Press Release
April 26, 2024

Gatchalian files resolution to look into reports of foreign students in Cagayan paying for degrees

Senator Win Gatchalian has filed a resolution seeking an inquiry into reports of foreign students in Cagayan allegedly paying up to P2 million for degrees.

In filing Proposed Senate Resolution No. 1007, Gatchalian aims to determine the veracity of the allegations, which University of the Philippines professor Chester Cabalza revealed. Cabalza, the founding president of the think tank International Development and Security Cooperation, also reported that some of these students do not attend their classes.

Gatchalian earlier urged the Commission on Higher Education (CHED) to investigate such reports. For its part, the Commission implored Cabalza to formalize a complaint before initiating an investigation as CHED has not received any complaints of violation committed by any higher education institution in Cagayan.

The senator also reiterated his stand that while he strongly supports internationalization, he opposes the proliferation of practices that will tarnish the reputation of Philippine higher education institutions (HEIs), and brand them as diploma mills.

"Bagama't hinihikayat natin ang mga mag-aaral mula sa ibang bansa na mag-aral sa ating mga kolehiyo at pamantasan, hindi natin dapat palagpasin ang pagbebenta ng mga degree o diploma na dapat pinagpapaguran," said Gatchalian.

"Kailangang managot kung sinuman ang mapapatunayang sangkot sa pagbebenta ng mga diploma. Hindi ito ang isinusulong nating dekalidad na edukasyon sa bansa," Gatchalian added.

Rules on the entry and stay of foreign students in the Philippines are governed by Executive Order No. 285, s. 2000 and its Implementing Rules and Regulations, and Joint Memorandum Order No. 01, s. 2017 of the Inter-Agency Committee on Foreign Students.


Bayaran umano para sa mga degree sa Cagayan pormal nang pinaiimbestigahan ni Gatchalian

Pormal nang inihain ni Gatchalian ang kanyang resolusyon upang siyasatin ng Senado ang mga ulat na nagbabayad umano ng hanggang P2 milyon ang mga dayuhang mag-aaral sa Cagayan para makakuha ng mga degree.

Sa paghahain niya ng Proposed Senate Resolution No. 1007, nais suriin ni Gatchalian ang katotohanan ukol sa mga ulat na unang ibinahagi ni University of the Philippines professor Chester Cabalza. Ayon kay Cabalza na founding president ng think tank na International Development and Security Cooperation, hindi rin daw pumapasok sa kanilang mga klase ang ilan sa mga mag-aaral na sinasabing nagbabayad para makakuha ng diploma.

Una nang hinimok ni Gatchalian ang Commission on Higher Education (CHED) na imbestigahan ang mga ulat. Nanawagan naman ang Komisyon kay Cabalza na pormal na maghain ng reklamo bago simulan ng CHED ang kanilang imbestigasyon. Hindi pa kasi nakatanggap ang Komisyon ng pormal na reklamo laban sa mga kolehiyo o pamantasan sa Cagayan.

Iginiit din ng senador na bagama't suportado niya ang internationalization, tinututulan niya ang anumang mga gawaing makakasira sa reputasyon ng mga kolehiyo at pamantasan sa bansa, lalo na kung makikilala ang mga ito bilang mga diploma mill.

"Bagama't hinihikayat natin ang mga mag-aaral mula sa ibang bansa na mag-aral sa ating mga kolehiyo at pamantasan, hindi natin dapat palagpasin ang pagbebenta ng mga degree o diploma na dapat pinagpapaguran," ani Gatchalian.

"Kailangang managot kung sinuman ang mapapatunayang sangkot sa pagbebenta ng mga diploma. Hindi ito ang isinusulong nating dekalidad na edukasyon sa bansa," dagdag na pahayag ng senador.

Nakabatay sa Executive Order No. 285, s. 2000 at sa Implementing Rules and Regulations nito, pati na rin sa Joint Memorandum Order No. 01, s. 2017 at sa Inter-Agency Committee on Foreign Students ang mga pamantayan sa pagpasok at pananatili ng mga dayuhang mag-aaral sa bansa.

News Latest News Feed