Press Release
April 27, 2024

Robin, 99% Sure that Past 'Abuses' in ROTC Won't be Repeated

Citing the professionalization of the Armed Forces of the Philippines and current laws penalizing hazing, Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla is 99 percent sure the past "abuses" that hounded the Reserve Officers Training Corps (ROTC) program won't happen again.

Padilla, a vocal advocate of basic citizens' military training, also reiterated that ROTC is not just about handling firearms but also about self-defense and helping in times of calamities.

"Naniniwala ako 99% kasi lagi tayo nagbibigay ng 1% sa nakasulat sa kapalaran, pero 99% ako naniniwala ang ating AFP napaka-professional, at maha-handle nang tama ang pagsasagawa kung papasa ang mandatory ROTC training. At ito kailangan natin gawin ngayon na (I am 99 percent sure that the AFP is very professional and can properly implement the mandatory ROTC law if it is passed)," he said in an interview Saturday on DWPM (Tekeradyo Serbisyo).

"Marami na tayong batas patungkol sa anti-hazing... Yan sinisigurado natin meron talagang karampatang parusa. At kahit sa PMA ngayon mahigpit ang PMA sa pagpatupad ng walang pagaabusong physical. Ganyan din sa training ng ating enlisted personnel pinagbabawal yan lalo sa kabataang papasok sa ROTC (We have had many laws against hazing. We can be sure such incidents will be penalized. Even in the Philippine Military Academy, authorities are strict against physical abuses. So our enlisted personnel know that abuses are not permitted especially on youths who take part in ROTC)," he added.

Padilla also pointed out it is not right to associate hazing and other abuses with ROTC, BCMC or military training, since hazing has also occurred in other organizations such as fraternities.

He also pointed out that in his almost two years as part of the strategic communication unit of the Philippine Army and its Civil Military Operations, he saw the AFP's professionalism. "Napaka-imposible magkaroon ng pagpaulit ng experience ng ating henerasyon (I think it is impossible that what our generation experienced will be repeated)," he said.

"Sa totoo lang ilang beses ako gumagawa ng talumpati sinasabi ko sana dumating ang panahon magkaroon ng parehong disiplina ang pulitiko ng sa militar, ang chain of command at aksyon kaagad. Kung yan ang matututunan ng ating kabataan - aksyon kaagad at grandstanding ay isantabi - maganda po at matututunan ng kabataan sa military at darating sa ROTC. Aksyon kaagad at disiplina ang kailangan natin (I have delivered speeches where I expressed hope that the discipline governing the military would be the same among political leaders - such as immediate action and following the chain of command. If our youths can learn the values of immediate action and setting aside grandstanding, they would have learned something good. Immediate action and discipline are what we need now)," he said.

Padilla, a Lieutenant Colonel in the Philippine Army, also said it is in ROTC where youths learn not just to be warriors - but to maximize their skills such as computer expertise, to help the nation. Even those with physical challenges will get opportunities to contribute, he said.

"Di kailangan gumapang o hawak ng baril. Ang kagalingan ng kabataan, pwedeng i-maximize (tulad ng) magaling sa computer, ang daming paraan. Di sinabing ROTC e puro sa pagiging mandirigma lang. Ide-develop natin ang ating mga kabataan (You don't need to crawl or be proficient with firearms. The talents of the youths can be maximized such as computer skills. We aim to develop our youth)," he said.


Robin, 99% Tiyak na Hindi Mauuulit ang Nakaraang 'Abuso' sa Mandatory ROTC

Dahil sa pagiging propesyunal ng Armed Forces of the Philippines at sa mga batas laban sa hazing, 99 porsyentong tiyak si Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla na hindi mauuulit ang mga nakaraang "pang-aabuso" sa Mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC) program, kung maging batas ito.

Iginiit ni Padilla, na sumusulong sa basic citizens' military training, na ang ROTC ay hindi lang tungkol sa paghawak ng baril kundi sa pangdepensa sa sarili at pagtulong sa oras ng sakuna.

"Naniniwala ako 99% kasi lagi tayo nagbibigay ng 1% sa nakasulat sa kapalaran, pero 99% ako naniniwala ang ating AFP napaka-professional, at maha-handle nang tama ang pagsasagawa kung papasa ang mandatory ROTC training. At ito kailangan natin gawin ngayon na," aniya sa panayam sa DWPM (Tekeradyo Serbisyo).

"Marami na tayong batas patungkol sa anti-hazing... Yan sinisigurado natin meron talagang karampatang parusa. At kahit sa PMA ngayon mahigpit ang PMA sa pagpatupad ng walang pagaabusong physical. Ganyan din sa training ng ating enlisted personnel pinagbabawal yan lalo sa kabataang papasok sa ROTC," dagdag niya.

Ani Padilla, hindi tama na agad iugnay ang "hazing" at pang-aabuso sa ROTC, BCMC o military training dahil nangyari rin ito sa ibang organisasyon tulad ng ilang fraternity.

Iginiit din niya na sa halos dalawang taon niya bilang bahagi ng strategic communication ng Philippine Army at ang Civil Military Operations nito, nakita niya ang pagka-professional ng AFP kaya "napaka-imposible magkaroon ng pagpaulit ng experience ng ating henerasyon."

"Sa totoo lang ilang beses ako gumagawa ng talumpati sinasabi ko sana dumating ang panahon magkaroon ng parehong disiplina ang pulitiko ng sa militar, ang chain of command at aksyon kaagad. Kung yan ang matututunan ng ating kabataan - aksyon kaagad at grandstanding ay isantabi - maganda po at matututunan ng kabataan sa military at darating sa ROTC. Aksyon kaagad at disiplina ang kailangan natin," aniya.

Dagdag ng mambabatas, na reserve Lieutenant Colonel sa Philippine Army, sa ROTC rin matututunan hindi lang ang pagiging mandirigma kundi ang pag-maximize ng mga kakayahan tulad ng computer para makatulong sa bayan. Dahil dito, kahit ang may pisikal na kapansanan ay may maiaambag.

"Di kailangan gumapang o hawak ng baril. Ang kagalingan ng kabataan, pwedeng i-maximize (tulad ng) magaling sa computer, ang daming paraan. Di sinabing ROTC e puro sa pagiging mandirigma lang. Ide-develop natin ang ating mga kabataan," aniya.

News Latest News Feed