confidence. Sa pamamagitan ng pagtatatag ng isang komprehensibong regulatory framework para sa nuclear technology, matitiyak natin na ang mga agam-agam tungkol sa paggamit nito ay matutugunan at lalakas ang kumpiyansa at tiwala ng publiko," Gatchalian added. Gatchalian: Regulatory Framework Para sa Nuclear Energy Kailangan Na Sinabi ni Senador Win Gatchalian na mahalaga ang pagtatatag ng regulatory framework para sa nuclear energy upang matiyak ang kaligtasan at pangmatagalang gamit nito, at matugunan ang anumang agam-agam kaugnay ng potensyal na paggamit nito sa bansa. "Mahalaga ang isang komprehensibong regulatory framework, lalo na't patuloy na tumataas ang pangangailangan ng bansa sa enerhiya," ayon kay Gatchalian. Ang pahayag ng mambabatas ay kasunod ng pag-apruba ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ng panukalang batas na naglalayong lumikha ng Philippine Atomic Energy Regulatory Authority. Batay sa panukala, magkakaroon ang ahensya ng kapangyarihang mag-regulate sa lahat ng pinagmumulan ng ionizing radiation, kabilang na ang mga nuclear at radioactive materials at radiation devices. Si Gatchalian, vice-chair ng Senate Committee on Energy, ay isa sa mga may-akda ng panukala. Tinutukoy ng panukalang batas ang mga parusa para sa hindi awtorisadong paghawak o maling paggamit ng nuclear materials at binibigyang-prayoridad ang kalusugan ng publiko, kaligtasan, at pangangalaga sa kapaligiran, gayundin ang pagsunod sa mga internasyonal na pamantayan upang mapalakas ang tiwala ng publiko. "Sa pamamagitan ng pagtatatag ng isang komprehensibong regulatory framework para sa nuclear technology, matitiyak natin na ang mga agam-agam tungkol sa paggamit nito ay matutugunan at lalakas ang kumpiyansa at tiwala ng publiko," dagdag ni Gatchalian. |