Press Release
June 10, 2024

CHIZ SUSPENDS NEW SENATE BUILDING CONSTRUCTION PENDING COMPREHENSIVE REVIEW

Senate President Francis "Chiz" G. Escudero announced on Monday that he has ordered the suspension of the construction work on the new Senate building in Taguig City, citing concerns over escalating costs and the need for a comprehensive review.

Escudero made the announcement during his first flag-raising ceremony as Senate chief, informing officials and employees that the planned transfer to the new building will be delayed.

"Hindi totoo na makakalipat tayo sa bagong gusali, lupa at building ng Setyembre. Hindi rin totoo na aabot tayo makalipat bago matapos ang taon. Kahit hanggang 2025, sa palagay ko ay hindi pa rin dahil marami pang bagay na kailangang ihanda at maraming bagay din na aming nakita at nagisnan na kailangan pang suriin at pag-aralan," Escudero said.

Escudero expressed his shock and disbelief at the unexpectedly high projected costs needed to complete the new Senate building, noting that these expenses are particularly hard to accept given the economic crisis faced by most Filipinos.

"Nung nakita ko ito, medyo nagulantang ako at hindi ko inasahan na ganun kalaki aabutin ang gagastusin para sa ating magiging bagong tahanan," Escudero said.

"Sa aking pananaw, masama ito sa panlasa ng karamihan, lalong masama sa panlasa ng nakararami nating mga kababayan, lalo na sa gitna ng krisis ng ekonomiya at sa kahirapan na nakikita ng marami sa ating kababayan," he added.

Initially budgeted at P8.9 billion, Escudero revealed that the cost of the project has now ballooned to P13 billion, with an additional P10 billion required for completion, bringing the total to P23 billion.

"Para sa akin, medyo mabigat lunukin at kagulat-gulat naman talaga," Escudero remarked.

In response to these findings, Escudero said he has already given specific instructions to Senator Alan Peter Cayetano, the new chairman of the Committee on Accounts, who is responsible for ensuring the smooth transfer of the Senate to the new building and overseeing the project's quality and timeliness.

"Inutusan ko na si Senator Cayetano, base na rin sa kanyang rekomendasyon at sulat, na ipagpaliban muna anumang bayarin o gawain hangga't hindi natin nasusuri at napag-aaralan," Escudero said.

According to Escudero, he made the decision after receiving a detailed report and recommendations last Friday from Cayetano concerning the escalating costs, quality issues, and management inefficiencies surrounding the New Senate Building project.

Cayetano's report highlighted several critical issues, including a dramatic increase in the project's budget from an initial P8.9 billion to a projected P23.3 billion.

The preliminary review conducted by the committee revealed numerous variations, deviations, and modifications to the project that have not been properly validated. These changes have resulted in additional expenses amounting to P833 million, which is nearly 10 percent of the original contract price.

Moreover, inspections by the Senate Coordination Team have raised questions about the quality of workmanship and adherence to the original terms of reference.

The report also pointed out procurement delays and missteps by the project manager, the Department of Public Works and Highways (DPWH), which have contributed to project slowdowns and cost overruns.

In light of these initial findings, Escudero ordered a deeper review of the project to address current issues, improve project management, and ensure the highest standards of quality and efficiency.

Escudero agreed with all of Cayetano's recommendations, including identifying immediate and underlying problems in the project and compelling the DPWH to question, evaluate, and rectify issues that can still be corrected.

In his report, Cayetano explained that the DPWH's actions will be decisive in determining whether the agency and the contractor, HillMarc's Construction Corporation, will implement the remaining portion of the project, which has an approved budget of P10.33 billion but is yet to be awarded.

He suggested compelling the DPWH to create a high-level liaison team for this project, composed of the DPWH's Unified Project Management Office as the project manager and the Bureau of Design for proper coordination.

Cayetano also advised engaging a third-party construction management team to help clarify and validate the project to date, both technically and financially.

This, he said, will aid in a value engineering exercise intended to reduce the cost of the building, considering the high projected cost, subsequent delays, and the desire to turn over a building that conforms to the original design intent.


KONSTRUKSIYON NG BAGONG GUSALI NG SENADO, PINASUSPINDE NI CHIZ

Inihayag ni Senate President Francis "Chiz" G. Escudero nitong Lunes na ipinag-utos niya ang suspensiyion ng konstruksiyon ng bagong gusali ng Senado sa Taguig City dahil sa lumalaking gastos bukod sa kailangang magkaroon ng komprehensibong pagsusuri sa naturang proyekto.

Ginawa ni Escudero ang pahayag sa unang flag-raising ceremony bilang pinuno ng ng Senado at ipinaalam sa mga opisyal at kawani ng Senado na maantala ang planong paglipat sa bagong gusali.

"Hindi totoo na makakalipat tayo sa bagong gusali, lupa at building ng Setyembre. Hindi rin totoo na aabot tayo makalipat bago matapos ang taon. Kahit hanggang 2025, sa palagay ko ay hindi pa rin dahil marami pang bagay na kailangang ihanda at maraming bagay din na aming nakita at nagisnan na kailangan pang suriin at pag-aralan," sabi ni Escudero.

Nagulat at hindi makapaniwala si Escudero sa hindi inaasahang high projected costs para makumpleto ang pagtayo ng bagong gusali. Aniya, ang malaking gastusing ito ay mahirap tanggapin sa gitna ng krisis pang-ekonomiya na kinakaharap ng karamihan sa mga Filipino.

"Nung nakita ko ito, medyo nagulantang ako at hindi ko inasahan na ganun kalaki aabutin ang gagastusin para sa ating magiging bagong tahanan," sabi ni Escudero.

"Sa aking pananaw, masama ito sa panlasa ng karamihan, lalong masama sa panlasa ng nakararami nating mga kababayan, lalo na sa gitna ng krisis ng ekonomiya at sa kahirapan na nakikita ng marami sa ating kababayan," dagdag pa niya.

Sa paunang pondong P8.9 bilyon, ibinuyag ni Escudero na ang halaga ng proyekto ay lumobo sa P13 bilyon, na may dagdag na P10 bilyong na kailangan para sa pagkumpleto nito kaya umabot ito sa kabuuhang P23 bilyon.

"Para sa akin, medyo mabigat lunukin at kagulat-gulat naman talaga," puna ni Escudero.

Bilang tugon sa natuklasang ito, sinabi ni Escudero na inatasan na niya si Senador Alan Peter Cayetano, ang bagong chairman ng Senate Committee on Accounts, na ipagpaliban muna ang anumang bayarin o gawain hanggang hindi nasusuri ang nasabing proyekto.

"Inutusan ko na si Senator Cayetano, base na rin sa kanyang rekomendasyon at sulat, na ipagpaliban muna anumang bayarin o gawain hangga't hindi natin nasusuri at napag-aaralan," ani Escudero.

Ayon kay Escudero, ginawa niya ang desisyon matapos makatanggap ang detalyadong ulat at rekomendasyon noong Biyernes mula kay Cayetano kaugnay ng lumalaking gastos, quality issues, at management inefficiencies sa nasabing bagong Senate Building project.

Binanggit sa ulat ni Cayetano ang maraming mahahalagang isyu, kabilang ang kaduda-dudang pagtaas na pondo ng proyekto sa P23.3 bilyon mula sa inisyal na P8.9 bilyon.

Sa preliminary review na isinagawa ng komite, nabunyag ang maraming 'variations, deviations, and modifications' ng proyekto na hindi na-validate ng maayos. Ang pagpababagong ito ay nagresulta sa dagdag gastusin na nagkakahalaga ng P833 milyon, na halos 10 porsiyento ng orihinal na contract price.

Bukod diyan, sa ginawang inspeksiyon ng Senate Coordination Team, kinuwestiyon din ang kalidad ng pagkakagawa at pagsunod sa orihinal na 'term of reference' ng naturang proyekto.

Nakasaad din sa ulat ang procurement delays at misteps ng project manager, ang Department of Public Works and Highways (DPWH), na nakaambag sa pagbagal ng proyekto at pagsobra sa gastos nito.

Sa gitna ng inisyal na natuklasang ito, ipinag-utos ni Escudero ang malalimang pagsuri ng proyekto para mapagtuunan ng pansin ang kasalukuyang isyu, mapabuti ang project management at matiyak ang pinakamataas na pamantayan na kalidad at kahusayan ng nasabing proyekto.

Sinang-ayunan din ni Escudero ang rekomendasyon ni Cayetano, kabilang ang pagkilala sa kagyat at pinagbabatayan na problema ng proyekto at obligahin ang DPWH na kuwestiyunin, suriin at linawin ang mga isyung na maari pang itama.

Sa kanyang ulat, ipinaliwanag ni Cayetano ang hakbang ng DPWN ay krusyal sa pagtuloy kung itutuloy pa ng ahensiya at ng contractor, ang HillMarc's Construction Corporation, ang natitirang bahagi ng proyekto, na may approved budget ng P10.33 bilyon subalit hindi pa naibibigay.

Iminungkahi rin ni Escudero na obligahin ang DPWH na magbuo ng high-level liaison team para sa nasbaing proyekto, na binubuo ng Unified Project Management Office ng ahensiya bilang project manager at ang Bureau of Design para sa tamang koordinasyon.

Pinayuhan din ni Cayetano na magkaroon ng third-party construction management team na tutulong sa paglilinaw at magpapatibay sa proyekto.

News Latest News Feed