Press Release
May 20, 2019

Win transcript press conference on the proposed tobacco tax hike
RECTO HALL SENATE OF THE PHIILIPPINES

Senator Win's opening statement

SEN WIN: I'll start off with a small story, every year po ay nag-aannual check-up po ako eh and this year pagkatapos ng check-up ko ay pumunta pa ako sa doctor ko at tinanong ko, "Doc, kamusta ang health natin?" Sabi nya, "Senator, I have good news for you, pagkatapos ko tingnan ang lahat ng tests mo, ang katawan at health mo ay parang 25 years old lang kahit 45 years old ka na." Sabi ko "Doc, bakit hindi 18?" Sabi niya hindi naman pwedeng 18 diba at sabi ko "Doc, what do you attribute to good health?" Sabi niya nakita daw niya na health ako because I exercise properly, regularly and I eat properly.

Naisip ko na kapag umiikot-ikot ako sa Valenzuela and sad to say na until now, marami pa rin akong nakikitang mga kabataan na napapasok sa paninigarilyo at nalulungkot ako dahil kung tuloy-tuloy silang maninigarilyo, hindi sila aabot sa ganitong klaseng kalusugan na masasabi nilang magiging produktibo at makakatulong sila sa ating bayan. In fact, nung tinitingnan ko po itong mga research at statistics na binigay sa akin, isa sa pinaka hindi ko makakalimutang statistics ay yung binigay ni Dr. Dans; Taon-taon yung ginagastos natin para magpagamot ang mga may cancer, like lung cancer, at iba pang mga sakit na konektado sa paninigarilyo ay almost 210 billion at ang nakokolekta lang natin from sin tax is about 115 billion. Ibig sabihin, dehado pa ang ating pamahalaan, lugi pa tayo dahil nagpapagamot tayo pero ang nakukuha natin sa sin tax is halos kalahati lang ng ginagastos natin sa pagpapagamot. Kanina ay nabanggit po ni Doc na dapat ay we break the vicious cycle at itong proposal natin na taasan ang sin tax ay isang paraan para mahinto ito at para mas kumonti ang papasok sa paninigarilyo.

I say this from a governance standpoint dahil napakahirap kumita ng pera, taas tayo ng taas ng taxes pero pumupunta naman sa mga sakit na pwede naman nating maiwasan. At tayo rin na mga tax payers ang nahihirapan dahil tayo ang kinakaltasan kapag nagbabayad tayo every April sa ating income tax, so this is one bill para maputol natin ang vicious cycle. Itong nalalabi na nine session days, is actually the best opportunity to pass this bill.

Unang-una, ang DOH ay sumusuporta dito sa batas na ito openly. Ang DOF ay ganun din, ang Lower House ay nakapasa na although hindi yun ang gusto nating rate pero at least ay tapos na sila. Ngayon dito sa Senado, may tatlong bills na finile ang ating mga Senador--si Sen. Manny Pacquiao, ako ay nag-file rin ako ng sariling version ko, at si Sen. JV Ejercito. Kumbaga nasa final point na tayo eh at we really need to employ the support of everyone. Itong Sin Tax Coalition na puntahan at nahingian na ng suporta ang ating mga mambatas, kaya kayang-kaya pa ho with nine session days, kung mag-o-overtime pa ho ay kayang-kayang maipasa ito. Ang kailangan lang ho natin ay makausap ang ating mga paboritong Senador para mahingi ang kanilang suporta pero gagawin ko rin ang aking responsibilidad na kulitin at kalampagin ang ating mga mambabatas. Finally, alam niyo ba na ang buong mundo ay papunta na sa pagpapababa ng bilang ng mga kababayan nating naninigarilyo? The whole world is going into how to stop smoking. In fact, I read this very interesting article, sa Hawaii po ay tinaasan nila ang edad na legally ay pwede kang bumili ng sigarilyo to 100 years old. Walang biro. They filed a bill in Hawaii so mayroon silang proposal na pwede ka lang bumili ng sigarilyo kung 100 years old ka na. Of course, hindi papasa yan but it is a statement that in Hawaii, gusto na rin ho nilang maputol itong vicious cycle kaya siguro sa susunod ay dapat mapag-aralan rin ho natin na itaas ang minimum age ng [pwedeng] bumili ng sigarilyo rito sa ating bansa at kasama ho ninyo ako sa pag-aaral na iyun sa pagtataas ho ng edad ng pwedeng bumili ng sigarilyo sa ating bansa.

Q&A portion

Q: Clash between the Senate and House in terms of the tax increase?

SEN WIN: We have to anticipate na magkakaroon ng mainit na debate yan dahil ang layo no, 30 plus versus 60, 70 & 90 but pag nakita naman ng ating mambabatas yung wisdom kung bakit mataas ang gusto ng Senado, tingin ko ay magkakaroon ng consensus or meeting of the minds. So parte yan ng proseso at dahil may suporta tayo ng Department of Health (DOH) at Department of Finance (DOF), ang importante din dito ay ang suporta ng Executive Branch dahil at the end pwede nila i-veto ang batas. So kung for example pumasa sa mababa tapos ayaw ng Executive Branch, pwede nila i-veto, so malaki ang boses ng Executive Branch pagdating dito sa debate at paghahanap ng pinaka optimum na presyo.

Q: Biggest obstacle in passing the tax increase?

SEN WIN: Ang nakikita naming biggest obstacle would be the period of interpellation, hopefully the Senators, onti na lang yung mga tanong nila, the next step diyan yung period of amendments, hopefully yung Senators natin onti lang ang ia-amend, personally, ako meron ako i-aamend, noong sa hearing meron akong narining na baka tumaas yung smuggling naman kung taasan natin ng sobra sobra itong 'sin tax', ang ating proposal, yung malilikom natin na pondo sa dagdag na sin tax eh pupunta rin sa paglaban ng smuggling. Sabi kasi ng Customs kailangan nila ng tao, equipment, kailangan nila ng pondo since malaki yung malilikom nila dito, ang estimate namin, kung 70 pesos ang 'sin tax', close to about 50 to 60 billion and pwede madagdag in new revenue. So pwede natin gamitin yung pondo na iyon para labanan ang smuggling. So ito yung mga amendments na iniisip natin, kung yung dalawang ito ay masho-shorten, tingin ko in a matter of two weeks, mag clo-close na rin yung second reading since ito ay certified na as urgent, in matter of two weeks, pwede na rin ito mag third reading tapos bicam pagbalik namin next week, so ganun po yung takbo. So kayang-kaya ito in three weeks pero we have to make sure na yung debate and amendments ay maiksi na lang.

Q: [inaudible]

SEN WIN: Mas mabigat ang pressure sa health advocates, ito [sin tax] yung pinaka maganda sa bansa natin at kung ano yung pinaka maganda sa bansa natin, dapat yun yung mas mabigat na pressure. Ako ay re-electionist in 2022, gusto ko pag labas ko, pag kampanya, hindi na ko makakakita ng batang naninigarilyo, yun ang gusto natin ma-achieve, na matigil yung mga batang manigarilyo.

Dr. LEACHON: Health impact ng bawat bill, doon ho sa current ho, doon sa TRAIN, kung yun po ang matupad po, 562,000 more smokers ho, kapag naman po inaprubahan ang HB 77 ang madadagdag na naninigarilyo ay 413,000. Kapag naman ho yung naaprubahan po eh yung kay Senator Manny Pacquiao mababawasan po yung maninigarilyo ng 847,000 less smokers, kapag po yung kay Senator Win Gatchalian na 70 pesos ang mababawasan po ang naninigarilyo ng 1.3 million less smokers, at kung yung Senator Jv naman po ang ma-approve ay 1.9 Million or 2 Million less smokers po. So therefore po, doon sa financial aspect atsaka sa health impact, the higher the tax the better for the Filipinos.

Q: What specific argument should be raised in order to really convince your colleagues to support this bill?

SEN WIN: Sa akin, in my point of view, yung pinaka malaking dahilan ay ang laki ng ginagastos ng pamahalaan sa pagpapagamot ng mga nagkakasakit dahil sa sigarilyo. About 210 billion from the research of Dr. Dans. Ang nakokolekta natin is only close to 100 billion in sin taxes so in other words more than 100 billion ang ginagastos natin in excess para lang pagamot yung mga nagkakarooon ng lung cancer at iba pang sakit. So, from a governance standpoint, tinataasan natin yung taxes natin sa ibang bagay para magpagamot ang isang sakit na pwedeng nating maiwasan. So my argument is really from a governance standpoint and I think dapat slowly mapababa yung naninigarilyo para hindi tayo gastos ng gastos at para hindi paikot-ikot lang yung ating pinang gagastusan dahil lumalaki rin yung gumagamit ng sigarilyo. So, we have to break the vicious cycle at itong mga proposal na ito, whether 60,70 or 90 ang aim nila maputol itong vicious cycle.

Q: In reality, politically speaking, many lawmakers each time nagpapasa or nagiging sponsor ng tax?

SEN WIN: In this case, we also need to take care of our tobacco farmers and meron tayong close to about 31,000 tobacco farmers at we will also make sure, ngayon in our Sintax, 15% goes to our tobacco farmers. Actually we can increase that pa para mag transition sila from tobacco to high value crops so para sakin titignan natin itong tobacco farmers natin para siguraduhin natin na tuloy-tuloy yung kanilang kabuhayan. Dahil malaki naman yung malilikom natin na pondo dito, pwede pa natin madagdagan yung supporta na mabibigay sa ating mga farmers.

Q: Approved bill ng House, 2.50 increase until 2022 at by that time saka lang mag i-increase nito, hindi po ba mabagal?

SEN WIN: Yun ang tinging ng health advocates and kami rin sa Senado na masyadong mababa at magbagal. So kami dito sa Senado, mas gusto namin mas mataas yung Sintax and mas mataas pa yung year after. All of us agree na meron pang 9% escalation, so in other words ang Senado tingin namin ay kaya pa taasan. Kaya maglalaro na lang yan sa Senado between 60-90 [pesos].

Q: Pag sinabing taasan abrupt po ba?

SEN WIN: In our case, abrupt no, from a 35-peso level to about 60-peso level, data will back-up na kapag tinaasan mo yan, hindi baba yung kolekta ng gobyerno at ang maganda dito, baba naman yung bilang ng maninigarilyo.

Q: How easy or difficult is it going to be to pass this measure given that we only have nine [session] days left?

SEN WIN: ang critical diyan yung period of interpellation, ito yung debate at yung period of amendments, ito yung mag pro-propose kasi ng amendments sa batas, ito yung pinaka critical. Looking at the time table, dapat by next week ma-approve na yan on third reading para pag weekend pwede tayo mag bicam, pagdating natin sa following week pwede natin i-ratify and of course pag yan ay na ratify na, pwede natin i-transmit sa Executive Branch, so kaya naman, dapat lang maiksihan yung period of interpellation and amendments.

Q: As of now, it's still in the committee level?

SEN WIN: Yes, correct so hopefully if Senator Angara can sponsor it within the day, or even tomorrow, latest is tomorrow, kaya pa yan.

Q: Do you think higher ngayon yung chances of passing this bill considering na tapos na yung election?

SEN WIN: Yes, definitely kasi nagsanib na yung lahat ng nagtutulak ng batas na ito DOH, DOF, Health Advocates, Civil Society and even the Senate aside from the three Senators na nag-file ng kanya-kanyang versions, Senator Honitveros is also pushing for this measure, marami po ang sumusuporta dito sa sin tax.

Q: How many Senators have committed to support this bill?

SEN WIN: I think openly, we have four, aside from the three authors, si Senator Hontiveros signified her support so meron tayong four Senators na sumusuporta sa panukala na ito.

News Latest News Feed