Press Release
September 17, 2021

TRANSCRIPT - Q&A OF SENATOR CHRISTOPHER "BONG" GO AND COA CHAIRMAN MIKE AGUINALDO DURING THE SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE HEARING
17 SEPTEMBER 2021

SBG: To COA Chairman Mike Aguinaldo, I have some few questions. Nakapang-anim na tayong hearing, ito pa lang po 'yung una kong pagtatanong. Chairman Aguinaldo, Sir, pakiulit lang po para sa kaalaman ng hindi nakarinig sa COA report ninyo. Sinabi n'yo bang may corruption sa DOH o sa PS-DBM? Kung ano po 'yung nasagot n'yo rin po sa mga ibang pagdinig.

MIKE AGUINALDO: Mr. Chairman magandang hapon po. 'Yung tungkol po sa DOH, naglabas po kami ng statement, I think no'ng August 13 'no, saying na wala naman po sa findings that there was any money lost to corruption. Wala pong sinasabing gano'n 'yung report.

As noted, 'yung sinabi do'n sa report is, among others is that, there were deficiencies doon sa P67 billion in terms of documentation, in terms of 'yung fund transfers and the like.

'Yung sa PS-DBM po naman, 'yung Annual Audit Report did not make any mention of overpricing. Ang main findings po doon sa Annual Audit Report had to do with the inventory management. 'Yun po ang nakalagay doon sa mga report na po na 'yon. These are reports as of December 30, 2020 kasi ang coverage po ng mga reports na 'yan are January to December, 'yung Fiscal Year po ng 2020. And these reports came out at around June, July of this year po.

SBG: Sa process po, Mr. Chairman Aguinaldo, paano natin malalaman kung may anomalya o korapsyon?

MIKE AGUINALDO: Kung hindi po nabanggit 'yon sa report, kung wala namang sinasabi do'n na nakitang gano'n, ang next step po niyan will be, kasi ang audit process po on-going po 'yan eh. Hindi naman natatapos 'yan paglabas ng report. Tuluy-tuloy pa rin 'yan. So kung may makita sila, ilalabas po 'yan. Pero doon sa mga nakasaad sa report, kung may makita ang, may makakita ng tingin nilang pwedeng imbestigahan, whether the Senate o Ombudsman, or ano pwede po naman. In fact, ang pagkaalam ko, pinag-aaralan na po ito na Ombudsman and, I think, pati ang PACC ang pagkakaalam ko, pinag-aaralan na po nila. Siguro maganda sigurong banggitin na ang mandato po ng Commission on Audit ay hindi naman to probe corruption. Ang mandato po namin is primarily to examine, audit, and settle accounts. So, 'yun po. Kung may makita po kaming corruption, ire-refer po namin 'yan sa proper body. Normally po, sa Ombudsman namin nire-refer 'yun, kung may makita 'yung mga auditor namin na indication of fraud or corruption, ire-refer po 'yan.

SBG: Nakapagpaliwanag na ba at nakasagot na ba sa inyo ang DOH at iba pang mga ahensya? Hanggang kailan sila pwedeng sumagot? Sabi po, 60 days. Paano po sila maki-clear na katulad ni Sec. Duque, tinanong po siya ng Pangulo, kailan ba maki-clear ito, kailan ba siya mapatunayan na wala naman pong irregularities dito sa naging transaction ng DOH? Ang importante po rito aksyunan n'yo na kaagad, Sir. The faster you clear these issues, the faster we can move on and focus on your mandates. Dahil kawawa po 'yung DOH. 'Yung iba diyan, gusto lang pong magtrabaho kaya lang po nagiging busy sila ngayon dahil nahusgahan na po kaagad sila na mayro'ng pagkukulang sa kanilang, dito, dahil dito sa COA findings nga po na sinasabi ay hindi pa po sila binibigyan ng pagkakataon na sagutin totally... If you are proven guilty of any anomaly, pasensyahan naman po tayo dahil hindi naman po pinapalampas ni Pangulong Duterte diyan. In fairness na lang po sa ating mga ahensya po, Mr. Chairman.

MIKE AGUINALDO: Yes, Mr. Chairman. 'Yung normal process talaga po is, after the audit report is transmitted to the agency, they have 60 days to comply with some of those recommendations. 'Yung 60 days po hindi naman -inaudible- date 'yon. Kasi nga minsan, may mga recommendations na hindi naman kaagad maa-accomplish eh. So, that's left really to the discretion of the auditor kung ano 'yung kailangang ma-comply within 60 days, ano 'yung hindi.

With respect to the DOH, ang pagkaalam ko, kagabi 'ata nag-submit na sila nu'ng kanilang action plan addressing some of the recommendations ng auditor. So, 'yung process po niyan, ang mag-e-evaluate po n'yan is the auditor, the audit group mismo no'ng DOH. And the resolutions on the different issues will come, you know, not all at the same time, one by one. But what's important is kung may action plan na po. Kasi po 'pag in-audit na po ang 2021 Fiscal Year ng DOH, ang unang titingnan po is compliance with prior years' recommendations o itong mga recommendations na nag-submit na po ang DOH. Ang pagkaalam ko kagabi po, nag-submit na po sila. So, ie-evaluate na po iyon.

SBG: Pakibigyang-linaw lang po, Chairman Aguinaldo, for the record, may sinabi ba ang COA na overpriced ang mga biniling medical supplies?

MIKE AGUINALDO: Doon sa report po ng PS-DBM, wala naman pong sinabi doon na, wala silang findings of overprice. Ang findings nila were limited to the management of the inventories. 'Yun po ang nakalagay doon sa report ng Annual Audit Report ng PS-DBM.

SBG: Sa pagsusuri n'yo po, na-deliver, napakinabangan na ho ba ng gobyerno, na-turnover na ho ba nang maayos ang lahat?

MIKE AGUINALDO: Base po do'n sa records, kasi ang unang titingnan diyan po ay 'yung automated record yata ng PS-DBM, 'no. Do'n muna titingnan at base doon sa review nila no'n, nagtse-check, nagta-tally naman 'yung mga figures. 'Yung tungkol naman do'n sa, kasi ang process niyan apart from automated records ng PS-DBM, I think it's called the fast system, ayan 'yung pagkasabi sa akin. Titingnan rin po kasi 'yung mga documents - meaning 'yung contracts and POs. Ngayon, at the time they made the audit, hindi po kasi lahat ng documents eh na-submit pa. Pero may update na po na mukhang halos lahat ata nag-submit na sila, so undergoing review pa 'yon.

Kaya specifically, siguro banggitin na lang natin, 'yung Pharmally, there was a request rin kasi po from a member of the House of Representatives noong Budget Hearing po namin, kung titingnan nang maigi iyon. Kasi I explained last time nu'ng tinanong ako ni, I think, it was Sen. Pangilinan who asked me about kung ino-audit rin 'yung Pharmally. Tinitingnan rin po 'yan because as I mentioned, ang unang tinitingnan nila are the records - the automated records.

Kung nagma-match naman, ok 'yon walang problema. But then, they will now look at the documents - 'yung contracts, 'pag sinubmit na. And, like I mentioned, at the time of the report, hindi pa kasi nasasagot lahat. So ngayon, tinitingnan po 'yan, that's now what they are looking at based on, itong mga some of these things that are coming out dito sa ano.

In the ordinary process of audit kasi, hindi sila papasok ng gano'n kalalim - na titingnan nila 'yung qualifications of Pharmally and the like. Hindi, hindi po nila tinitingnan 'yon unless there's a red flag na makita nila na "uy, parang may suspicion sila". So they might go further. Pero, like I mentioned, hindi po kasi lahat ng contracts, ano. But, as of the audit report, wala pong findings on overpriced, going back to your original question Sir, Mr. Chairman.

SBG: Sir, kung... Mr. Chairman Aguinaldo, kung nagawa n'yo pong ilagay sa inyong website 'yung mga COA observations and findings, sana po'y pagkatapos noong 60 days na ibinigay ninyo, ilagay n'yo rin po iyong inyong findings kung mayro'n bang irregularities na nakita o naayos na ba, settled na ho ba. Para, in fairness, naman po sa mga ahensya na nagtatrabaho at gusto na pong makapagtrabaho. Kawawa naman po silang nahuhusgahan kaagad sila. Pero 'pag may kasalanan, may pagkukulang, kasuhan n'yo na po kaagad. Ipasa n'yo na sa Ombudsman. 'Yun naman po ang trabaho ng COA, 'yun naman po ang trabaho ng Ombudsman, 'yun naman po ang trabaho ng ating Sandiganbayan. Kaya nga po may kulungan tayo para ikulong 'yung mga dapat ikulong. Maraming salamat Chairman Aguinaldo.

To former PS-DBM Director Liong, I have one question lang po...

SEN. GORDON: Your time is up, I gave you an extra 10 minutes actually. You know, there are other people waiting right now.

News Latest News Feed