Press Release
May 29, 2024

TRANSCRIPT OF KAPIHAN SA MANILA BAY WITH SENATOR WIN GATCHALIAN AND MARICHU VILLANUEVA ON POGO, CELLPHONE BAN, AI AND CYBERSECURITY

ON POGO POLITICS

SEN. WIN: Nakikita naman natin na nagagamit lang ang pogo license as a front for human trafficking, for illegal detention, at ngayon large-scale money laundering. At under this administration, six na raids ang nangyari na. Under this administration. And all of the raids, hindi bumababa sa libo yung mga taong nare-rescue. At hindi rin bumababa sa libo yung mga taong dinide-deport dahil nga dito sa mga pogo. At ang common denominator nito ang mga pogo na ito, mga sindikato ang nagpapatakbo. I'll give you a very specific example. Itong nangyari sa Bamban na merong tatlong partner, si Alice Guo, doon sa kanyang corporation, yung Baofu Land na isa, konektado sa pogo, ito yung nakatakas, yung ni-raid dito sa Bamban. Yung pangalawa, ay yung dalawa, konektado sa money laundering, na recently lang nahuli sa Singapore. So, itong activity sa Bamban, in my analysis, is a money laundering activity. Ang nangyari... This is my initial analysis. Yung dahil illegal itong activity ng pogo, walang bangko magpapahiram dito sa mga ganitong project. At lumalabas itong project na ito, kinompute ng aming mga engineers, P6.1 billion ang perang ibinuhos para ipatayo yung mga facilities. 10 hectare lot, 37 buildings. May shopping mall, may condominium. So, pag kinompute mo, conservatively, about P6.1 billion. So, sino naman bangko ang magpapahiram ng P6.1 billion sa pogo, na alam nila iligal ang activity? So, ang pera nanggaling sa labas. At itong nanggaling sa labas, obviously, nanggaling rin ito sa mga iba, illegal activities or pera na hindi ma-trace ng mga mga activities. Kaya nga, money laundering. Meron kaming executive session with AMLC, I think next week, para mapag-usapan ito. They requested an executive session kasi maraming ongoing investigation pa. So, makikita natin na ito ay hindi lang problema ng Pilipinas, kundi transnational crime po na umiikot at nagpapatakbo ng mga organized crime na pumupunta dito at nagse-set up ng mga pogo operations. Q: Sir, diba ang Pilipinas nga, aside from the one of the two countries with no divorce, along with Vatican, Philippines is also one of the three countries that have, still in the gray list ng financial anti-money laundering, diba sir? So, AMLC has not done anything yet to correct that situation?

SEN. WIN: Well, itong mga professional criminal syndicates ito eh. Even in Singapore. At least, nahuli sila. Yes, pero matagal na nag-operate yun doon. Maraming series of transaction yun bago nahuli. So, and that's Singapore, which is much more sophisticated. Dito sa atin, nakita ko itong example ng Bamban is a clear example of large scale money laundering na nangyayari na dito sa atin.

Q: Pero meron kang bill diba sa Senate, pinupush nga ng AMLC ang BSP yata to further make it stricter yung ating present anti-money laundering?

SEN. WIN: Actually, na-amend na ang anti-money laundering law. Twice na, to make it stricter.

Q: Ba't hindi pa rin tayo mag-satisfy FAPF?

SEN. WIN: Tayo naman, hindi naman tayo bumababa. Hindi rin tayo tumataas. So, that's why in enforcement, napakahalaga. At importante na yung ating AMLC. Alert sila. At nag-investigate mabuti. At mabilis. Kasi marami ito eh. Ang pag-movement ng pera, napakabilis eh. Napakabilis. Kaya importante na mabilis yung kanilang operations.

Q: Yung sinasabi mo, executive session, kay Mayor Guo pa rin?

SEN. WIN: For the entire, for the entire. Yung issue sa Bamban, yung pogo sa Bamban, pag-uusapan na namin yung buong pogo investigation.

Q: Kasi sabi ni Sen. Hontiveros, who's the primary committee on the illegal trafficking, human trafficking and illegal detention sa pogo. Tapos yung another resolution mo rin. So, sama-sama na yun sa next, kailan ba na kasi yung executive session?

SEN. WIN: Next week. I think it's the middle of next week.

Q: Kasama dyan yung mga national security agencies? SEN. WIN: Kasama na yung national security agencies, Department of Foreign Affairs, Bureau of Immigration. Kasama na dyan. So, it's a multi-agency executive session. Yung mga nag-request sila.

Q: Kasi yesterday, the PNP disclosed that they are now officially looking into intelligence reports on Mayor Guo as being a member of the CCP, Chinese Communist Party.

SEN. WIN: Well, ngayon dahil ito ay, this is a transnational crime with many facets, everything is possible eh. Nakikita po lahat posibleng mangyari. Especially when you talk about money laundering. Money laundering, ang pinangagalingan ng pera, marami eh. Pwedeng state sponsored, pwedeng galing sa drugs, pwedeng galing sa illegal activities. Kaya hindi dumadaan yan sa regular banking system natin dahil ayaw nila ma-trace.Dahil merong illegal o merong irregular source yung kanilang hakbang.

Q: Sir, nakakatakot na sir. Di ba? Meron na nga tayong narco-politics na nakikita naman natin hindi nagbabago ang threat dahil andiyan pa rin yung mga shabu trafficking sa atin. And now we have this pogo-politics.

SEN. WIN: Yan ang nakakatakot dahil yung perang pumapasok malaki. At itong mga sindikato nito, marunong rin. Pinag-aaralan rin nila yung ating judicial system, yung ating enforcement system. Pinag-aaralan rin nila yung ating mga batas. Kaya nakakalusot rin sila. At alam rin nila na kaya nilang maglagay o manuhol para meron silang protection sa iba't ibang ahensya.

Q: But your bill, proposed bill to remove the tax privileges of pogo, will that address the problem?

SEN. WIN: Meron kasing dalawang bill, well tatlo including mine. The first two bills calls for outright ban of pogo, kay Sen. Cayetano at Sen. Villanueva, Alan Cayetano. And yung bill natin, will complete the repeal and ban of pogo. Kasi hindi na rin, doon sa unang dalawang bill, hindi nasama yung taxation side. At ang nagbigay ng legal personalities sa pogo is through taxation. You're taxing it because the law uses it as a legal business. So when you remove the taxation, in effect, wala na siyang legal basis. Q: Ayun pa naman ang pinagmamalaki ni Congressman Joey Salceda, ang proof magbabayad Agad ng buwis. Ang sabi ko, pogo workers lang yun. Hindi yung pogo.

SEN. WIN: Pero we have to look at the entire picture. Hindi lang yung kanilang ibinabayad ng buwis eh. Tingnan rin natin yung krimen, tingnan rin natin yung daladala na mga criminal syndicates. Hindi tatahimik yung bahay natin. Hindi tatahimik yung bansa natin. Hindi tatahimik yung bansa natin dahil nandito sila nago-operate.

Q: Oo. Pero sir. Ang pogo will that, kasi ang Pagcor, they rebranded it tulad sa PCOS dahil naging controversial pinalitan naging VCM. Ngayon, ang Pagcor, nirebrand nila yung pogo into Internet Gaming Licensee.

SEN. WIN: IGN. But it's the same banana.

Q: What will happen now to Pagcor if that pogo is removed?

SEN. WIN: Well, Pagcor will continue to... First of all, dapat ihiwalay na yung regulatory and operations ng Pagcor. Pagcor should purely be regulatory. Ito rin isang problema na nakikita namin, especially dito sa Bamban, classic. Sabi nila doon sa hearing, high risk itong pogo na ito. Pero pinapa-operate pa rin nila ito. Hinayaan nila mag-operate. Dahil sa kabilang banda, kumikita rin sila. So, we have to really divide Pagcor to purely regulatory. Tanggalin na yung kanyang operational aspect. Operational, ihiwalay na yan.

Q: So, magki-create ngayon another body?

SEN. WIN: Magki-create ng another body. But for the better. In fact, yung operation pwedeng private na yan. Kasi marami na nag-operate na private companies. So, in other jurisdictions, ang gobyerno, purely regulatory lang.

Q: Pero ang concern mo nga, yung pogo politics. In the meantime, malapit na 2025 elections. And we are having this, as Congressman Erice earlier said, yung post-potential na itong online. Anong concern mo doon sa political na... Online. Online. Kasi online ang hub-scan nga naging ano, it turns out. SEN. WIN: Ang importante, I'll add lang to this, importante talaga yung security features nitong system na ito. Lahat kasi digital eh. At ang argument ng mga may mga proponents, gusto nila ibalik yung dating mano-mano system or yung hybrid na system, may mano-mano at saka may automated. May pros and cons in all of those procedures. Pero kung pupunta tayo sa automated, which I think we should, importante ma-focus ngayon yung security aspect. Kasi more and more nakikita ko na yung mga may incentive sa mga ibang bansa na makialam sa ating election. Para manalo yung kanilang kandidato, manalo yung kanilang ka-alyado. So gagawa sila ng paraan para ma-manipulate yung ating elections either through fake news or through the system itself. So ang importante ngayon na itong magiging computer system natin or automated system natin eh talagang foolproof, hindi pwedeng madadaya.

Q: At least automated pa rin tayo, mas preferred po.

SEN. WIN: Ako personally, I prefer that kasi mabilis eh. Natatandaan ko nung first term namin ni Egay.

Q: When was that? 2001?

SEN. WIN: 2001. Magkasabay kami sa Congress, sabay pa kami. Ang election nung pag-close ng precinct, and yung proclamation mo, minsan umabot ng 3 linggo. Minsan three months, tatlong linggo. So tatlong linggo nag-aantay kayo. In the meantime, nagpapatayan na yung mga tao, nagnanakawan na ng balota. Ngayon, in three hours, alam mo na kung sino panalo eh. So may benefit talaga ang automated system. Pero meron din yang risk because automated siya. Kung napakabilis, hindi mo na ma-check, mache-check mo pa siya after. So importante ngayon yung security system.

Q: Ang kini-claim ni Mayor Guo, how can she... Kasi dapat sa kanya, local governance. Why did you fail to check? The illegal online hubs come to hold. Ang defense nya may Pagcor sa loob.

SEN. WIN: Totoo yun na may Pagcor. That's why in my opinion, dalawa ang may liability and accountability dito. Pagcor and also the local government unit. Kung makikita natin, I'm sure nakita nyo sa news, yung pogo Hub, nasa likod lang ng municipal hall. Hindi naman siya parang ganito Maynila na napakalayo na hindi mapapunta. Pangalawa, ang Bamban is a third class municipality. Isa lang ang mataas na building doon, yung pogo Hub rin. Hindi naman madami ang mataas na building doon. At ang nahuling tao doon, almost 600 foreigners, 300 Filipinos. In and out, 600 foreigners, 300 Filipinos, in and out, in and out of the pogo. So, in other words, dapat meron ng suspicion. And nung tinignan rin namin yung mga dokumento, which tuloy-tuloy pa ang pag-review namin, meron kami nakita doon, na isang kumpanya na hindi registered in the Philippines, pero nagdadala ng pera dito sa Pilipinas, galing abroad.

Q: Dito naglo-launder?

SEN. WIN: Dinadala sa Bamban in particular. So, nakita namin sa dokumento, we're collating all the information. But by that alone, dapat red flag ka na as a mayor. Bayan ko napakaliit. Meron nag-invest sa akin P6.1 billion yung kumpanya hindi registered sa Pilipinas. Dapat nagtatanong ka, bakit napili ang Bamban Bakit hindi Makati, hindi Pasig, hindi Manila? Bakit Bamban out of all the cities, bakit hindi Cebu? There must be something. So, yung mga ganito dapat tinatanong yan. Ngayon, tama rin siya na may PAGCOR doon 24-7. Kaya nga sinasabi ko, failure of regulation, because yung mga PAGCOR employees doon, dapat nakita rin na itong mga, almost a thousand na mga nagtatrabaho doon, walang yung tinatawag nating gaming license. Wala rin mga employment permit. Pumapasok lang sila doon para magtrabaho ng walang kahit anong permit.

Q: Inter-agency o BI, dapat meron din ang BI.

SEN. WIN: So, both may be liable.

Q: As an NPC stalwart, that would be your main consideration. If pogo supporter, I won't support you.

SEN. WIN: Kasama yun. Kasama yun. Dapat any, not only pogo, but any candidate will be supported by illegal sources.

Q: Siyempre, they won't admit that. Pero kung publicly they declared they are in favor of pogo, and voted for pogo.

SEN. WIN: Well, for me, mabigat yun dahil nakita ko na itong pogo, pinapahirapan yung ating bansa dahil sa krimen. Ang kinatatakutan ko itong mga sindikato na ito. At nangyari na, next time, ang target niya, mga lokal na. Ang susuhulan niya, mga matataas na tao na. Saan pa tayo pupunta pag ganyan? Yun ang kinatatakutan ko. Lumalalim at lumalalim na yung ugat. At pag malalim na yung ugat, mas lalong mahirap.

Q: So that will be a consideration?

SEN. WIN: Definitely, that will be a consideration.

USAGE OF AI

Q: On use of AI

SEN. WIN: Sabi ko nga kay Cong. Egay in the future kapag gagawa ka ng commercial, lahat AI generated na eh. Hindi mo kailangan kumuha ng production house, hindi mo kailangan kumuha ng director, hindi mo kailangang kumuha ng script writer, lahat AI na. And that's highly possible kasi nakikita na natin. At sa ngayon, maraming bansa pinag-uusapan to regulate AI. Pero wala pang bansang nakakagawa. Because binabalanse rin natin yung innovation at regulation. Dahil pag re-regulate mo naman, hindi mag-i-innovate. So wala pang bansa. And really, masyadong maaga, masyado pang mabilis yung paggalaw, na maraming bansa, hindi rin nila alam kung paano i-regulate. Pero may mga agreements na. Maraming mga agreements between the tech companies na sinasabi nila dapat yung AI generated content ay ma-regulate nila or mayroong ethical standards. Kasi itong mga AI generated content, meron silang data na pinagkukunan. Kung yung data mo ay, let's say, masama o fake news, ilalabas na AI fake news rin. So may mga big companies, tulad ng Microsoft, na Open AI, meron na silang mga ethical standards. But these are among themselves. Pero marami rin kasi mga AI companies na mas maliit na meron din silang ganitong capability.

CELLPHONE BAN INSIDE CLASSROOMS

Q: On banning of Tiktok SEN. WIN: Ang aking proposal, to ban cellphones inside schools. We talked about that. And we will be filing the bill soon. At ang social media kasi very... Marami na ngayong mga studies on how social media is affecting the mental health ng bata. Marami na rin mga studies pointing that ang TikTok is yung algorithm niya much more aggressive than the others. But having said that, ang bata kasi ngayon, iba niya yung kanilang pag-iisip because of social media and cell phones. At kaya sabi ko, para ang bata lumaki ng marunong makipagkaibigan, magbasa... dapat i-ban natin ang cellphone inside schools. Dahil ito nakaka-apekto sa paglaki ng bata. For example, bigyan ko kayo ng halimbawa. Pag recess, kaagad cellphone eh. Wala nang kwentuhan-kwentuhan. Wala nang sports-sports. Gusto nilang mag-cellphone. Kaya hindi maganda rin yan sa pagpapalaki ng bata.

Q: We interviewed Chairman Garcia and kasama dun sa kinu-consider niya, yung pagbabawal ng paggamit ng AI during the campaign next year. How do you find this type of proposal, sir? Is this feasible? Pwede ba accommodate mo by administration?

SEN. WIN: I think we have to clarify rin kung ano yung iba-ban sa AI dahil masyadong malawak ang application ng AI. Nasabi ko nga kanina, hindi malayo na you can ask AI, pwede mo sabihin gawan mo ako ng commercial, gagawan ka nya ng commercial. So may mga applications na legal pero may applications rin na illegal. For example, gumawa ka ng advertising laban sa kalaban ko, then yun, bawal yun. So we need to really narrow down kung ano pa yung pagbabawalan. At admittedly, ang AI ngayon is a moving target. Everyday nag-evolve ang AI. Kaya dapat ang regulator, katulad ng Comelec, mabilis rin. Pinag-aaralan nila ano yung application at nakikita nila by 2025, ano ba yung pwedeng gawin ng AI na sisira sa ating eleksyon. Dahil may mga application rin naman na pwedeng na positive, pero may mga applications rin na negative. So yun ang dapat ma-pinpoint specifically.

Q: Sen. Win, kasi kahapon merong survey, informal survey si Sen. Pro Tempore Jinggoy about Divorce? Can we get your side on this, on your stand on the Divorce?

SEN. WIN: Yung house version, hindi ko pa nakikita to be honest about it. So I cannot comment on the house version. So masyado maaga pa.

Q: Sa Senate?

SEN. WIN: Hindi ko pa rin nakikita because hindi naman siya masyadong napag-uusapan internally to be honest about it.

Q: Sen. Win, you filed a reso about Multinational. Can you tell us a little bit kung ano po yung natanggap ninyong info and allegedly connected daw po ba ito sa Bamban?

SEN. WIN: May mga homeowners na pumunta sa office namin nung narinig nila itong issue sa Bamban at narinig nila yung hearing namin tungkol sa pogo. At maraming pumunta sa amin, iba't ibang homeowners, may Multinational, may Alabang. At ang kanilang complaint is number one, yung overcrowding ng mga bahay. Dahil may mga bahay raw na 30, 40 yung mga nakatira doon. At natatakot sila kung ano ba yung, kung may 40 katao doon. Hindi normal yun sa isang bahay. So doon sila natatakot. At mayroon rin mga issues na nakikipag-away sa security guard. May issues rin na mayroon mga escort ng police. So may mga ganun na issues. And marami rin mga allegations na konektado ito sa Pogo. Dahil nga sa gabi dumadating or lumalabas yung mga sasakyan. So mayroon rin mga issues of may mga naaresto ng mga local police. So we want to look at that angle also.

Q: Sir, dun sa reso nabasa ko po na parang supposedly baka daw po itong mga naaresto doon ay mga nakatakas from Bamban.

SEN. WIN: Mayroon mga ganun na news reports at information kami na konektado dahil maraming kaming nakitang mga nahuli doon sa Bamban na nahuli na doon sa Pasay pogo. Pero hindi na-filan ng kaso kaya nakawala. Pero nag-reappear siya doon sa Bamban. So maraming kaming ganun. May mga nakita kaming pangalan na nahuli sa Clark. May na-raid sa Clark. Tapos nakita dito sa may Pasay. So ang aming sense itong mga sindikato na ito, umiikot lang sila. At of course, nakatira sila sa mga ganitong villages. So may mga ganun na reports kami na gusto namin tignan. Because yun ang aming kinakatakutan na itong mga sindikato na ito nakatira sa mga villages natin. They live among us. At hindi mga ordinary yung tao to. For example, yung nakatakas sa Bamban, meron na siyang warrant of arrest sa China at sa iba pang bansa. Pero nandito siya, nakatakas. Ito yung nung nag-raid yung PAOC, pumunta siya doon sa tunnel at nakatakas siya via the tunnel. So, hindi siya mahuli ngayon. If you remember, pinapatawag ni Alice Guo at sabi nga natin, hindi natin mapapatawag dahil fugitive siya ngayon, nakatakas siya.

Q: Pero ano daw ang pangalan, Sir?

SEN. WIN: Huang, we'll get it. Ang last name is Huang, but we'll get the exact name. Itong si Mr. Huang is one of the incorporators ng Baofu Land. Si Huang Zi Yang, na partner siya ni Alice Guo. Direct partner siya. Kaya nga, three out of the four partners ni Alice Guo, lahat merong warrant of arrest.

Q: Sabi niya nag-divest na siya noon

SEN. WIN: But this was when it was being set up, nandoon siya. She was the president of Baofu Land, she was the applicant Hung Sheng. Her name, andoon lahat, pati yung building permit, nandoon yung pangalan.

Q: Chineck niyo ba kung talagang nag-divest yan?

SEN. WIN: Doon sa bagong general information sheet, iba na yung pangalan. So most likely, nag-divest siya. But hinihingi namin yung sale purchase agreement, kung talaga may gano'n.

Q: Sir, last question na lang po. May nakikita pong info sa inyo, may pogo rin daw sa Cavite.

SEN. WIN: Which in particular? Marami, marami pang operations ng pogo dito. Marami, marami operations. Kasi may malaki, may pogo hub, mayroong maliit rin. But according to the enforcers, marami pa silang sinu-surveillance. So, in other words, marami pang mga ganito.

Q: Tsaka problema, legal sila.

SEN. WIN: Ang problema kasi kahit sinu-surveillance sila, kung walang magko-complain, kagaya dito sa Bamban, nakatakas yung isang Vietnamese, hindi sila makakakuha ng search warrant. Kung hindi strong ang evidence sila, hindi sila makakakuha ng search warrant. Kaya matagal, bago sila nakakapag-raid.

Q: At ito pa problema, napanood ko sa social media interview kay Governor Tarlac, Governor Susan Yap. Kasi last week, guest namin dito, Sen, siya chairman ng NPC, your party. Towards the end nga yung tanong ako sa kanya, by the way, Sen, ano ang stand mo sa pogo? And in that context namin, Mayor Guo is part of the NPC. So we asked Governor Susan Yap to investigate kasi we will determine if she can be retained as NPC. So, the point is, ang Anyway, magiging consideration din ba ang pogo whether you're member of pogo or not sa NPC?

SEN. WIN: Definitely, dahil importante na mga member namin ay member in good standing at members of good moral conduct and legitimate Filipino of course. So yun ang prinsipyo ng NPC na yung mga miyembro namin nakakatulong at maaayos sa mga miyembro.

Q: Ayun, naalala ko na ang tanong ko. Kasi sabi mo, wala pang complaint. Sabi ni Governor Susan, we cannot initiate any investigation yet or formal investigation yet. But there's no complaint against her.

SEN. WIN: Actually, they can do motu proprio investigation as a province. Dahil narinig ko doon sa kanyang interview na meron na pala silang pogo ban resolution. So meron na silang pogo ban resolution. So ang tanong, bakit nakalusot pa itong mga pogo na ito?

Q: So it will go up to her

SEN. WIN: Yes, narinig ko sa kanyang interview meron na silang resolution on banning pogos, which is good. Ngayon, ang tanong, bakit nagkaroon pa ng mga Pogo? Dalawang Pogo sa Bamban, eh, Hongsheng at yung Zun Yuan. So, kaya dapat maimbestigahan nito ng probinsya dahil meron na silang resolution. This is a violation of their resolution.

Q: So what are they talking about na wala pa ng formal complaint against her?

SEN. WIN: Motu proprio pwede silang mag-investigate dahil ang mga municipal mayors, under the provincial government.

Q: Pero as a NPC member, pwede na nga na yun din, motu proprio.

SEN. WIN: Yes, talagang ang gusto kasi ng NPC, maayos na miyembro. Especially pagdating sa moral conduct.

Q: Yes, and Tito Sen said si Teves inoust namin. Wala ba kayong vetting process ng NPC?

SEN. WIN: Meron din, meron din kaming internal na investigation. Meron din kami internal disciplinary action.

Q: Anong posisyon mo sa NPC?

SEN.WIN: I'm a part of the advisory board, yung advisory council. So I'm part of that.

Q: Sir, after, I think eight hearings, tapos twice dumalo si Mayor Guo sa hearing mo. Ano ba, sir, so far yung nakikita niyong conclusion? Yung involvement ni Mayor Guo tsaka ano yung initial assessment mo sa past two hearings?

SEN. WIN: Ang personal assessment ko, yung father niya nagsinungaling para ma-declare si Alice Guo as Pilipino. Dahil nung tinitignan ko yung kanyang birth certificate, dahil yung birth certificate niya, father niya yung gumawa. Nakasulat doon, name of father. So dapat ilagay mo doon yung totoong pangalan mo. Ang totoong pangalan niya in the passport is Guo Jianzhong. Dapat yun yung nilagay niya. Nakasulat rin doon sa birth certificate, citizenship.

Meron siyang Chinese passport, dapat linagay niya doon Chinese. Pero nilagay niya Pilipino. Then nakasulat doon kung kailan kinasal. Meron siyang date kung kailan kinasal. Pero doon sa iba-ibang birth certificate, iba-ibang taon ang nakasulat doon. So this is consistent across four birth certificates of allegedly her children. Si Sheila Guo, si Ximen Guo, at meron bagong na-discover, taga-Calookan Si Wesley Guo. Si Xiemen and si Wesley sa Caloocan nag-registration. Tumira rin sila sa Valenzuela. Magkatabi lang kasi kami, mag kapit-bahay. So, my point there is, may deliberate and conscious effort na magsinungaling at mag-supply ng wrong information. At ngayon kasi ang birth certificate natin napakatibay. Yun ang basic document. Hinihingi ng lahat. Pagkukuha ka ng passport, birth certificate hihingiin. Pagpa-file ka ng candidacy, pag chineck mo, Pilipino ka. Pag tinignan niyong ebidensya, birth certificate. Very powerful document. Pero napakadali naman doktorin.

Q: May sindikato din?

SEN. WIN: Meron din. Meron din nangyayari rin yan. Unfortunately, yung itong taong tumanggap ng records, o tumanggap ng application na Angelito Guo namatay na. But based on the PSA report to us, pag maga-apply ka ng late registration, maraming requirements yan eh. Maraming supporting documents. Walang supporting documents. Kung hindi isa lang, yung certification ng NSO. By that alone, makikita mo na problematic na talaga at irregular.

Q: Walang nag-question sa candidacy niya nun eh

SEN. WIN: Walang nag-question eh. Ito lang naman. Pag hindi naman lumabas nung POGO issue, business as usual naman eh. And then the mother. There's a big possibility na itong si Amelia Leal is a figment of their imagination. Walang ganitong tao. Yung kanyang mother is another person. Most likely, ang mother niya is also Chinese.

Q: Kaya lumalakas ang suspicion na spy siya which she vehemently denies. I'm not a spy. I'm a Filipino.

SEN. WIN: Sa ngayon, with criminal syndicates, everything is possible eh. Hindi natin maru-rule out yun. Dahil sindikato to. They can do money laundering. They can do everything.

Q: Sir, how about sir yung pagkakaugnay niya sa POGO na-establish na ba talaga? May conclusion na kaya kayo?

SEN. WIN: Doon sa hearing, lumabas na merong isang pang babae called Nancy Gamo. When we were looking at the documents, si Nancy Gamo is present in all, not all, but three or four Guo related companies. Siya yung nag-incorporate ng Guo related companies. After a while, lumabas din yung pangalan niya doon sa Zun Yuan. Nancy Gamo rin. So, paano yung siya yung nag-incorporate ng Guo related companies? Biglang all of a sudden, siya nag-incorporate nung Zun Yuan. So, by that alone, may connection between the Guo related companies and Zun Yuan through Nancy Gamo.

Q: May tanong lang din kay Senator Win, Sir early this week may interview kay Senator Escudero and he was asked about the pogo and your stand to totally ban pogo. Ngayon ang sabi niya, if we're going to ban pogo, dapat i-ban na lahat ng gambling operations lahat dito sa Pilipinas. So, how do you find that kind of stand considering na magkaiba yung impact na binibigay, for example, ng pogo and Casinos.

SEN. WIN: Iba kasi ang pogo eh. Kahit na sugal siya, ang pogo, daladala naman ang krimen. Iyan ang kaibahan nito. At ang operator ng pogo, mga syndicates, proven na yan. Ilang raid anim na raid na ang nangyari dito. Lahat ng mga nahuli, may kaso sa abroad, nagtatago dito, mga pugante.

Q: Devil's Advocate lang, sir. Di ba ang pogo ang kine-cater ay Chinese gamblers?

SEN. WIN: Yung front nila, Chinese gamblers. Pero yung sa likod nila, ang tina-target mga Filipino na through scamming. Lahat yan, pare-pareho. Yung na-raid sa Clark, scamming. Na-raid dito sa Pasay, scamming. Na-raid sa Bamban, scamming. Lahat may scamming activity. Lahat sila may license, pare-pareho. Because when you give a license, itong license na ito, pwede ka na magpasok ng mga trabahador galing sa China, galing sa Vietnam, sa iba-iba. So ginagamit nila ito sa pag-recruit ng mga trabahador galing sa ibang bansa. Pagdating dito, tinatago nila yung passport. Kaya nung binuksan yung vault ang daming passports na nakuha, tinatago. Illegal detention na kaagad yun. Wala nang magawa yung mga dayuhan dahil nandito na sila, nakakulong. At pinapatrabaho nila sila sa scamming. May torture chamber pa. Kaya tumakas dahil hindi na kaya yung torture. Hindi natin sila pwedeng isama sa mga ibang casino businesses dito sa Pilipinas. Iba yung kanilang activities. Itong criminal activities talaga ang pogo.

Q: On Teresita Ang-See's comment SEN. WIN: Unfair naman na sabihin na hindi kami gumagawa ng research, in fact for this hearing, katakot-takot ang research ang ginawa namin, Hindi lang ako kundi pati staff ng committee. Walang zarzuela dito na nangyayari. Bibigyan ko kayo ng very specific example bakit in-expand ang investigation, at naisama ang ibang mga kapamilya ni Alice Guo. Nung tinignan namin ang mga incorporator, sinabi ni Alice na dalawa ang kumpanya na pinagkukunan nila ng cash flow. Tinignan namin ang financial statements. Lugi o maliit lang ang kita. So ang tanong saan nanggagaling ang pera. Kung di galing sa negosyo nila, saan nanggagaling yung pera? In-expand namin dahil ang corporators ng kanyang corporation kasama doon yung kanyang mga kapatid at kasama yung kanyang tatay at meron pa isa doon na kasama, isang babae pangalan Lin Wenyi na tingin ko ito siguro yung totoong nanay niya, tingin ko ha, may personal analysis, because family corporations ito eh at kaya in-expand namin dahil nakita naman natin investment doon ay P6.1 billion hindi nakikita sa family corporations nila kung saan nanggagaling, baka personal investment ito ng tatay, baka personal investment ito ng mga kapatid we have to look at that angle. So we have to look at kung saan nanggagaling yung pera if it's not from the corporation maybe individually, hindi natin alam baka meron silang individual businesses na hindi kasama sa negosyo so we have to look at all of those so hindi sa lumihis but we expanded the investigation because yung money laundering napakalaking activity ito na dapat tignan lahat.

SEN. WIN: Kung may P6.1 billion ka ilagay mo na lang sa Caloocan which is a highly urbanized city, bakit third class municipality? Nung pumunta kami sa Bamban ito na yung pinakamataas na building doon eh, hindi mo siya hindi makikita dahil yan na yung pinakamalaking development in that area. Because we expanded the investigation so kailangan namin makita lahat ng picture.

Q: Mag-take over ang Senate Blue Ribbon?

SEN. WIN: Yung Senate Blue Ribbon mayroon siyang investigation on the fake passports and fake birth certificates medyo related dito. Natuklasan nga nila na mayroon mga sindikato na nag-o-operate sa PSA dahil napakadaling kumuha ng birth certificate. Ibigay mo lang yung gusto mong information mag-sign ka ng affidavit bibigay na sa'yo yung birth certificate mo kung kakilala mo yung registrar, huwag ka na mag-submit ng mga mandatory requirements may birth certificate ka na at yung birth certificate na iyon, pwede ka nang kumuha ng passport.

Q: Saka mga illegal workers?

SEN. WIN: Walang mga work permit lahat yun that's why yung accountability nasa PAGCOR dahil mayroon silang tao doon 24-7 bakit nakalusot ito? at bakit hindi nila nakita na walang mga permit yung mga nagtatrabaho doon 24-7. Ibig sabihin may tao silang kasi under their guidelines, they have to inspect all the facilities inside the POGO hub. Ibig sabihin dapat naglalakad sila at tinitignan nila yung mga activities doon.

Q: Transfer ni Mayor Guo ang liabilities?

SEN. WIN: Both, as a mayor meron ka rin responsibility na pigilan, yung mga ganitong activity magtatanong ka bakit dito? bakit sa Bamban? Bakit napili kami dito?

Q:And given nga po itong mga issues ni Mayor Alice nakalusot as mayor habang may questionable documents would you recommend po ba na to amend the omnibus election code for future elections?

SEN. WIN: i think ang titignan namin ngayon is how to reform the birth certificate system, process and system in our country masyadong naaabuso at masyadong madali and the use technology rin on how to integrate all of this. Meron na tayong national id, bakit hindi natin ma-integrate to sa national id natin? Admittedly, maraming kababayan tayo na lalo na yung mga katutubo, nasa probinsya hindi nakakapag register on time. Admittedly, so babalansehin natin na what can we do? Huwag naman masyadong mag-impede sa kanila pero huwag naman masyadong madali dahil may na-aabuso.This is not the first case merong 67 cases or 60 plus cases sa PSA kung saan ang mga birth certificate puro peke at nabigay sa mga foreigners so hindi ito isolated cases naaabuso talaga yung pagkuha ng birth certificate. Ang delikado lang ngayon dahil sa birth certificate pwede ka nang kumandidato, manalong mayor, mayroon congressman pwedeng senator, even presidente tapos later on matutuklasan na yung birth certificate mo pala e peke o defective so dapat i-reform yung pagkuha ng birth certificate at yung process ng birth certificate system natin. Q: Advice na lang sa Comelec para masiguro nga na transparent yung mga candidates natin tsaka tama yung iboboto ng mga tao

SEN. WIN: kasi ang pagiging kandidato ang requirement lang naman Filipino is read and write and then pwede ka nang tumakbo. Ministerial ang Comelec, ibig sabihin tanggap lang sila unless mayroong mag file ng kaso tsaka lang sila aakto pero ministerial lang sila. May presumption of regularity.

Q: Sir, sa NPC. Sir, ano yung i-recommend nyo as far as Alice Guo?

SEN. WIN: Ako personally from what I am seeing and this is my personal take na ma-expel siya sa NPC because connected siya sa pogo and yung kanyang birth certificate is irregular and also invalid because of the source of information but para sa akin yung pag-a-apply niya in behalf of Hongsheng puts her in direct connection with Hongsheng pogo company which is yung unang na-raid so hindi natin pwedeng tanggalin na wala siyang connection doon kasi siya yung nag-apply in fact meron rin letter kaming nakita, inamin nung dating mayor siya yung kausap in behalf of Hongsheng.

Q: Formally recommend?

SEN. WN: I will air my views as a member of the advisory council and importante na ma-maintain namin yung integrity ng members ng mga NPC or this will set a bad precedent. In fact, nung kumandidato siya in 2022 hindi naman NPC yung kanyang certificate of candidacy, independent siya. Nung nanalo siya, normal naman pag nanalo ka umaalyado ka sa ruling party, umalyado siya sa NPC dahil ang buong Tarlac NPC

Q: Keeping her in the party ano ang nakikita nyo?

SEN. WIN: Ang nakikita ko dyan it will set a bad precedent and it's not the type of members that we want for our party. Importante yung mga members namin ay mataas ang kanilang integridad, good moral conduct and importante rin na hindi nasasangkot sa mga ganitong kriminalidad.

Q: Sir, yesterday po according to Senator Joel Villanueva around 3 to 4 members of the Solid 7 are willing to join the minority bloc. Sir may we know personally are you inclined to join the minority or not?

SEN. WIN: Pag-uusapan namin ito. Itong break gagamitin namin ang panahon para magusap ng mabuti. Para sa akin ang importante ah ay paano natin maipasa yung ating mga priority measures, lalo na in education, in ways and means, so paano natin magagawa yan. So pag-uusapan natin, mabuti ito. But I talk to him almost every, regularly. Dapat mag-uusapan lang ng masinsinan.

Q: How can Senate address possible cyber security vulnerabilities mybe we may experience during the election if we were to use Miru machines. What can the Senate do by way of legislation?

SEN. WIN: Yung mga statements ni Cong. Egay, these are very important statements that we need to consider. Importante, integrity ng elections. And ako admittedly, the more you digitalize, the more prone that it will be hacked, it will be attacked, and manipulated. Kaya so importante na itong mga concerns na ito ay ma-address. And these are very valid concerns. At gaya ng sinabi ko, maraming mga bansa or mercenaries na gustong sirain yung election natin eh. Nangyayari yan sa ibang bansa. Nakikita natin sa States may allegation of Russia meddling through fake news or other means. Ito napakadali. In three hours may resulta na eh. Wala ka ng time mag-investigate o mag-complain. So as early as now, yung mga red flags na na-raise, dapat makita agad.

CLOSING STATEMENT

SEN. WIN: Ako ay nananawagan sa ating Pangulo na i-ban na ang pogo kaagad dahil palalim nang palalim yung ugat nitong pogo at ang kriminalidad ay palala nang palala.

Q: Pwede bang i-ban kaagad?

SEN. WIN: Pwede nang i-ban kaagad, executive decision lang ito. At kinakatakutan ko na pumapasok na rin sila sa pulitika, so hindi lang naglalagay, hindi lang nanunuhol kundi pumapasok na sa pulitika at kapag mas malalim na ang ugat mas mahirap nang buwagin yan sa mga susunod. So habang kaya pa natin ngayon at ang mga enforcers natin ay masigasig ang aking panawagan sa ating Pangulo na i-ban na kaagad ang POGO dahil walang kabutihan ito na dinadala sa ating bansa.

Q: Can they be banned even if Congress is not in session?

SEN. WIN: Of course merong executive powers para iban, meron ding through legislative. It will take time. Pwede naman niyang gawin yun because ang regulator ay PAGCOR which is under the Office of President. Kahit na may batas pwede nyang i-suspend.

News Latest News Feed