Press Release
September 7, 2021

PTV Laging Handa Interview kay Senator Win Gatchalian kasama si Usec. Rocky Ignacio ukol sa pandemic funds, national budget for 2022, health workers' SRA, education budget, pilot face-to-face classes, financial aid sa teachers at non-teaching personnel at elections 2022

ON THE SENATE INVESTIGATION ON PANDEMIC FUNDS

Q: Senator, unahin po natin itong ongoing investigation sa Senado sa sinasabi nga pong umano'y mishandling ng pandemic funds natin, ano pong take niyo sa usaping ito at sa palagay niyo po ba mahaba-habang usapan pa ito?

SEN. WIN: Rocky, nakita natin na itong mga huling araw ay patuloy ang pagtaas ng positive cases. Yesterday, nag-record breaking na naman tayo. So sa mga ganitong sitwasyon, isa sa mga bagay na pwede nating ibigay sa ating mga kababayan para makita nila na gumagana at gumagalaw ang ating gobyerno ay ang tama at wastong paggamit ng pondo at nakita natin na may mga inconsistencies at masasabi ko na mga bagay na dapat nating tignan dito sa paggamit ng pondo. Isa na dito ang pagbibigay ng kontrata sa mga korporasyon na walang track record, ang iba walang opisina, yung iba ay construction company. Kataka-taka na may mga ganito. Like for example, nabigyan ng kontrata na mag-supply ng health items o kagamitang pangkalusugan ang isang construction company na kataka-taka na isang construction company ang nabibigyan ng ganito. 'Yung Pharmally Corporation naman na bago lang September of last year lang na-corporate ay nabigyan ng P8 billion na kontrata na nung pinuntahan po ng Senado ang opisina, wala naman pong opisina, walang tao. So kataka-taka na may mga ganitong korporasyon na nanalo kaya dapat matignan at malaman ang katotohanan para di po mawala ang kumpyansa ng ating mga kababayan sa paggamit po ng pondo laban sa COVID.

Q: Senator pero pabor po ba kayo na dalhin na sa Committee of the Whole ang investigation para lahat ay makibahagi sa usapin o naniniwala kayo na dapat pong manatili na lang ito sa Blue Ribbon Committee?

SEN. WIN: Actually, Rocky, ang Blue Ribbon Committee in effect, parang Committee of the Whole na. Dalawang members lang ang hindi kasama sa Blue Ribbon Committee. Halos lahat kasama na po, so in effect para na siyang Committee of the Whole. But regardless whether Committee of the Whole o Blue Ribbon, ang importante po ay malalaman natin ang katotohanan. Makikita natin ang butas o loopholes at maayos natin ang sistema. isa sa mga bagay din na nakita kong dapat tignan at tingin ko nga ay buwagin na itong pagpasok po ng mga pondo sa PITC at sa DBM-PS, yung procurement service. Ang nangyari kasi nagiging masamang habit, nagiging masamang ugali na ng mga ahensya kapag hindi nila nagastos ang pondo, ipinapasa dito sa PITC at sa DBM-PS para hindi sila masabihan na low utilization o hindi ginagamit ang pondo at hindi ibigay ang pondo sa kanila so ang ginagawa nila para sa libro nila malinis at nagagamit ang pondo, ipinapasa nila sa ibang ahensya. Pagdating naman sa PITC at sa DBM-PS, hindi naman nila nagagastos o nagagamit ang pondo. Kahapon lang nakita ko sa internet na yung pondong ibinigay ng BFP sa PITC, 2015 pa hanggang ngayon hindi ho nagagastos. Sayang marami tayong munisipalidad na walang fire truck, fire station, yung pera nakatengga lang sa PITC so itong dalawang ahensyang ito tingin ko dapat mabuwag na dahil nagiging bad habit na ipinapasa po ang pondo sa kanilang tanggapan.

ON SEN. GORDON AS PRC CHAIRMAN

Q: Senator, ano daw po ang masasabi ninyo na may panawagan for Senator Gordon to step down from his post as PRC chairman?

SEN. WIN: Si Sen. Gordon, full disclosure lang, Board of Governors din po ako ng Red Cross. Kami po ay duly elected, hindi kami in-appoint ng sinuman. Tayo po hinalal ng mga members ng Red Cross. Ang sistema po ng Red Cross every two years nagkakaroon ng halalan at yung mga members, sila ang naghahalal kung sino ang gusto nilang maging Board of Trustees at ang mga Board of Trustees naman sila ang humahalal sa magiging Chairman at iba pang officers. So in other words, hindi po tayo appointed officer kundi hinalal tayo ng mga miyembro. Hindi ko ho nakikita na dapat siyang mag-step down personally dahil unang-una nung tumama ang COVID at wala tayong testing capacity ang Red Cross ang unang-unang nagtayo ng testing capacity sa ating bansa. Ito nasabi ko na last year pa sa maraming interview na doon sa nung pumalo po ang COVID 19 at rumaragasa po ang COVID 19 last year, almost 90 percent ng capacity natin, nasa Red Cross. I have to give credit to where credit is due, si Chairman Gordon po ang nanguna. In fact to be honest about it, nung una nagkaroon din ako ng duda kung kakayanin niya dahil bago ito. Sinubukan namin sa Valenzuela, hindi namin alam ang bibilhing makina. Sinubukan namin sa Velenzuela, yung expertise ang hirap kumuha kahit na may pera ka hindi mo alam paano ise-setup dahil ang mga pathologists, hindi trained. Pero nagawa ng Red Cross, nagawa ni Chairman Gordon sa kanyang pangunguna. So we have to give credit where credit is due. Last year, nung kailangan natin ng testing capacity ang Red Cross po ang nanguna sa pagtatayo ng testing capacity.

ON HEALTHWORKERS SPECIAL RISK ALLOWANCE

Q: Senator, regardless po kung saan makakarating ang usapan, ang mahalaga maibigay din ang karampatang benepisyo sa ating healthcare workers, do you agree na lahat na ng healthcare workers ang mabigyan ng SRA at hindi lamang po ang may direct care sa mga COVID patients, may balak ba kayong gawin sa Senado para maitama ito?

SEN. WIN: Oo, Usec. ako pabor ako dyan. Pabor ako na ibigay sa lahat ng healthcare workers yung Special Risk Allowance. Unang-una ang hirap himayin. Yung mga pangalan manggagaling sa mga private hospitals yan at kung magbibigay sila let's say 200 names, ibe-verify mo pa kung sino ang direct sino ang hindi direct. Pangalawa, ano ang definition ng direct at hindi direct, kung ikaw ba ay humawak ng pasyente ng 10 minutes, direct na ba yun o hindi. Maraming kumplikasyon talaga kung hihimayin pa natin. Yung validation process alone will take time kaya mas pabor ako na bigyan na lahat, basta i-certify ng hospital at ang hospital ang pipirma, ibig sabihin pangalan niya ang nakataya. Ibigay na natin. Ngayon kung meron doon mga ghost kasi nangyayari yan, minsan ilalagay ang kamag-anak, ilalagay kung sinu-sino dapat kasuhan ang ospital na yan, whether private or public. Ibig sabihin kung ikaw ay magbibigay ng pangalan, honesty system pero kung ikaw ay nagsinungaling, face the consequences. Kakasuhan ka at pwede ka matanggalan ng lisensya.

ON EDUCATION BUDGET AND FACE-TO-FACE CLASSES

Q: Senator, ito naman pong Edukasyon ang may pinakamalaking alokasyon sa 2022 budget, sa palagay niyo po ba tama lang ito Senator?

SEN. WIN: Yes, Usec., in line yan with our constitution. Nakasaad yan sa ating saligang batas na ang sektor ng edukasyon ang laging makakakuha ng pinakamataas na alokasyon pagdating sa budget. At maganda nabuksan mo itong paksang ito dahil dapat talaga magbukas na tayo ng face-to-face classes. Umpisahan natin yan sa pilot testing, mag-pilot test po tayo sa ibang mga lugar na zero COVID o low risk. Magandang senyales na bumalik na tayo sa GCQ ibig sabihin ang sitwasyon ay humuhupa o at least nakikita nila na huhupa na. At ibig sabihin nito na may mga lugar na tayo na mas mabuti pa ang sitwasyon kesa sa NCR. So ang aking panawagan na magbukas na tayo this coming school year ng ilang lugar na face-to-face. Usec, ang aking kinakatakutan isang taon pa na wala tayong pasok ang bata talaga ay uurong at uurong yan. Nasabi na ito ng mga dalubhasa, ng maraming eksperto, na noon pa mang pumalo ang COVID, yung tinatawag nating years of learning, ibig sabihin yung natututunan ng bata ay around 7 years. Kung natapos ka ng Grade 12 ang natutunan mo lang ay hanggang Grade 7 lang. Pero dahil sa pandemya, bumaba na ito hanggang Grade 5. So ibig sabihin ang mga bata kahit magtapos ka ng Grade 12 yung mga nalalaman mo ay hanggang Grade 5 lang. Ito ang tinatawag nilang learning loss kaya dapat sa lalong madaling panahon bumalik na tayo sa face-to-face, hindi na natin kaya ng isa pang taon na walang face-to-face. Maraming magulang ang hirap, maraming bata ang hirap at ang bata po ay hindi natututo.

Q: Senator, ngayon nga po ay magsisimula na ang School Year 2021-2022, may 120 schools po prinopose ng DepEd na lalahok sa pilot run ng face-to-face pero sa palagay niyo po safe na po ba ito sa kabila ng patuloy na pagdami ng COVID cases sa bansa?

SEN. WIN: Usec., bigyan natin ng konteksto ito. Yung 100 plus na ito ay sa loob ng about 50,000 schools. Meron tayong 50,000 schools more or less nationwide so kakarampot lang po ito at tinitignan ko ang istatistika, meron tayong at least 200 plus LGUs sa 1,400 LGUs na zero COVID ibig sabihin wala talagang COVID doon. Itong mga zero COVID pwede na silang magbukas ng klase at doon na tayo mag-umpisa ng face-to-face classes dahil walang COVID eh, yung mga LGUs na nasa isla, mga nasa bundok na hindi naman pinupuntahan ng tao dapat ho talaga pwede nang mag-face-to-face classes doon. Doon sa mga urban centers, katulad dito sa Metro Manila tingin ko hindi pa pwede dahil tuloy-tuloy pa ang pagdami ng virus pero doon sa mga lugar na wala namang COVID kahit isa, tingin ko papasukin na ang mga bata. Dahil ang mga bata sa probinsya naglalaro naman sa labas, hindi naman ho sila nasa loob ng bahay nila. Nasa labas din sila so payagan na natin silang pumasok at matuto sa kanilang mga teacher.

ON FINANCIAL AID TO TEACHING AND NON-TEACHING PERSONNEL

Q: Senator, isinusulong niyo po itong immediate financial aid para sa mga teaching at non-teaching staff na matatamaan po ng COVID 19, pls tell us more about this Senator?

SEN. WIN: Usec., marami tayong private schools na nagsara at dahil nga nagsara itong mga private schools marami tayong mga teachers at non-teaching staff na nawalan ng trabaho dapat po mabigyan pansin ito. Hindi po lahat ng teachers at non-teaching staff ay nakukuha po ng public schools dahil wala rin naman tayong klase so ang DepEd at DOLE ho dapat mag-combine, hanapin sila at matulungan. Kaya isa rin ho sa naging dulot nitong pagsara ng klase ay marami ring paaralan ang nagsara dahil marami po ang hindi nag-enrol, yung iba lumipat sa public school at nagsara na po ng permanente ang iba. So in other words, tulungan po natin sila dahil mga teacher po ito, yun ang kanilang pinagkakakitaan at dahil nagsara na po ang mga eskwelahan wala na po silang kita.

ON POLITICAL PLANS FOR 2022

Q: Senator Win, any update daw po with possible political tandem with Mayor Sara if meron po, any comment po sa one companion lang po ang papayagan na sumama sa isang kandidato na magfile ng COC sa Comelec at sa face-to-face campaigning with restrictions?

SEN. WIN: Tuloy ang pag-uusap namin ni Mayor Sara at nabanggit ko ito sa ibang mga interviews na ako ay nagsabi sa kanya ng aking interes na ako ay kanyang maging vice president kung siya ay tutuloy po.

News Latest News Feed