Press Release
April 22, 2024

Alan and Pia help 500 fisherfolk, solo parents in CDO

"May pambayad na ako ng kuryente!"

Alexa Mae Sagun was excited as she and 500 other residents of Cagayan de Oro City received livelihood assistance and support for their daily needs from Senators Alan Peter and Pia Cayetano on Saturday, April 20, 2024.

"Nag-aalaga po ako full-time ng four years old kong baby. Y'ung asawa ko, tuwing weekend lang umuuwi mula sa bukid. Ako naman minsan may eyelash extension na sideline, pero hindi malaki ang income dahil wala masyadong client," Sagun said during the AICS distribution held at Nazareth Gym in Barangay Nazareth.

Those who joined her in receiving assistance come from the sectors of fisherfolk, solo parents, tailors and seamstress, and owners of micro-, small, and medium enterprises (MSMEs).

The activity was done in partnership with the Department of Social Welfare and Development (DSWD) through their Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program.

"Masaya po ako kasi maraming kaming natulungan nila Senator Alan Peter at Pia Cayetano. Ang laki na po itong tulong sa amin. Nagpapasalamat po ako dahil may pambayad na kami ng electric bills. Thank you po and God bless!" Sagun said.

For his part, working student Junril Lerongan said he will use the assistance to pay his graduation fees.

"Para sa akin na estudyante, napakalaking tulong nito po para idagdag sa graduation fee ko. Maraming salamat po na may AICS at isa ako sa natulungan ng programa," Lerongan said.

Joyce Rose Lazarte, a seamstress, thanked the senators and CDO leaders for including her as one of the AICS beneficiaries.

"Maraming salamat po sa tulong n'yo po na nasali ako sa programang ito. Malaking tulong po ito sa iba pang kasama ko. Maraming salamat po!" Lazarte said.

The successful AICS distribution in CDO was done in coordination and with the support of CDO City 2nd District Representative Rufus Rodriguez and CDO City Vice Mayor Jocelyn "Bebot" Rodriguez.

Due to the great need to reach out to our kababayan nationwide, the offices of Senators Alan Peter and Pia Cayetano continue to go around the provinces to touch base with the communities, to help meet their daily needs, and to provide other forms of assistance.


Alan at Pia, tumulong sa 500 mangingisda, solo parents sa CDO

"May pambayad na ako ng kuryente!"

Ito ang sinabi ni Alexa Mae Sagun na isa sa 500 residente ng Cagayan de Oro City na nakatanggap ng tulong pangkabuhayan at suporta para sa pang araw-araw na pangangailangan mula kina Senador Alan Peter at Pia Cayetano noong Sabado, April 20, 2024.

"Nag aalaga po ako full-time ng four years old kong baby. Y'ung asawa ko, tuwing weekend lang umuuwi mula sa bukid. Ako naman minsan may eyelash extension na sideline, pero hindi malaki ang kita dahil wala masyadong client," ani ni Sagun habang ginaganap ang AICS distribution sa Nazareth Gym sa Barangay Nazareth.

Kabilang sa mga nakasama niyang nakatanggap ng tulong ay mula sa sektor ng mangingisda, solo parents, mga mananahi, at mga miyembro ng Micro-, Small, and Medium Enterprises (MSMEs).

Ito ay ginawa sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng kanilang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program.

Kwento ni Sagun na kada linggo lamang umuwi ang kanyang asawa mula sa trabaho. Ito ang dahilan kaya dumidiskarte siya sa buhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng ibang side line.

"Masaya po ako kasi maraming kaming natulungan nila Senator Alan Peter at Pia Cayetano. Ang laki na po itong tulong sa amin. Nagpapasalamat po ako dahil may pambayad na kami ng electric bill. Salamat po at God bless!" masaya niyang dinagdag.

Nagpasalamat din si Joyce Rose Lazarte, isang mananahi, sa magkapatid na senador at mga pinuno ng CDO sa pagsama sa kanya bilang isa sa mga nakatanggap ng tulong mula sa AICS program.

"Maraming salamat po sa tulong n'yo po nasali ako sa programang ito. Malaking tulong po ito sa iba pang kasama ko. Maraming salamat po!" wika ni Lazarte, na naghahanapbuhay sa pananahi ng mga uniporme at gown.

Para kay Junril Lerongan, isang working student, gagamitin niya ang tulong na ito para bayaran ang kanyang graduation fees.

"Para sa akin na estudyante, napakalaking tulong nito para idagdag sa graduation fee ko. Maraming salamat po na may AICS at isa ako sa natulungan ng programa," sabi ni Lerongan.

Ang matagumpay na pamamahagi ng AICS sa CDO ay isinagawa sa koordinasyon at sa suporta nina CDO City 2nd District Representative Rufus Rodriguez at CDO City Vice Mayor Jocelyn "Bebot" Rodriguez.

Dahil sa malaking pangangailangan na mag-abot ng tulong sa ating mga kababayan, patuloy na nag-iikot sa mga probinsya ang mga tanggapan nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano upang makipag-ugnayan sa mga komunidad at magbigay ng iba't ibang uri ng tulong, lalo na para sa kanilang pang-araw araw na pangangailangan.

News Latest News Feed