Press Release
July 15, 2015

Bam on PNP Chief, Voting in Malls, China and Other Issues
(From Status Update Program)

On New PNP chief Ricardo Marquez

"Si General Marquez nakilala natin noong panahong dumating ang Santo Papa. Siya ang nangasiwa sa lahat ng mga arrangements, security detail pagdating sa pagbisita ni Santo Papa. Nakita naman natin na naging maganda iyong pagbisita ni Santo Papa sa atin.

Sabi nga po nila, kung kasing galing ng ginawa niya pagdating ni Santo Papa ang kanyang mga plano at programa para sa PNP, okay na okay iyan.

Actually, hanggang July 2016 ang kanyang appointment so aabot siya sa 2016 elections kaya mabigat iyon kay General Marquez. Let's give him the best congratulations and good luck po sa inyo."

On Voting in Malls

"Okay ako sa botohan sa malls. Pero siguro puwede nilang simulan ay iyong massive registration sa malls. Alam ko ginagawa na iyan paunti-unti pero sana mas bigyang pansin ang massive registration at biometrics, puwede pong gawin sa mga malls, para ma-register po tayo.

Mayroon pa tayong mga tatlong buwan bago matapos ang registration. Please, mga nakikinig po, mga kabataan, iyong mga ka-e-eighteen years old pa lang, huwag na po tayong makipagsiksikan. Kung ang registration okay, para sa akin iyong botohan okay din.

Maganda po ang ideyang ito. Palagay ko puwede itong pag-aralan ng Comelec, si chairman Andy Bautista, kung puwede.

Saka pakiramdam ko mas secure ang mall kaysa sa mga eskuwelahan. Alam na alam mo ang entrance, iyong exit maraming security guard. May CCTV pa. Palagay ko puwede itong i-consider."

On PH's Case vs China at the Hague

"Ito po'y tinatawag nilang "case of the century" kasi napakabigat po ng kasong ito. Ito'y tungkol po sa mga lupain natin sa West Philippine Sea.

Ang tanong po kasi diyan, at ito po ang tanong sa napakalaki nating kapitbahay na China, kung miyembro tayo ng United Nations at miyembro tayo ng tinatawag na community of nations, puwede bang selective tayo kung kailan tayo susunod o hindi?

We're hoping, of course, na unang-una, maging favorable sa Pilipinas ang desisyon. Pangalawa, sundan po ito ng mga karatig-bansa natin, hindi lang po ng China, kasi may implications din ang desisyon na iyan sa mga kasama nating bansa.

Sana pag-uwi nila, maganda ang maging ng korte."

On Holiday Pay on July 17

"Sa ating mga employers, huwag nating kalimutan na kapag holiday, nasa batas po natin iyan, dumudoble po ang bayad sa ating mga empleyadong pumapasok.

May binigay ang DOLE na telephone number na kung may magrereklamo sa employers na hindi magbibigay ng holiday pay sa July 17, puwedeng tumawag sa DOLE trunkline 527-8000 at 527-3000.

In fairness kay Secretary Baldoz , in favor siya sa laborers natin. Marami po sa desisyon ni Secretary Baldoz, itinataas niya ang bandera ng mga manggagawa."

On the Delivery of License Plates/Procurement Process

"Marami raw pong dahilan, iyong naging port congestion, naging ganyan, naging ganon. I hope na ma-resolve na ito ng LTO.

Hindi po agad-agad imbestigasyon. Alamin po muna natin ang side nila. Pero pag alam nating may complaints ang taumbayan, dapat aksiyunan iyan agad.

In fairness, kahit may pera ka, kailangan kang dumaan sa government procurement process na kadalasan buwan-buwan po talaga bago makarating.

Noong first year natin, medyo mainit ang office natin kaya nag-order po kami ng aircon. Hindi naman po gaanong mahal pero almost almost one year siya bago nakarating.

Ang nakakatawa riyan, in-order namin ng summer time. Noong dumating po siya, rainy season na.

Iyan po ay common complaint ng maraming ahensiya. Marami po sa mga ahensiya natin, gustong maging efficient pero ang procurement process natin, talagang napakatagal po niyan.

Just to be fair to them, alamin po natin ang dahilan ng LTO. Let's find out at kung katanggap-tanggap nga ba ang mga dahilan na ito o dapat nga bang ituloy ang imbestigasyon."

On APEC Summit

"First of all, marami pong preparations dito. Ngayon pa lang, mayroon nang mini-meetings papunta sa APEC.

Kasi sa APEC po, hindi lang po iyang party o chikahan, may mga agreements silang ginagawa. Bago ang agreements ng world leaders, mayroon pong agreements sa minister and secretary level.

Iyong magandang pangitain diyan, kasi binabantayan natin iyan, sa business sector ng APEC, na siyang nangangasiwa sa business at pagnenegosyo, naging focus nila ang micro, small and medium enterprises (MSMEs), kaya swak na swak siya sa ginagawa nating adbokasiya.

Talagang na-recognize na kung gusto nating umangat bilang bansa at bilang isang rehiyon, kailangang tulungan ang maliliit nating negosyante.

Sa initial meetings, lumalabas na iyon ang isa sa mga gustong itulak ng APEC. Hopefully, kapag umabot na sa level nina P-Noy at Barack Obama, mabigyan nila ng pansin ang sapat na tulong sa ating maliliit na negosyante."

News Latest News Feed