Press Release
September 1, 2021

Dispatch from Crame No. 1,139:
Sen. Leila M. de Lima's Solidarity Statement for Riders

9/1/21

Sa mga mahal ko pong riders:

Nais ko pong ipahatid ang mainit kong pakikisali, solido kong suporta at pangakong isulong ang mga panukalang batas na nagpapatibay sa karapatan at kapakanan ninyo, at mga programang magpapadaloy ng ginhawa sa mga manggagawa natin sa gig economy.

Ako mismo at ang aking opisina ang isa sa mga napagsisilbihan at natutulungan ninyo at lubos po ang aming pasasalamat sa inyong malaking ambag sa amin at ating bayan lalo na ngayong pandemya.

No worker should be left behind in the government's mandate of inclusive protection for them. Nasa formal or informal sector ka man, garantisado dapat ang alaga at proteksyon ng pamahalaan.

Asahan nyo pong magkasama natin itutulak ang mga polisiyang tulad ng pagtatag ng Philippine Road Safety Institute, pangunguwestyon sa mga probisyon sa implementasyon ng Motorcycle Crime Prevention Act na nagpapabigat lamang sa inyong mga pakikibaka sa lansangan, at pagsasabatas ng pagkilala sa motor taxi at iba pang polisiya na siyang magpapalalim sa karapatan, kapakanan, kaligtasan at pangangalaga sa kalikasan.

Kasama ninyo ako sa laban. Kasama pa rin upang itaguyod ang inyong mga karapatan at bigyang boses ang inyong mga hinaing. Kasama niyo pa rin akong sasaludo sa mga bayani ng lansangan.

Muli maraming salamat sa pakikibaka sa daanan upang magbigay serbisyo sa taumbayan. Sama-sama tayong lalaban para sa ginhawa sa kalsada, larga na!

Mabuhay po kayong lahat! ###

(Access the handwritten version, here: https://issuu.com/senatorleilam.delima/docs/dispatchno1139)

News Latest News Feed