Press Release
February 5, 2022

Gatchalian: Criminals can no longer enjoy anonymity once SIM card registration becomes a law

With the impending mandatory registration of all subscriber identity module (SIM) cards taking effect this year, Senator Win Gatchalian said criminals can no longer enjoy anonymity as they can now be tracked down by law enforcers.

Gatchalian, a prime mover of the SIM card registration bill since he was still a member of the House of Representatives, said its recent ratification is also seen to build consumer trust in a fast-growing identity-linked digital services.

"This is a very timely development considering that there has been an unprecedented rise in e-commerce and digital services and this would help promote consumer and business confidence as there will now be a layer of protection against fraudsters," said Gatchalian.

"The boundless stream of supply of prepaid SIM cards has become a magnet of illicit activities. There have been countless cases of online fraudsters who use unregistered mobile numbers," he added.

Gatchalian, co-author of Senate Bill 2395 or the proposed SIM Card Registration Act, noted that the most recent incidents and still prevalent are spam text messages offering non-existing part-time or work-from-home jobs as well as fake delivery bookings victimizing even notable personalities.

"Para sa marami nating kababayan na ang ikinabubuhay ay sa pamamagitan ng digital na transaksyon, malaking bagay na maisasalba sila sa tiyak na kapahamakan," he said.

Also under the bill, online lending schemes that employ abusive and unfair debt collection practices can no longer engage in such nefarious acts as the public telecommunications entity (PTE) will be required to provide information upon order of a competent authority if a specific mobile number or social media account is being used to commit libel, anonymous online defamation, hate speech, and the like.

In hearing the bill in the Senate last year, the Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group said that in 2020 alone, they have recorded 6,110 cybercrime offenses and the top five crimes related to prepaid SIM card were online scams, online libel, computer-related identity theft or phishing, violation of Anti-Pornography and Voyeurism Act, and grave threat.

"If we want to curb these unlawful activities, it is imperative to regulate the sale and distribution of these SIM cards by establishing a registry or database of validated information of its authorized owner," Gatchalian said.


Mga nagtatagong kriminal hindi na uubra kapag batas na ang SIM card registration - Gatchalian

Sa napipintong pagiging batas ng pagpaparehistro ng subscriber identity module (SIM) cards ngayong taon, sinabi ni Senador Win Gatchalian na hindi na uubra ang pagtatago ng mga kriminal dahil maaari na silang matunton ng mga alagad ng batas.

Ani Gatchalian, ang pangunahing nagsusulong ng SIM card registration bill mula pa noong nasa Mababang Kapulungan pa siya, ang ratipikasyon kamakailan lamang ng naturang panukalang batas ay maaaring magbunsod ng tiwala ng mga konsyumer at kumpiyansa ng mga negosyante sa gitna ng lumalawak na identity-linked digital services.

"Malapit nang maging batas ang SIM card registration at napapanahon lamang ito kasunod ng lumalagong e-commerce at digital services. Makakatulong na ito sa pagsulong ng kumpiyansa ng mga konsyumer, magkakaroon pa ng karagdagang proteksyon laban sa mga kawatan," sabi ni Gatchalian, isa sa may-akda ng Senate Bill 2395 o ang panukalang SIM Card Registration Act.

"Ang laganap na suplay ng prepaid SIM cards ay umaakit sa mga nais na makapanloko o magsagawa ng mga iligal na gawain. Hindi na mabilang ang mga kaso ng mga panloloko sa online platform ng mga taong gumagamit ng hindi rehistradong SIM," dagdag pa nya.

Sinabi ni Gatchalian na laganap pa rin ang mga spam text message na nag-aalok ng mga pekeng part-time o work-from-home na mga trabaho pati na rin ang mga pekeng delivery bookings na nakakapambiktima rin maski na ng mga kilalang personalidad.

"Para sa marami nating kababayan na ang ikinabubuhay ay sa pamamagitan ng digital na transaksyon, malaking bagay na maisasalba sila sa tiyak na kapahamakan," sabi pa ng senador.

Sa ilalim din ng panukalang batas, ang mga online lending scheme na gumagamit ng mapang-abuso at hindi tamang paraan ng pagkolekta ng utang ay matitigil na dahil ang public telecommunications entity (PTE) ay inaatasan nang magbigay ng impormasyon sa pagkakakilanlan ng mga kawatan kung ipag-uutos ng mga awtoridad at kung mapatunayan na kinakasangkapan ang mobile number o social media account para makapanira o makapagsagawa ng anonymous online defamation, hate speech, at iba pang kahalintulad na mga aktibidad.

Sa pagdinig ng Senado sa panukalang batas noong nakaraang taon, sinabi ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group na noong 2020, umabot sa 6,110 ang mga naitala nilang cybercrime offenses at lima sa pinakamataas na krimeng naisagawa gamit ang prepaid SIM card ay may kinalaman sa online scams, online libel, computer-related identity theft o phishing, paglabag sa Anti-Pornography and Voyeurism Act, at pagbabanta.

"Kung gusto nating pigilan ang mga ganitong paglabag sa batas, kinakailangang i-regulate ang pagbebenta at pamamahagi ng mga SIM card sa pamamagitan ng pagtatatag ng registry o database ng validated na impormasyon ng awtorisadong may-ari nito," sabi ni Gatchalian.

News Latest News Feed