Photo Release
“Huwag kayong mawalan ng pag-asa hindi sa atin ibibigay ng Panginoon ang pagsubok kung hindi natin kaya”: Ito ang pahayag ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr. makaraang personal niyang dalawin ang mga biktima ng Bagyong Neneng sa iba’t-ibang bayan ng Cagayan na dinalhan niya ng tulong, Family Food Packs at relief goods . Maluha-luha ang mga residente habang nagsasalita si Revilla habang hawak-hawak nila ang mga relief goods na pinamahagi ng butihing Senador dahil malaking tulong umano ito sa pananatili sa evacuation center. Idinagdag pa ni Revilla na hinding-hindi niya pababayaan ang mga taga Cagayan dahil hindi rin umano siya pinababayaan ng mga ito. |
Photos
|