Press Release
August 16, 2022

Gatchalian urges government to promote inclusive growth, social protection to reduce poverty

With poverty incidence in the country reaching almost 20 million in 2021 from more than 17 million in 2018, Senator Win Gatchalian urged the national government to promote inclusive growth and social protection to lift Filipinos out of poverty.

"One of the most efficient ways to address poverty is to advance inclusive growth and productivity leading to more sustainable poverty reduction," said Gatchalian emphasizing that the government should provide more job opportunities to Filipinos left jobless by lockdowns and strict quarantine regulations at the height of the COVID-19 pandemic.

Gatchalian said micro, small, and medium enterprises (MSMEs) promote inclusive growth by providing employment opportunities for our kababayans and possibilities for budding entrepreneurs. The senator's bill called One Town, One Product (OTOP) Philippines Act will help MSMEs recover from the impact of the coronavirus pandemic. The proposed measure seeks to institutionalize a promotional program for Philippine products that are mainly developed by small businesses using materials from their hometown. This will spur economic growth and at the same time increase the purchasing power of consumers, according to Gatchalian.

The Community-Based Monitoring System (CBMS) Law is also another tool to provide policymakers and program implementers to have a comprehensive picture of the different dimensions of poverty and identify and implement appropriate interventions, the senator added. The data gathered thru CBMS can be utilized by the national government and local government units (LGUs) in implementing focused and targeted social protection programs especially to the beneficiaries of the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Gatchalian is also pushing for the Philippine Warehouse Receipts Act of 2019 which provides for the creation of an online and uniform registry system where all electronic warehouse receipts can be registered and accessed. This is expected to improve the country's agricultural productivity and food security, while improving farmers' margins in the long run.

"We need to draft legislation and institute reforms that are directly intended for the marginalized sectors. Mahalaga sila sa komunidad dahil malaki ang kanilang naiaambag sa ekonomiya ng buong bansa sa pamamagitan ng kanilang mga kaalaman at kakayahan," he ended.


Gatchalian: Inclusive growth, social protection susi kontra kahirapan

Kasunod ng dumaming bilang ng mga mahihirap sa bansa na umabot na sa halos 20 milyon noong 2021 mula higit 17 milyon noong 2018, hinimok ni Senador Win Gatchalian ang national government na isulong ang tinatawag na inclusive growth at social protection upang maiangat ang buhay ng mga Pilipino mula sa kahirapan.

"Isa sa mga pinaka epektibong paraan upang masugpo ang kahirapan ay ang pagtatatag ng isang ekonomiya na makapagbibigay ng mas maraming trabaho at makapagpapataas ng productivity," sabi ni Gatchalian habang binigyaang diin na kailangang lumikha ang gobyerno ng maraming trabaho sa mga Pilipinong nawalan ng kita lalo na noong kasagsagan ng mataas na kaso ng COVID-19 sa bansa dahil sa mga lockdown at quarantine regulations.

Ani Gatchalian ang mga maliliit na negosyo o ang tinatawag na micro, small, and medium enterprises (MSMEs) ay nagsusulong ng inclusive growth sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho at maraming oportunidad para sa mga umuusbong o nagsisimulang magnegosyo. Ang panukalang batas ng senador na "One Town, One Product (OTOP) Philippines Act" ay naglalayong tumulong sa mga MSMEs na makabangon mula sa dagok ng pandemya. Ang naturang panukalang batas ay nagsusulong ng mga promotional program para sa mga sarili nating produkto na binuo ng MSMEs. Ito ang magpapaikot sa ating ekonomiya, ani Gatchalian, sa pamamagitan ng pagbibigay ng kapangyarihan sa mga konsyumer na gumasta at magpaikot ng pera sa lokal na ekonomiya.

Ayon sa senador ang isa pang paraan upang makapagpatupad ng angkop na intervention o tulong sa mga mahihirap nating kababayan ay sa pamamagitan ng batas na Community-Based Monitoring System o CBMS. Ang mga datos na makukuha sa monitoring system na ito ang magiging batayan ng national government at local government units o LGUs kung natutulungan nang maigi ang mga nangangailangang Pilipino lalo na ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Isinusulong din ni Gatchalian ang Philippine Warehouse Receipts Act of 2019 na naglalayong lumikha ng isang online at uniform registry system kung saan ang lahat ng electronic warehouse receipts ay pwedeng mairehistro at makuha. Dahil dito, inaasahang magiging maayos ang agricultural productivity at matutupad na ang food security sa bansa habang nakakapagbigay ng maayos na kita para sa mga magsasaka.

"Ang kailangan nating gawin ngayon ay gumawa ng mga batas at magpatupad ng mga reporma na direktang tutulong sa hanay ng marginalized sectors. Mahalaga sila sa komunidad dahil malaki ang kanilang naiaambag sa ekonomiya ng buong bansa sa pamamagitan ng kanilang mga kaalaman at kakayahan," pagtatapos ni Gatchalian.

News Latest News Feed